13

24.3K 339 4
                                    

13

Happy 1K reads! Thank you for reading my story.

***

Brandon knows that Claire is not a shy type girl, well, no longer a shy type girl but she knows how to respect people. Simula kasi nung ipakilala si Brandon na bagong supervisor ng team nila ay medyo nagiba na ang approach ni Claire sa kanya, dahil siguro sya na ang supervisor nila kaya si Brandon laging pina-pa-feel kay Claire na walang nagbago at kaibigan pa rin nya ito. Nalaman ni Brandon na mahilig magbasa ng libro si Claire at tuwing linggo ay family day nila, pag Friday naman or Saturday usually may lakad sila ng mga ka-officemates or friends nya, nakwento nya rin si Trigger na isa sa mga malapit nyang kaibigan.

"Guys, alam nyo bang yamanin itong si Sir Brandon?" sabi ni Diana habang nagliligpit na sila ng mga gamit para umuwi.

"Hindi ah, ikaw talaga" sagot naman ni Brandon at hinila ang inuupuan nya papunta sa tabi ni Claire.

"Sir, 'hwag ka na mag-deny, nakita ko kaya sa facebook mo yung picture ng bahay nyo, may swimming pool." Sabi naman ni Pia.

"Bahay ng parents ko yun, binigay na sa akin kasi sa Australia na sila nakatira." Paliwanag ni Brandon.

"Overnight swimming naman tayo sa bahay nyo Sir, pa-experience ng pool nyo." Nakangiting sabi ni Jason.

"Oo ba, kelan nyo ba gusto?" pagsang-ayon ng binata.

"Yes! Overnight swimming!" masayang sabi ng team ni Brandon.

"Sama ka Claire ah?" aya ni Brandon kay Claire.

"Ngayon Friday naba?" tanong ni Claire.

"Okay ba sa inyo kung ngayon byernes na?" tanong ni Brandon sa team.

"Yes Sir! Okay na okay!" masayang sagot ng lahat.

"Okay, it's settled, Friday night." Sabi ni Brandon, tumango naman si Claire sa pagsangayon nito sa lakad.

****

Pagdating ng Friday ay sabay sabay silang nag-out ng office at pumunta sa bahay nila Brandon, si Claire ay sumakay sa kotse ni Brandon at ang iba ay nakisakay sa ibang ka-officemates nila. Lahat sila ay nagkasundong magdala ng pagkain at inumin dahil sagot na ni Brandon ang lugar kung saan sila mag-ba-bonding ng buong team. Pagkatapos maghapunan ay nagkwentuhan muna sila sa gilid ng pool at nagpababa ng kinain, yung iba naman ay umiinom na. Magkatabi sa gilid ng pool na nakaupo sila Claire at Brandon.

"Masarap ba yung kaldereta?" tanong ni Claire kay Brandon.

"Yes, naparami nga ako ng kain, favorite ko kasi yun. Ikaw nagluto?" tanong pabalik ng binata.

"Oo pero nagpatulong pa rin ako kay Mommy, di ko kasi masyadong kabisado lutuin yun."

"Ikaw anong paborito mong ulam? Or pagkain?" tanong ni Brandon saka tumungga ulit ng san mig light.

"Gusto ko rin ang kaldereta, saka adobo, mahilig rin ako sa pasta." Sagot ni Claire. Narinig na lang nila na nagsitalunan na ang iba nilang ka-team sa swimming pool at nagkakasiyahan.

"Tara na Sir! Gamitin na natin itong pool mo." Sabi ni Jason.

"Sige susunod ako, di pa naming tapos ni Claire yung iniinom naming." Sagot ni Brandon at tinuon ulit ang atensyon nya kay Claire.

"Ikaw gusto mo na lumangoy?" tanong nya sa dalaga.

"Naku hindi ako marunong lumangoy, kayo nalang, dito nalang ako manunuod sa inyo." Sagot ni Claire at inubos na ang laman ng boteng hawak nya.

"Tara, aalalayan kita o kung gusto mo turuan kitang lumangoy."

"Huwag na Brandon, hindi talaga ako marunong lumangoy, nagtry na si kuya magturo sa akin wala rin nangyari."

"E di kung ganun aalalayan nalang kita, tara" saka kinuha ni Brandon ang kamay ng dalaga para bumaba sa pool.

"Ayaw ko, kayo nalang." Tanggi ni Claire.

"Sasama ka o bubuhatin kita, your choice." Seryosong sabi ng binata at wala naman nagawa si Claire kundi sumama kay Brandon pababa ng pool. Malamig ang tubig and true to Brandon's word, inalalayan nga sya nito hindi sila masyadong pumupunta sa pinakamalalim na parte ng pool pero di pa rin abot ng paa ni Claire ang sahig kung saan sila nakapwesto. Di na rin alintana ni Claire ang lamig dahil nakapulupot ang mga braso ng binata sa kanya kaya ramdam nito ang init ng katawan ng binata.

Naglaro pa ang iba sa pool ng bola minsan naman ay hanapan ng bagay sa ilalim ng pool, laging natataya si Diana. At dahil medyo lasing na ang karamihan napagdiskitahan nilang ibalik sa pool si Claire na alam nilang hindi marunong lumangoy buti nalang at andun si Brandon sa pool kaya nung mapalapit sya kay Brandon ay kumapit sya dito dahilan upang mapayakap sya sa binata ng di sadya. May kung anong kuryenteng naramdaman silang dalawa nung lumapat ang dibdib ni Claire sa katawan ni Brandon pero dahil makukulit na ang mga kasama nila ay na-distract na sila.

"Guys! Guys... tigilan nyo na si Claire, hindi sya marunong lumangoy. Umahon na tayong lahat at magbihis, ala una na at lasing na kayo. Tara na." sabi ni Brandon.

"Aye! Aye! Sir Brandon." Sabi ni Gary. At nagsiahon na ang mga kasamahan nila sa pool. Naiwan sila Brandon at Claire sa pool, inalalayan ng binata ang dalaga na umahon. Muntik pang madapa si Claire sa hagdan paakyat ng pool buti nalang at maagap ang binata at sa dibdib nito sya bumagsak. Muli na naman bumalik yung kuryenteng naramdaman nila kanina at tila may kung anong atraksyon ang naglalapit sa kanila, unti unting bumaba ang mga labi ni Claire sa labi ni Brandon, at hinalikan nya ito ng magaan ngunit mabilis din nya itong binawi at napagtanto ang ginawa nya. Si Brandon din ay nagulat sa nangyari pero nung makabawi ay inalalayan nyang makatayo si Claire at naglakad na silang dalawa papasok ng bahay na tila walang nangyari.

Kinabukasan ay tanghali na nagising ang lahat at imbes na umuwi na ay nag-videoke pa ang mga ito kaya hapon na rin ng umalis ng bahay ni Brandon ang buong team. Hinatid naman si Claire ni Brandon sa bahay nila kahit anong tanggi nito ay hindi pumayag.

"Salamat sa paghatid Brandon" sabi ni Claire pagkababa nila ni Brandon sa kotse at hinatid sya sa may gate.

"You're always welcome" ngiting sagot ng binata.

"Pasok ka muna sa loob?" aya ni Claire.

"Next time nalang siguro, kailangan mo na rin magpahinga eh." Sagot ni Brandon ng may dumating na kotse at pumarada sa may bahay din nila Claire. Napatingin silang pareho sa lalakeng bumaba sa kotse.

"Trigger..." sabi ni Claire.

To be continue...



My first experienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon