7

31.6K 392 6
                                    

7

Hi to cranberry27 , salamat sa laging pagbabasa ng story ko.


***

Marie Claire's POV

Nagising ako na nasa isang room na puro puti ang wall, this must be their company clinic. Never pa kasi syang pumunta dito saka nakita nya na may mga first aid kit sa side. Ano bang nangyari? Di ba dapat papunta ako kay boss para magpasa ng mga papers? Tapos sumakay ako ng elevator pero sobrang nahihilo na ako nun at bigla nalang naging blangko ang lahat. Hinimatay siguro ako. Pero sino kaya ang nagdala sa akin dito sa clinic? Naalala ko na may isa akong kasama sa elevator pero di ko na matandaan kung lalake ba or babae ito. Nitong mga nakaraan talaga madalas ako mahilo at nasusuka. Hindi kaya.....?

Natigil ang pagiisip ni Claire ng may pumasok na nurse sa kwarto.

"Hi Ms. Guzman, gising na po pala kayo, kumusta na po ang pakiramdam nyo?" tanong ng nurse.

"Okay na yung pakiramdam ko, hindi na ako nahihilo." Sagot ni Claire.

"Mabuti naman po. Ang sabi po ni Doc Galvez kailangan nyo lang daw po ng pahinga,sapat na tulog at pagkain kasi overfatigue at stress daw po kaya kayo nahimatay kanina." Paliwanag ng nurse kay Claire. At nakahinga naman ng maluwag ang dalaga sa kaalaman na dahil pala sa overfatigue kaya sya nahimatay, akala talaga nya ay may nabuo sila ni Trigger. Kinabahan talaga sya.

"Ma'am lagi po ba kayong puyat?" tanong ulit nito.

"Oo eh, nitong mga nakaraan araw lagi akong kulang sa tulog kasi may inasikaso akong party tapos natambak yung trabaho ko dito sa office." At umupo na si Claire sa gilid ng kama.

"Basta Ma'am sapat na pahinga lang po at pagkain, okay na po kayo." At ngumiti sa kanya ang nurse.

"Nurse, sino yung nagdala sa akin dito sa clinic? Kilala mo ba?" tanong ni Claire.

"Si sir Brandon Soriano po ng Accounting department, buti na nga lang po talaga at kasabay nyo sya sa elevator at dinala ka nya dito."

"Oo nga eh, laking pasasalamat ko talaga sa kanya dahil kung wala sya dun baka ano ng nangyari sa akin. Sige nurse, balik na ako sa office. Thank you." At lumabas na ng clinic si Claire at dumaan muna ng pantry upang kumain. Pagkatapos ay dumirecho na sya sa office ng boss nya para ibigay ang mga papers na kailangan nito.

After work ay dumirecho na agad sya ng uwi upang makapagpahinga at nung weekend naman ay nag-stay lang din sya sa bahay para makabawi sa mga puyat sa pagod na naipon nya nung mga nakaraan na mga araw. Nang sumunod na linggo di nya akalain na nakauwi na pala si Trigger galing America pero super busy eto sa pagpapaexpand ng negosyo nya. Busy man pero di nakakalimutan tawagan ni Trigger si Claire at kumustahin, minsan sabay din silang nag-di-dinner katulad ng ginagawa nila bago ito pumunta ng America.

At ng matapos ang mga kailangan nilang gawin naisipan ni Claire na ipagbake si Trigger ng cupcake ng Linggo. Pumunta sila sa bahay ni Trigger at dun si Claire nagbake.

"Matagal pa ba yan Clairey fairy?" tawag sa kanya ni Trigger.

"Maghintay ka kasi, mga 5 minutes pa." sabi ni Claire habang nililigpit nila ni Trigger ang mga ginamit nila sa pagbake. Umupo muna ang binata habang nagiintay samantalang si Claire naman ay sinisilip silip ang cupcake sa oven.

"Alam mo Claire, napansin ko mas sumeksi ka ngayon? Nagpapaseksi ka sa akin no?" biro ni Trigger sa dalaga.

"Kapal! Eh ang dami kasing ginagawa sa office saka naging abala nga ako dun sa party ni Mommy kaya medyo kulang sa tulog at pagkain." Paliwanag ni Claire at nilabas na sa oven ang cupcakes na binake nya.

"Magpahinga ka naman kasi hindi yung puro trabaho, porke nawala lang ako ng ilang linggo hindi mo na inalagaan yung sarili mo." Sermon ni Trigger.

"Sorry na po. Naging busy lang talaga, nakabawi na rin naman ako sa puyat kaya okay na ako, oh eto na yung iniintay mong cupcakes." At hinipan ni Claire ang isa.

"Mainit pa kaya"

"Kaya nga hinihipan eh" sabay kagat ni Claire sa cupcake.

"Ang sarap talaga ng bake ko, tikman mo na bilis" alok ni Claire sa cupcake na hawak nya.

"Sige nga patikim." Pero laking gulat ni Claire na imbes na kagatin ni Trigger ang hawak nyang cupcake ay hinalikan sya nito at ipinasok ang dila sa loob ng bibig nya. She really was caught off guard with his kiss, it was hot and deep kiss. Mula sa pagkagulat ay nakabawi si Claire at tinugon ang halik ni Trigger. Si Trigger ang tumigil ng halik at parehas silang naghabol ng hininga.

"Yeah, it's really delicious" sabi ni Trigger sa mapanuksong tono.

"Which one?" patay malisyang tanong ni Claire. At hinapit ni Trigger ang bewang ng dalaga palapit ulit sa kanya.

"Your lips and the cupcake" at kinindatan sya nito.

"Syempre naman, ako pa ba?" at natawa si Trigger sa sagot nito.

"Hahaha! Tara na kainin na natin itong cupcakes mo baka ikaw ang kainin ko eh" tukso ulit ni Trigger at hinampas naman sya ng magaan ni Claire sa may braso nito. They spent the whole Sunday on his apartment eating the cupcakes she baked then watched movie.


Vote and comment please. Thank you.

To be continue...






My first experienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon