Pag ka OL ko sa Facebook, nakita kong OL din si Kris.
Nakachat ko siya. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng loob ko non...
Tapos napunta ang usapan kay Ann, inasar ko kasi siya. At para narin malaman ko if he feels the same way diba? Para paraan!
Sabi ko, “Ann ka pala eh. Di ka nagkukwento ah!”
Sabi niya, “LUH! Hindi ah! Sila Charles at sila Vince kasi nagpasimula nun eh. Naangaasar lang”
“Wushu Kris! Ano ka! Deny mo pa ah. Porket di na tayo gano naguusap.”
“Awh. Grabe Ella! Hindi promises”
“Sus. Kalat na kalat na kaya. Tinawag mo pa ngang Bee eh! Nako Kris :P Deny pa sige pa”
“Hala Ella! Wala talaga akong gusto dun! As in wala. Naglolokohan lang kami nila Romeo”
EH BAKIT GANON KRIS? IBA ANG SINASABI MO SA NAKIKITA KO? BAKIT? :O
Di ko yan nireply, baka mahuling crush ko siya. HAHA. Nasa isip ko lang yan. =))))
Tapos piniem ko si Annika, invi lang naman kasi lagi yon. HAHAHA.
“Uy Annika! Nkachat ko si Kris!”
“Ako din! Buti nalang nagPM ka! I have share”
“Oh? Ako din eh!”
“Ge ikaw muna! Gora!”
(copypaste ng chat. Sus. Ginagawa niyo rin to noh? Babae eh. Syempre. HAHA.)
“SABI KO SAYO ELLA EH! Wala nga siyang gusto run. Nakachat ko nga siya e. Parang nandidiri. Abnoy talaga yun eh. HAHA.”
“OH?” (YES WOOO)
“Eh kahit pa noh. Halata naman na kinikilig parin si Ann eh. Nadadama niya parin. Malay mo madevelop. Lagi pa silang nagsasama sa training. Hay nako. Wala na talaga. Wala na ang Operation Overload”
“Ang nega mo Ella” sabi ni Annika. “Atleast diba napatunayan naten na wala siyang gusto dun”
“Sabagay”
Pero di parin maalis alis sakin yung posibilidad na meron eh. Eh nakikita ko naman kasi.
Sa dami ko naman kasing pwedeng magng crush, bakit si Kris pa? Bakit ikaw pa? Hoy sagot?
Huhuhu. Panindigan mo tong nararamdaman ko! Bakit kasi nasayo na ang lahat? Minahal tuloy kita ng tapat. </3
AYYYY. Neseye ne eng lahat. Joke. Ay nako. Kris. Ikaw na talaga. Haaaay. Takit tuloy. Naguguluhan na ko eh!
Ito kasing si Kris. Di naman santo pero mabait kasi talaga yan. Napakafriendly niyan.
Kahit alam ko na likas lang sa ugali niya yun eh di ko talaga maintindihan kung bakit pinoproblema ko parin yung kay Ann. Kinikilig naman kasi yun eh! Alam ko yun. Tinatanggi lang niya.
Okay lang naman kung aaminin niya eh. Parehas naman kaming walang karapatan kay Kris. Para lang malinaw diba? Hay ang gulo gulo! Araw araw ko ba naman nakakakwentuhan si Charles eh lagi niyang nasasaksihan at inaasar yung dalawang yon.
Sabi din ni Ann na parang “nawoworried” na daw siya sa pangaasar naming lahat sa kanila ni Kris kasi daw parang umiiwas na daw si Kris sakanya. :O
Base yan sa mga nakakakwentuhan niya at sinabi nadin niya yan kila Therese.
Oh diba worried? So ibig sabihin meron talagang something? Ayyyy. =)))))
Tinatanong din ni Annika si Ann tungkol sa feelings niya kay Kris. Eh wala daw sabi ni Ann.
Tska hindi rin naman kumabaga “nasira” yung friendship namin. Matagal na kaming ganito. Personal reasons. CHAROT. HAHAHAHA!