Habang lumillipas ang mga araw, padami din ng padami ang mga naririnig kong chika tungkol kay Ann at Kris. Sila Charles kasi lagi din nilang inaasar si Ann. Kahit nasa room kami.
Syempre napapaisip din kami kung ano ba talaga diba?
Di naman sa assumerang palaka kami, pero di naming alam kung prank lang o totohanang may something eh.
Tuwing lunch, sa hallway kami kumakain. Kaming mga girls. Syempre minsan nasa may labas din yung ibang boys. So kapag dadaan si Ann at andun si Kris, AYNAKOPO. Asar todo max yang mga boys...
“Kain nalang!”
Yan nalang nasasabi ko eh. Para piliting dedmahin narin diba?
Eh kaso ang hirap eh! Nakakapanghina ng loob na baka nga wala nang pag asa.
“Feeling ko, wala lang yan. Kilala ko yang Si Kris noh! I mean di naman sa alam ko lahat tungkol sa kanya pero alam kong wala lang yang Ann-Anne na pangasar nila. Mabait lang yang si Kris kaya nakikiride yan noh! Ano ka ba! Ano ba kayo!”
Yan ang kadalasang sinasabi ni Annika sakin.
Kahit na minsan naghihinala narin siya, sabi niya wala daw eh. Para daw sakanya nakikiride lang talaga. Owell papel! -_-
Tapos..
Lunch time non. Tapos na kaming kumain. Eh may home work sa Algebra non.
Wala eh, masisipag kami eh. Sa school namin ginagawa! \m/ HAHA
So busy lahat. Tulungan syempre. Nagkakagulo kaming girls.
Tapos pumasok si Ann sa room...
Lumapit siya kila Therese at Bianca.
“Uy ano yan?”
“Sa Math. Gawa ka na din. Ge busy kami eh”
Tapos lumapit siya sakin..
“Ella, turuan mo naman ako oh. Wala ako niyan eh.”
Eh wala rin naman ako sa mood non. Ang hirap kaya! Kaya sabi ko mamaya nalang. So ayun umupo siya tapos kila Annika siya lumapit. Ayun nawindang silang dalawa sa Math. =))
Nung tapos na ang kabaliwan sa Math. Biglang binuksan ng boys na nasa labas yung pinto. Tapos ayun halo halo galing sa section namin at galing sa ibang section yung mga nakadungaw don.
Syempre wapakels! HAHA. Matik na eh. Mukhang may mga trip na naman eh.
At meron nga! Pero, grabe naman... Bakit ganito yung sunod na narinig ko. Trip ba? Ayos na trip to.
“BEE!”
Pabirong sigaw ni Kris sa room na para bang may tinatawag. (MALAMANG) (BEE NGA EH)
“Bee daw ooh!” Sabi nila Charles.
“Uy Ann! Bee daw oh sabi ni Kris!” Sabi ni Romeo.
WAIIIIT. WHAT? UHM. BEE? As in. BEE? :O Diba callsign yon ng mag jowa?
Teka.. Am I missing something here? OMG. Kris?! Bee talaga? Oh em
Nagkatitigan kami sa room bigla. Ano daw? BEE? :O
Sarcastic ng mga muka nila. Nakatingin sila sakin. Tapos inaasar pa ko ng ibang girls. Bee daw. May tawagan na daw pala eh...
“NAKS! Bumibee! May hindi ka ata nakukwento, Ann?” pangunguna na naman ni eksaheradang Annika my labs.
“Ha? Ako ba yon? La nga ko alam don. Nangtitrip lang yon si Charles at sila Vince. Palagi namang ganon yun” Sabi ni Ann.
Tahimik ako... Alangan makiasar ako? HAHAHA. EH.....
Nung nagsalita si Ann. Narinig ko, pero di ko inintindi. Yung ganon? Yung wapakels. :/ Di naman ako galit. Kaso.. Alam niyo naman yung feeling ng may crush ka diba? And you’re hopelessly devoted to him? NAKS! Kanta lang?
Pero, gets niyo diba? Ganun eh. Tagos eh. Bee daw eh. Aguuuuy. <////3