twelve | evolving

95 1 0
                                    


Chapter 12 - Heartless Queen  

Aira

I miss him already. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, gagawin ko na. Today was suppose to be our anniversary, almost 2 years na kami sana.

I'm was referring to my ex boyfriend, Tristan.

Kaso nga lang he died in a car accident. He died trying to save me from that accident. Ako dapat ang masasagasaan ng kotse kung hindi niya lang ako tinulak.

Eversince that happen umiwas na pamilya niya sakin. I used to be close with them pero yun nga dahil ako may kasalan kung bakit namatay ang panganay nila. Ako sinisisi nila. Totoo naman eh.

"You okay?" I gasped when I felt someone touch my shoulder. Si Kiara lang pala. She looks worried kaya napangiti ako ng kaunti.

"Ayos lang ako. Why wouldn't I?" Napailing ako. Hindi nila alam ang tungkol kay Tristan. I never said anything about him sakanila. Sasabihin ko naman eh, but I think it's not the right time. Pero ngayon mukhang wala na akong maikekwento, wala na siya.

"You look... umm... sabog?" Natatawang sabi niya. Nakitawa na lang ako. Nandito kami sa bahay nila. Nagyaya kasi siyang mag sleep over. Matagal-tagal na kasi naming hindi nagagawa yun. "And you? You look so tanga." Ganti ko.

Napasimangot siya. Napahagalpak ako ng tawa.

"Ang daya! Bakit kayo lang ang nagsasaya? Sali naman kami!" Sumulpot si Angel sa pinto. Nasa tabi niya si Ella at Victoria. Mukhang tapos na silang mag bihis, naka pajama na rin sila. Tumabi sila saamin.

"Ano pinaguusapan niyo? Share naman." Nangungulit na sambit ni Angel.

Sa unang tingin akala mo wala sila, kami, dinadalang problema. Pero lahat kami mabibigat ang problema at maraming pinagdaanan.

We are rich alright, we can get anything we want right away.

Pero hindi mo makukuha ang lahat sa pera.

Sabi nga sa kanta ni Jessie J, money can't buy us happiness.

Ang kambal, sina Angel at Ella. Namatayan sila ng tatay. Hanggang ngayon hindi pa nila alam kung sino ang nakapatay sakanya at ano ang dahilan kung bakit siya pinatay.

Si Kiara malayo ang loob niya sa magulang niya. She said her parents was never been proud of her. They never paid attention to her, lagi na lang daw sa kuya niya. The best daw sa lahat ang kuya niya. Hindi daw siya mapagmamalaki.

It's not true, hindi lang nakikita ng magulang niya kung ano ang kaya niya.

Si Victoria naman patay na ang parehong magulang niya. Si Stark ang nag alaga sakanya noong bata pa siya pero umalis siya papuntang Japan. Natagalan siya bago makabalik. Alam kong may alam si Stark sa pagkamatay ng magulang niya pero hindi lang siya nagsasabi.

Hindi rin naman kasi nagtatanong si Victoria.

Our life was never been perfect.

Ayos lang naman samin ang ganito basta ang mahalaga magkakasama kaming lahat.

Walang iwanan, walang titibag. Kahit walang forever.

"Who wants to play Truth or Dare?" Nanghahamon na tanong ni Kiara at tinignan kami isa isa.

"Sige, game ako!" Pumapalapak na sambit ni Angel. Tumango lang kami nina Victoria. Silang dalawa lang ata ang excited sa laro.

Nagbilog kami at naglagay ng isang bote sa gitna namin.

Heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon