NET

29 0 0
                                    

Training  ng mga students na sumali sa volleyball tryouts. Di ako kasama dun. Di kasi ako sporty eh. HAHAHA. Di rin kasama sina Therese, Bianca at Annika don. Sila Charles naman kasali.

Pagkatapos ng ilang araw, may kinuwento sila Charles samen nila Annika.

Tungkol kila Kris at Ann ulit...

Sabi nila..

“Nagtatraining kasi kami nun. Tapos biglang umambon. So nastop muna yung training. Tinatanggal nila Ann yung vball net.”

“Tapos pinalapit namin si Kris. Eh kasi nga diba kumakalat na yang issue na yan. Eh samin kasi biruan lang yon. Kaya yun lumapit si Kris. Alam mo naman yun, malakas din topak. Tinulungan niya si Ann dun sa pagtanggal nung net”

“Tapos?” sabi ni Annika

“Natawa kami nung kinuwento ni Kris. Sabi kasi niya..”

Bee, ako na diyan. Mahihirapan ka pa jan. Pasok ka na dun. Ako na diyan”

“Eheeem. Bee.” Sabi ni Annika. Eh sakto dumating si Ann. Lumapit si Annika sa kanya.

Maka bee naman! Gumaganon? HAHAHAHA. :) Lakas makafake smile eh. :(

Siguro nga lokohan lang para kila Charles. Eh lokohan lang ba  yun para kila Kris at Ann? Yun yung tanong dun eh!  Haaaaay....... :(

Kinabukasan naiwan kami ni Annika na kumakain nung recess time. May quiz kasi sa next subject kaya ‘nagaaral’ kami sa may labas ng room. Tapos ayun nagkwentuhan kami.

Naglabas nadin ako ng emosyon at mga kwento kay Annika.

Nakausap niya daw si Ann kahapon, niloko pa nga raw niya tungkol dun sa vball net.

“Anong sabi niya tungkol dun?” tanong ko kay Annika..

“Alam naman daw niya na nantitrip lang yong sila Romeo at sila Charles. Di naman daw siya nagaasume. Tska napapansin din naman daw niya yung pagiwas mo sa kanya.”

“Pano naman niya nasabi yun?” Tanong ko ulit.

“Kasi diba kahapon sinamahan mo ko bumili ng icepop sa canteen?”

“Oo” sabi ko

“Eh diba bago nun nung nasa room palang tayo, nagpasama siya sayo na bibili siya ng icecream? Tapos sabi mo ayaw mo kasi tinatamad ka? HAHA. Loka loka ka. Tas ako daw sinamahan mo! :P”

“Ah yun ba. Eh kasi naman eh.” Sabi ko. “Ano pa sabi?”

“Naaano daw siya. Kasi alam niya na naapektuhan na rin daw friendship niyo dahil dun. Eh wala naman ‘daw’ siyang gusto dun kay Kris. Alam naman daw kasi niyang may gusto ka dun eh.”

“Anong naapektuhan? Matagal nang sira friendship namin. HAHAHA. LOL”

“HAHAHAHA! Adiik ka Ella ah!. Pero yun daw.”

“May sasabihin pa ko sayo eh. Napansin ko lang” pahabol ni Annika.

“Oh ano yon?” sabi ko.

“Di ako sa assumera ah? Pero kasi napapansin ko, natatawa nga ako eh. Bukambibig lagi ni Ann si Kris saken tuwing nagkukwentuhan kami. IMBA TALAGA SI KRIS! WOO! Daming admirers! HAHAHA

“Oh? Sabi ko na eh. So ibig sabihin?”

“Ibig sabihin ko lang Ella, eh kung aminin man niya na may gusto siya kay Kris, dii na ko magugulat. Halatang gusto niya ugali ni Kris. Sabagay, sino ba namang hindi mahuhulog dun eh mabait naman eh. Ikaw nga nafall eh. HAHAHAHA!”

“Hala ka?” sabi ko. “Well nahalata ko nadin yun. Lagi niyang ‘napapansin’ si Kris. At pag napaguusapan si Kris sa room. Pasimpleng tingin siya saten at siguro nakikinig din.”

“Oh kalma ka lang! Kumukunot na naman yang noo mo. Anjan naman si Rio oh. Yiiiiie! :”> HAHAHA. Joke lang.” Sabi ni Annika.

“HALA? WALA NA KAYA YON! Baliw to. ”

BAKIT IKAW PA?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon