10

28.4K 345 2
                                    

10

I am happy that I can write a story like this because I actually don't have any talent aside from eating and sleeping HAHAHA. Thank you again for reading this and I hope my story still make sense and interesting =)

BTW, Hi to pink_girl25 I've been seeing her/his name on my notification. Thank you.

And if you guys have spare time, you can check out my other story entitled "Si Operator at Ako" Thanks again.

***

Matapos ihatid ni Trigger si Claire sa office ay naging busy na naman silang pareho. Lunch break lang nagkaroon ng time si Claire makapag pahinga kaya nag cellphone nalang sya habang nasa pantry pagkatapos nyang kumain.

"Pwedeng maki-upo?" nagulat si Claire sa lalaking nagtanong sa harap nya saka nya tinignan kung sino.

"Brandon, sure, upo ka." At umupo na si Brandon sa harap nya.

"Kumain ka na?" tanong ni Brandon sa dalaga.

"Yes. Katatapos ko lang, ikaw?"

"Tapos na rin. Bakit magisa ka lang nag-lunch? Hindi mo kasama yung mga ka-team mo" tanong ni Brandon.

"Pinauna ko na kasi sila mag lunch, tinapos ko muna yung mga urgent na papers." Sagot ni Claire.

"Ganun ba, pupunta ka ba sa birthday party ni Gary?"

"Kilala mo si Gary? Oo pupunta ako."

"Yes. Ka officemate ko rin sya dun sa previous work ko tapos ngayon dito din." Sagot ni Brandon. Nagusap pa sila ni Brandon ng iba pang bagay, nalaman nyang 3 years na rin pala ito sa kumpanya katulad nya. At dahil hindi sila pwedeng magpuyat ng weekdays ay napagdesisyunan na Friday night nalang ganapin ang party ni Gary kaya after work ay dumirecho sila sa bar upang i-celebrate ito. Nagkakasiyahan, bumabaha ng alak at hindi napansin ni Claire na napaparami na pala ang inom nya. Nung pumunta sya ng dance floor ay tipsy na sya, magaslaw na ang mga kilos nya at nakikipagsabayan na sya sa mga taong sumasayaw sa dance floor. Kaya ng makita nya si Brandon na nakaupo lang sa may bar counter ay nilapitan nya ito at hinila papunta ng dance floor para sumayaw.

"Come on! You should enjoy the party!" sabi ni Claire kay Brandon at sumayaw.

"Hindi kasi ako sumasayaw" nahihiyang sagot ng binata at napakamot sa leeg.

"Then I'll teach how to dance!" masiglang sagot ni Claire, dala ng alak ay mas maging hyper sya at touchy. Medyo naiilang si Brandon sa kanya dahil halos magkadikit na sila ng katawan ni Claire at pansin nya na rin na lasing na si Claire. Sumayaw ang dalaga sa harap nya, in a sexy way nung nagbago ang tema ng kanta, naramdaman nya ang haplos ng dalaga sa leeg nya pababa sa dibdib nya saka gumiling ulit. Bigla tuloy syang nakaramdam ng kakaibang init kaya niyaya na nya si Claire maupo.

"No. Sumayaw pa tayo, hwag ka ngang KJ" sagot ni Claire at mas lalo pang dinikit ang katawan nito sa binata.

"Pero lasing ka na kasi Claire" sabay agap sa bewang ng dalaga nung muntik na itong matumba.

"Hindi kaya ako lasing" saka nagpout.

"Lasing ka na, muntik ka na ngang matumba eh" paliwanag ni Brandon at di pa rin sya binibitiwan sa bewang.

"Pero gusto ko pa sumayaw, please?" at nagpout ulit ito sa kanya.

"Ang ganda talaga ng mata mo kaso hinaharangan ng salamin mo, tanggalin natin ito." At pilit na tinanggal ni Claire ang salamin sa mata ng binata, nagpaubaya nalang ito.

"Saka yung ilong mo ang ganda rin, saka yung lips mo ang pula." At hinaplos ni Claire at bawat parte na yun ng mukha ni Brandon.

