Noong official ko nang gusto si Kris, inamin ko yun agad kila Therese, Bianca at Annika.
Syempre todo kilig yang mga yan! :”> Ako din nameerrrn! EMEGHEYD. :”>
Si Annika, may crush siya. Crush niya yung isang tropa ni Kris. HAHA! Pero di niya pinapaalam yun sa marami. Pasimple lang. At lagi niya kong chinachat tungkol dun. Si Vince yung crush niya. Di ko nga akalain na magiging crush yun ni Annika. Pogi naman, pero.. Hay basta. Unexpected.
One time nagchat kami ni Annika...
May nalaman daw siya tungkol sa lovelife ng crush niya. May kinukwento din siya na kilig na pangyayari involving her and Vince.
Annika: Sana kami nalang ni Vince. Chos. Baka mapansin? Baka magustuhan? Pero sht. Kilig overload padin. :”>
Ako: Sana kami nalang ni Kris! Sayo si Vince, akin si Kris. At yung nanliligaw sakin at yung “lovelife” ni Vince, yun nalang ang magsama! Para everybody happy na diba? :”> HAHA! Shabu pa! =))
Annika: MALAY MO NAMAN DIBA? Eh kaso imposible yung amin. Pero ayos lang. Basta yung inyo ni Kris eh magkatotoo eh. :bd
Ako: HAHA! OPERATION OVERLOAD! J Dapat mangyari yang planong yan!
Annika: Sana nga eh! Hahaha! Ayos mangarap. Pero pag yan nangyari nako po.
Hahaha! Operation Overload ang naging codename namin sa pangarap na yan na mangyayari lamang pag nagkaroon ng milagro. Nega ko lang noh? Pero atleast iwas nga nga diba? Haaay.