Ang drama talaga noh?! Matagal ko na kasing dinedeny at tinatago sa lahat na crush ko, ayy hindi. Gusto ko? Ayy. Mahal ko? Mahal ko. Ay ewan. Basta gets niyo naman diba? Kung ano man ang tawag dun. Ganun ko si Kris. At sa lahat, pilit kong tinago yon. Maliban siguro kay Annika. May tingin kasi si Annika sakin na napapaamin talaga ako eh. Palibhasa sa kanya ko kinukwento lahat tungkol kay Kris.
Kaklase ko siya noon. Gulo kasi ng pagkakaayos ayos ng sections ngayon eh. Close kami, lagi niya akong iniinis,kami nila Annika. Pero, yung cute na panginis naman. HAHA! Yung hindi nakakaburaot. Yung masarap lang sungitan. Ganun! :”>
Kahit ganun yun, kahit kanino mo itanong, isa lang sasabihin nila, MABAIT SI KRIS. MABUTI SIYANG TAO. KAHIT ADIK SA COMP SHOP. WALANG KATULAD. Sobra niyang sarap kausap at kasama. Siguro yun yung dahilan kung bakit ako nafall. Kung bakit ngayon naamin ko sa sarili ko na, aba, iba tong si Kris.
Nung first year, taken ako nun. May mahal ako nun. At alam ko sa sarili ko na kami ni Kris, kumabaga eh ‘loveteam’ lang ng room. Asaran lang. Kahit na lahat sila gusto kami magkasama. Tropa tropa lang samin yun. Malambing kasi yun.
Pero ngayon, single ako. At siya? Single sa puso ko. CHAARROOT! Haha.
Hindi ko inakala na mafafall ako. Nung una, akala ko dahil lang miss namin siya sa room. Miss namin yung kulitan. Miss ko yung kung pano kami noon. Pakiramdam ko kasi ang layo niya. Ang layo na niya.
“Ella, hi ka naman kay Kris!”
Yan! Lagi yan sinasabi sakin tuwing madadaanan o makakaslaubong o magkukrus ang landas namin ni Kris. Eh ako naman, ayun, dedma to the highest level! Naiinis nga sakin si Annika eh. Ewan ko ba kung bakit ganun.