"Tara na umupo na tayo" aya ulit ng binata.

"Ayaw, sayaw pa tayo" pilit ni Claire.

"Okay sige, pero sandali nalang ah at hindi ka na iinom" sabi ni Brandon, at hinayaan nya ulit sumayaw si Claire na naging parusa naman sa binata dahil mas lalong umiinit ang paligid sa kanya. Pagkaraan ng ilang minuto ay napaupo na nya si Claire sa table nila at halatang nahihilo na ang dalaga kaya minabuti na rin nyang ipagpaalam na ito sa mga kaibigan nya na ihahatid nalang sa bahay nila at kinuha ang address ni Claire.

Pero bago nya ito tuluyan na ihatid sa bahay ng dalaga ay dumaan muna sila ng coffee shop para mahimasmasan ng konti ang dalaga dahil paniguradong ayaw rin naman umuwi ng dalaga na ganun ang estado nya, ng maging okay na ang pakiramdam ni Claire ay saka na nya ito hinatid ng bahay.

***

Kinabukasan ay ramdam ni Claire ang hangover at medyo tinanghali na rin sya ng gising medyo nasermunan sya ng daddy nya dahil sa nangyari. Kaya buong maghapon ay nasa kwarto lang sya at natulog, nagising nalang sya nung tumawag si Trigger sa kanya.

"Hello"

"Kumusta ang hangover Clairey fairy? Naistorbo ko ba ang tulog mo?" masiglang tanong ni Trigger.

"Oo, hahaha! Biro lang maghapon na nga akong natulog buti nalang tumawag ka, grabe hangover ko." Saka umayos ng upo sa higaan nya.

"Kumusta ang party? Sino naghatid sa iyo pauwi?" curious na tanong ng binata.

"Masaya, nagpabaha ng alak si Gary, ayan tuloy nalasing ako buti nalang andun si Brandon kundi kung ano na siguro nangyari sa akin, halos lahat kame lasing na e" kwento ni Claire.

"At sino naman si Brandon?"

"Yung friend ni Gary na taga- Accounting department, sya yung naghatid sa akin pauwi, sya din yung nagdala sa akin sa clinic nung hinimatay ako sa elevator." Sagot ni Claire.

"Knight and shining armor. Laging andyan pag kailangan mo, sigurado kang officemate mo lang yan? Buti hindi nag take advantage sa'yo nung lasing ka" biro ni Trigger sa kanya.

"Baliw!, oo naman, hindi yun kagaya mo ano. Perfect gentleman si Brandon." At naalala ni Claire yung unang pagkikita nila ni Trigger.

"Gentleman din kaya ako." Sagot ni Trigger.

"Gentleman na may hidden agenda, hahaha!" biro ni Claire kay Trigger at natawa ulit ang binata.

"Wala kang date ngayon?"

"Syempre meron, may ipapakilala dawn a chix sa akin si Jeff mamaya sa party nya." Excited na sabi ni Trigger at hindi naiwasan naman ni Claire ang makaramdam ng lungkot pero binalewala na lang nya.

"O sya sige na, mukhang excited ka dyan sa ipapakilala sa'yo, ba-bye na." paalam ni Claire.

"Alright. See you soon, drink lots of water.Bye" saka nawala na sa linya ang binata. Pagtingin sa oras ni Claire ay alas singko na pala, pagkatayo nya sa kama ay tumunog ulit ang cellphone nya at may text message galing sa unknown number.

Unknown number: Hey Claire, Ayos na ba ang pakiramdam mo? Si Brandon nga pala ito, sana hindi ka magalit na kinuha ko kay Gary ang number mo.

Hi Brandon! Yes I'm okay na. Salamat nga pala sa paghatid sa akin kagabi saka pasensya ka na sa pinaggagagawa ko kagabi. Okay lang naman, I-saved ko na yung number mo. She replied.

At nagpalitan pa sila ng ilang text messages. She's happy that she found a new friend whom she can trust.



To be continue...

PS: Parang sabaw yung update ko. Lol. Sorry.


My first experienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon