19

22.1K 272 1
                                    

19

Trigger invited her to come to his house again to watch a movie and have some chat.

"So what's up with you and Brandon now Clairey fairy?" Sabi ni Trigger at binigay sa kanya ang bowl of popcorn saka umupo sa tabi nito, nasa entertainment room nito sila at nanunuod ng movie.

"He's still courting me and my family." Nakangiting sagot ni Claire.

"Wow! Really? Mukang seryoso nga sa'yo yang si Brandon, ilang buwan na ba syang nanliligaw sa'yo?" tanong ni Trigger at kumuha ng popcorn sa bowl.

"Mag-ta-tatlong buwan na rin." "Matagal-tagal na rin pala, sasagutin mo na ba? Mahal mo na?" at tumingin sa kanya si Trigger.

"Oo nga eh, matagal na rin. Ang sarap sa feeling na ganito pala ligawan pag seryoso sa'yo at hindi ka nagpapadala lang sa bugso ng emosyon mo. Yung nakikita at nararamdaman mo yung effort at sincerity nya, nakakataba ng puso, he's making feel so special. Unti unti nababalik nya yung dati na ako nung bago ko makilala si Zeo. Mahal ko na sya Trigger." Pagtatapat na sabi ni Claire sa kaibigan.

"I'm happy for you Clairey, you deserve to be happy and be loved. You're a great woman and lovable one. Congratulations! You learned how to love again." Then he hugged her.

"Thank you Trigger, ikaw ang una kong sinabihan kasi parang bestfriend na rin kita, namiss ko itong ganitong saya ulit, yung feeling na ma-in love at mahalin ulit. I hope ikaw din makatagpo ng babaeng mamahalin mo." She smiled and pulled from the hug.

"Hahaha! Malayo pa yun, Masaya pa akong maging single Claire, so ibig sabihin ba nito no more benefits between us?" at tumango ang dalaga upang sumang-ayon.

"But I still want you to be my friend kahit hindi na natin gagawin yung benefits , pwede pa rin kita maging kaibigan diba?" tanong ni Claire at hinawakan ang magkabilang kamay ng binata.

"Oo naman, though we started as having benefits , naging mahalaga ka na rin naman sa akin bilang kaibigan. Don't worry nothing will change between us... we will just stop fvcking but we're still friends. May iba ng magpapaligaya sa'yo sa kama." He teased her.

"Sira ka talaga!" at hinamapas nya ang binata sa braso.

"I'm happy for you." He said and hugged her again.

****

Eksaktong apat na buwan simula ng ligawan ni Brandon si Claire ay niyaya sya nito mag-dinner date at pumayag naman ito. Pagkatapos kumain sa restaurant sa ortigas ay pumunta sila ng Antipolo sa overlooking at pinagpaalam na pala sya ni Brandon sa parents nya na pupunta sila ng Antipolo at medyo gagabihin ng uwi. They're just simpy looking at the city lights while they're sitting in the bench.

"Ang ganda dito ano tapos ang dami pang bituin ngayon gabi." Sabi ni Brandon at tumingala.

"Ang ganda nga katulad nung pinuntahan naming ni Trigger sa Tagaytay, overlooking din."

"Lagi mong kasama pala si Trigger." At tumingin ang binata sa kanya.

"Close friend ko kasi sya, actually parang bestfriend na nga, lagi kong kasama manuod ng sine or kumain ng dinner." She said. "Hindi ba sya nanligaw sa'yo?" at umiwas ng tingin ang binata sa kanya.

"Hindi no, magkaibigan lang kame. Don't worry." At hinawakan nya ang kamay ni Brandon na nasa upuan, napatingin ang binata sa kanya.

"Ang tagal mo na palang nanliligaw sa akin Brandon, hindi ka ba nagsasawa?" biro ni Claire sa binata.

"Hinding hindi ako magsasawang manligaw sa'yo hanggang maramdaman mo na mahal mo na ako at kahit maging girlfriend na kita patuloy pa rin akong manliligaw sa'yo." Sinserong sabi nito.

"Are you somehow, falling in love with me already?" he asked her. "No." she immediately replied then she saw the sadness in his eyes. She cupped his face.

"Dahil nahulog na ako sa'yo. Mahal na kita." She said with a smile. He was a few second surprised by what she said then asked her again.

"Mahal mo na ako?" hindi makapaniwalang sabi ni Brandon. "Mahal na mahal kita Brandon." Ulit ni Claire at bigla syang niyakap ni Brandon sa sobrang tuwa at hinarap sya ulit.

"Ibig sabihin ba nito girlfriend na kita?" tanong ng binata at tumango si Claire na sagot sa tanong ng binata.

"I love you my lady! I love you Claire!" he said in loud voice, so proud and hugged her again. "I love you my lady." "I love you too." Humiwalay sya sa binata at hinawakan ulit ang magkabilang pisngi saka unti unting nilapit ang labi sa binata, sinalubong naman iyon ni Brandon at hinalikan nya ito ng buong puso. They stayed there for few more minutes talking about random things and talking about how happy he was that now she becomes his girlfriend. Hinatid ni Brandon si Claire sa bahay nila at tulog na ang parents ni Claire.

"Pasok ka muna?" alok ni Claire.

"Hindi na gabing-gabi na kailangan mo na magpahinga at matulog, kita nalang tayo bukas sa office." Sabi ni Brandon habang magka holding hands pa rin sila ni Claire sa tapat ng gate ng bahay nila.

"Okay. Ingat ka sa pag-drive pauwi." She said and gives him a quick kiss on the lips.

"Yup. I'll take of myself kasi aasawahin pa kita." He teased her.

"Hahaha! Ang advance mo talaga boyfriend, kakasagot ko pa nga lang sa'yo eh."

"Syempre dun din naman ang tuloy natin wifey" at kinindatan pa sya.

"Oo nap o, sige na umuwi ka na para makapagpahinga ka na rin." "Alright, good night wifey, I love you." He said and kissed her on her temple.

"Good night Hubby, I love you too. Itext mo ako pagnakauwi ka na." she said. "Yes wifey. Bye." Sagot ni Brandon at pumasok na ng kotse, saka lang pumasok sa loob ng bahay si Claire ng malayo na ang sasakyan ni Brandon. Nakatulog syang masayang Masaya at in love.

To be continue..

Please read my other story entitled "Love me like you do." Ang kulit ko. Lol. Thanks

https://www.wattpad.com/myworks/53957339-love-me-like-you-do


My first experienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon