Galing si Ann sa canteen. Puro girls lang kami nun sa room. Kwentuhan. Patago rin kaming kumakain nun eh kahit bawal.
Tapos pumasok yung boys sa room, yung iba namang boys galing sa kabilang section nasa may labas lang ng room namin.
Tapos biglang tinawag nila si Ann, pero, ganito yung pagtawag..
“KRIS!”
Kala ng mga tao sa room ako yung tinatawag,inaasar kumbaga. Kaso hindi eh. Si Ann yung tinawag na Kris. Syempre ang babaw lang naman nun. Pero ewan ko ba kung bakit biglang nalungkot ako ng konti. Tapos tinawag pa nila ulit si Ann ng “KRIS!”
Tumingin sakin si Annika..
“Uy Ella, anong meron? Totoo?”
Sabay asar ng onti kay Ann..
“Nuxxx Ann! Kris ka? Kaya pala. Nako di na nagkukwento ah?”
Tinanggi naman ni Ann. Di naman big deal sakin.
Pero syempre napapaisip nadin ako...