SABIHIN MO NA

17 0 0
                                    

Palapit na ng palapit ang pagtatapos ng school year. At sumasagi narin sa isip ko na aminin ko na kaya kay Kris?

 Para sa susunod na school year hindi na ko mahirapan. Para makapagsimula ulit sa next year diba?

“Maganda yan! Ganto. Aminin mo sa Farewell Party. Kahit hindi sa mismong araw kasi nasa kabilang section siya, basta sa araw na yun!” sabi pa ni Annika.

Gusto ko na talagang sabihin! Maraming beses na kong nag attempt na aminin. Kahit through chat lang. Basta maamin ko. Handa narin naman akong magmove on.

Uso na yan eh noh? Yung kahit hindi naging kayo nagmomove on ka. Eh kasi ‘feelings’ parin naman yun eh. Pagdating sa feelings, hindi porket walang label eh hindi na mahalaga. Masakit parin yun syempre. Di ko naman masisisi si Kris eh. Alam ko namang hindi ako yung gusto niya. Ano ba.

Isang gabi magkachat ulit kami ni Annika...

“Annika! Di ko ata kaya. Di ko alam sasabihin ko.”

“HA? Ano ka ba. Kaya mo yan. OL siya oh! Goo! Chat lang naman e.”

“Di ko talaga alam kung pano! Pano kapag hindi siya nagreply?”

“Praktisin mo na yung message mo! Wag kang nega. Matatapos narin naman ang school year eh. Maganda sabihin mo bago mag farewell”

“HA? Osige. Basta pag malapit na.”

“Sige. Ayusin mo ah!”

BAKIT IKAW PA?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon