HOOOOT ISSUUUEE NAGLILIYAB

20 0 0
                                    

Pagkatapos non, ayan sunod sunod na yung mga asaran  nila.

Marami naring nakakaalam nung ‘issue’ na yun.

Di ko alam kung anong mararamdaman ko. May dapat ba kong maramdaman?

Kapag nasa room kaming dalawa ni Ann, oo aaminin ko medyo naiilang ako makisalamuha sa kanya. Ewan ko ba! Feeling ko kasi may gusto din siya kay Kris eh.

Naalala ko may nagsabi  sakin...

“Oy alam mo sa tingin ko may gusto or may paghanga si Ann kay Kris. Di lang niya inaamin kasi siguro ayaw din naman niyang masira kayo. Pero kung gusto din siya ni Kris. Ayyyy. Iba na yun”

Ahh.. :(  Eh di kayo na! Bee eh.

Tuwing lunchtime ganito na ang nagiging pambungad ng mga taga kabilang section sakin.. este.. samin.

“Uy Ella alam mo na ba yung sinasabi nila tungkol kay Kris at Ann?”

Sagot ko:

“Sa tingin niyo ba totoo? Di ko kasi alam eh. Ayaw din kasing pagusapan ni Ann”

“Ako para sakin hindi” sabi ng isa kong kaibigan na babae sa kabilang section.

“Nakikiride lang yun si Kris. Alam mo naman yun diba? Hay nako wag mo nang intindihin yun Ella ano ka ba”

“MALAKING CHECK!” sabi nila Annika. “Sabi ko sayo teh eh, wala lang yon. Trust me. Si Kris pa? Team Ella – Kris forevs!”

Ehh. Iba talaga eh. Nagkakapatong patong na at lumalala na yang issue na yan eh.

May part sakin na naniniwala at meron namang hindi....

Ang gulo! Tara bigti.  JOKE. Joke lang. May mga pangarap pa ko.

Pinapangarap ko pa si Kris :”)  Charot. Aynako!!!!

Just when I thought na wala nang susunod.. meron pa pala....

BAKIT IKAW PA?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon