NAVI - 04

8K 171 4
                                    

Third Person POV

"Wala pa si N?" Tanong ng ama ng binata sa mayordoma ng kanilang bahay.

"Wala pa Don Ricardo." Mahinang sagot ng matanda. "Siguro po ay nawilly sila masyado sa pagdalo sa kasal." Rason nito.

Matagal na siyang mayordoma ng pamilya Cha. Sa katunayan ay siya pa ang nag-alaga kay N noong maliit pa ito at tumayong mga magulang ng binata dahil palaging busy ang tunay niyang mga magulang.

Humigop muna ito ng kape pagkatapos ay muling magsalita. "Dapat lang na magpakasaya na siya dahil malapit na siyang ikasal kay Claire. Kapag nangyari iyon ay hindi na niya magagawa ang buhay gaya ng isang binata."

"Pero Don Ricardo," mahinang bigkas ng mayordoma. Tila nangingimi pa ito sa gustong sabihin.

"Ano iyon?" Bahagya niyang binaba ang dyaryo at tumingin dito.

Nagyoko naman ito ng ulo. "Hindi po ba masyadong mabilis ang mga pangyayari? Ilang buwan pa lang silang magkasintahan ni Claire. Ni hindi pa nila masyadong kilala ang isa't-isa."

"Kailangan ko itong gawin para masigurado ko na ang seguridad ng pamilya namin sa pamilya nila. Baka makahanap pa sila ng ibang ipapakasal." Sagot nito.

"Pero Don.."

"Tama na!" Sigaw nito. "Huwag ka na lang makialam sa desisyon ko. Gawin mo na lamang ang mga dapat mong gawin."

"Masusunod po" nagyoko ito ng ulo pagkatapos ay umalis.

Maya-maya ay nakarinig si Don Ricardo ng mahinang yabag na nagmumula sa unang pintuan ng kanilang mansiyon.

"Good morning papa." Bati ni N.

Bahagya lang tinitigan ito ng matanda pagkatapos ay nagbasa ulit ito ng pahayagan.

"Aakyat na po ako." Pumanhik siya ng hagdan at nagtungo sa kanyang kwarto.

Agad niyang isinara ang pintuan pagkatapos siyang makapasok. Biglang bumalik sa kanyang imahinasyon ang kaninang nakita niyang pagligo ni Ravi. Ang maganda nitong katawan na kaysarap pagmasdan. Napaka-hot nito lalo na ng dumaloy ang tubig sa katawan nito. At ang malaki nitong... Napailing siya. Bakit ba niya iyon naiisip? Dapat ay walang malisya iyon sa kanya. Parehas silang lalake. Maliban doon ay malaki din naman iyong sa kanya. Mataba pa.

Nag-shower na lamang siya para mahimasmasan. Nang makaligo ay uminom siya ng gamot dahil pakiramdam niya ay nananakit pa rin ang kanyang sikmura. Nagbihis siya pagkatapos at bumaba ng silid.

"Aalis na ako." Paalam niya sa mayordoma. "Si papa?"

"Kanina pa siya umalis para mag-golf. Bakit hindi ka muna kumain? Masama ang walang kinakain tuwing umaga."

Ngumiti si N ng malapad. Natutuwa siya ng todo kapag nag-aalala ito sa kanya. "Sa office na lang po ako kakain."

"Pangako?"

"Opo, pangako. Kakain ako ng marami. Sige po, aalis na ako." Nagmano siya dito.

"Kaawan ka ng Diyos. Mag-iingat ka sa pagmamaneho.." paalala nito.

Tumango siya. Nang makalabas siya ng bahay ay biglang tumunog ang kanyang telepono.

"Hello?"

"Hello son.."

Ang kanyang mama. Ngayon lang ulit sila nagkausap makalipas siguro ng tatlong linggo?

"Yes, mom?"

"Ano itong nabalitaan ko dito sa states na ikakasal ka na?" Puno ng kuryosidad ang boses nito.

"It was fathers decision" mahina niyang sagot.

"Si Claire ba?"

"Yes!" matipid niyang sagot.

"She's a lucky girl iho."

Bahagya lang siyang ngumiti. "I think so mom."

"Congrats! Uuwi ako diyan sa susunod na araw at ako mismo ang mag-aasikaso ng lahat-lahat."

"Sige!" Sagot na lamang niya pagkatapos ay ibinaba niya ang telepono.

Even her mom likes the plan. Wala na ba talaga siyang magagawa? He is not yet ready. Ang puso niya ay hindi pa handa maging ang isip niya. Lumalabas tuloy na binebenta siya ng sarili niyang mga magulang. Para sa kanila ay this is for his sake pero Jesus Christ! They are wrong. Napabuntong hininga na lamang siya ng malalim.

Agad siyang sumakay sa kanyang bagong-bagong ferrari at nagtungo sa kanilang kompanya. Late na siya ng twenty minutes at sa pagkakaalam niya ay may meeting siya ng napakaaga. Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit pa niya nagawang mamasyal kagabi. Pero masisisi ba niya ang sarili? Ikakasal na siya. Malapit ng matapos ang pagkabuhay binata niya.

"Good morning sir!" Sunod-sunod na bati sa kanya ng mga empleyado. Ginantihan lang niya ng ngiti at tango ang mga ito.

Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa meeting room. Napatitig sa kanya ang ilang members ng board.

"I'm sorry. I'm a little bit late."

"It's okay Mr. President."

Ngumiti siya pagkatapos ay naupo sa pinakadulong upuan sa tabi ng bintana.

"Now let's start the meeting."

---

Natapos na naman ang buong araw ni N sa loob ng kanilang kompanya. His been doing this for almost five years pagkatapos siyang gawing Presidente ng kanyang ama ng sarili nilang kompanya. Lampas alas-singko na ng hapon kaya napagdesisyonan na niyang umuwi.

Isinuot niya ang coat na galing pa sa Paris pagkatapos ay nagtungo na siya sa basement kung saan ay nakaparada ang kanyang sasakyan.

Papasok na sana siya ng maagaw ng kanyang pansin ang isang tao. Si Ravi ito, abala na naman ito sa paglalabas ng basura.

"Hoy!" Agad niyang tawag pagkatapos niya itong lapitan.

Iniikot naman ni Ravi ang tingin sa paligid. "Ako ba ang kausap niyo sir?"

"Sino ba sa tingin mo? Iyong basura?" Ngumisi siya pagkatapos nangtanggal ng shades.

"Wah!" sigaw nito pagkatapos ay lumapit. "Ikaw pala iyan! Ayos sa porma ha. Hindi agad kita nakilala." Bulalas nito sabay tapik-tapik sa damit ni N. "Hanep!"

"What are you doing here?"

"As you see ser nagtatapon na naman ako ng basura. Ikaw anong ginagawa mo dito?"

Napangiti si N. "Kami ang may-ari ng kompanyang ito."

Napamulagat ito na tila ba nalula. "Di ka ba nagbibiro?"

Nagsalubong kilay nito. "Bakit ka naman gagawin iyon? Tara!"

"Saan?" Tanong ni Ravi.

"Ililibre kita."

"Pero di pa ako tapos sa trabaho ko."

Naglakad siya pabalik sa kanyang sasakyan. "Ako ng bahala sa iyo. Ako ang Presidente kaya susundin nila ako."

Napangiti ito habang sinusundan si N. "Grabe.. Di talaga kita nakilala diyan sa suot mo.." sabi nito habang sila ay sumasakay sa ferrari.

End of chapter 4.

Vote and comments!

Forbidden Love - SPG [NAVI FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon