CRUSH

72 1 0
                                    

Nagsimula sa asaran. Bagay daw. Pwede daw. Baka raw, siguro daw.

Kaya ako, umasa. Nasaktan. At pilit lumilimot.

 Bungad palang ang drama na? Ako nga pala si Ella.

Magkachat kami non ni Annika...

A: ELLA PM!

E: Oh bakit?

A: Kilala ko na crush ni Kris. -_-

E: Sino?! :O

A: Handa ka na ba?

E: Oo. (ewan? Baka? DAPAT!) Goooo.

Mas higher batch ang crush ni Kris. At balita ko, gustong gusto niya yun. Eh, di pa ba ako nasanay? Bakit ko ba kasi hinihintay na ako yung maging crush niya. Noon, higher batch din naman eh. Kaibigan ko pa nga.  Maganda naman ako ah? Matalino naman. Marunong naman akong makisama. Pero bakit ganun. Kris, bakit ka pa naghahanap ng iba? Bakit di moko makita. Bakit ang manhid mo. Ang slow. At dahil diyan, ang sakit sakit.

Ang drama talaga noh?! Matagal ko na kasing dinedeny at tinatago sa lahat na crush ko, ayy hindi. Gusto ko? Ayy. Mahal ko? Mahal ko. Ay ewan. Basta gets niyo naman diba? Kung ano man ang tawag dun. Ganun ko si Kris. At sa lahat, pilit kong tinago yon. Maliban siguro kay Annika. May tingin kasi si Annika sakin na napapaamin talaga ako eh. Palibhasa sa kanya ko kinukwento lahat tungkol kay Kris.

BAKIT IKAW PA?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon