Lumipas ang mga araw, at tuwing nakikita ko siya. Pinipigil ko talaga yung kilig ko. Pero pag pasok na pagpasok ko ng room. Iba yung ngiti ko eh. :”) Nagegets agad ng mga echosera kong kaklase na pag ganon ang ngiti ko eh si Kris ang nakita ko.
“Oh, sino na naman ang nakita niyan?
“Ha? Wala ah. Wala akong nakita!”
“Asus. Sang part ng school niya nakita, Bianca?”
“Nakasalubong niya sa hallway”
Oh diba? Ganyan sila sakin. Hinahard nila ko! Haha! Pero totoo yan. Iba talaga eh kapag nakikita ko siya. Yung ngiti ko, parang nanalo lang sa lotto eh.
Sumasagi narin sa isip ko na aminin kay Kris. Na crush ko siya, na gusto ko siya. Para naman di na siya maguluhan kung bakit ang sungit ko sa kanya. At para hindi narin mabigat sa dibdib noh. Ang hirap kaya ng patagong nagmamahal. MAHAL? Mahal talaga? HAHAHA!
Kaso lang, may issue na kumalat sa school.......
Napaisip ako kung issue lang ba yun o totoo na ba?
Ganito kasi..