NAVI - 30

2.9K 86 0
                                    

N

Halos dalawang oras din ang ginawang operasyon kay Ravi. Sabi ng doktor ay natamaan siya ng bala sa may dibdib at mabuti na lamang at himalang hindi iyon umabot sa kanyang baga. Ang isa pa ay daplis sa kanyang balakang.

"I'm so happy that you are alive.." bati ko pagkatapos pumasok sa silid na pinaglagyan kay Ravi.

Hinila ko ang isang upuan pagkatapos ilapag ang isang bugkos ng bulaklak. Sa totoo lang ay tulog pa siya.

"Sir, ito po ang mga gamot na bibilhin niyo.."

Kinuha ko iyong iniaabot ng nurse.

"Sige, salamat.."

Nang makaalis ito at napabuntong hininga ako. Saan naman ako kukuha ng pera pambili? Iyong pinang-opera kay Ravi ay nakapagbigay lang ako ng pauna.

"Iiwan muna kita mahal at naghahanap lang ako ng trabaho.." sabi ko pagkatapos halikan siya sa may noo.

Kinakailangan kong humakbang para sa kanya. Kahit anong trabaho ang pwede kong gawin ngayon as long as alam at kaya ko ay gagawin ko.

Pagkababa sa may lobby at agad napansin ng aking mga mata ang ang nakaitim na lalaki. Pagkalampas dito ay tinawag niya ako.

"N!"

"Butler Kim? Bakit naririto ka?" Gulat na gulat kong tanong.

"Kinakailangang nating mag-usap.." sabi niya pagkatapos yumoko bilang paggalang.

Ngumisi ako. "Para saan pa? Sa pagkakaalam ko ay wala naman tayong pwedeng pag-usapan pa.."

"Tungkol sa nangyari kay Ravi.." Giit niya dahilan para manlaki ang aking mga mata.

---

"Anong sabi mo?" Bulyaw ko sabay hampas sa lamesa. Sa ngayon ay pumunta kami sa isang coffee shop at wala akong pakialam kong nakatingin sa akin ang mga tao.

"Narinig mo ang sinabi ko kasalanan mo ang nangyari sa kanya.." pinagdiinan niya ang mga katagang iyon na para bang gusto niyang ipasok sa kokote ko.

Napasandal ako sa upuan. Pakiramdam ko ay nanghina ang buo kong katawan. Hindi ko inaasahang kagagawan ni papa ang lahat.

Ayon kay butler Kim ay si papa ang nagpadala sa mga armadong lalaki. Matagal na pala niyang alam kung nasaan kami. Nagkamali ako, akala ko ay hindi niya kami matutunton. Akala ko ay tuluyan na niya akong pinabayaan. At ang lahat ng akalang iyon ay mali.

"Dapat ay sinunod mo na siya noon pa para hindi na sana humantong pa sa ganito ang lahat.."

Napayukom ako ng aking mga kamay at nanggagalaiti sa galit.

"Bakit hindi pa niya kami tigilan?" singhal ko. "Bakit hindi na lamang niya ako itakwil total ay wala naman akong silbing anak para sa kanya..."

"Dahil ikaw lang ang makapagsasalba sa kompanya niyo.." paliwanag niya. "Sa totoo lang ay matagal ng baon sa utang ang kompanya niyo at ang pagpapakasal mo kay Claire and tanging sulusyon.."

Napailing ako. Bakit muli na namang bumabalik sa lahat? Akala ko ay okay na.

"Ngunit papaano si Ravi? Mas lalo niya akong kailangan ngayon.." Sabi ko habang nakatitig ng direkta sa kanya. Gusto kong makipagmatigasan kahit na alam kong sa una pa lang ay talo na ako.

"Makinig ka sakin N.." Bahagya siya tumuwad patungo sa akin. "Nakaligtas man siya ngayon, sa tingin mo ba ay hindi siya babalikan ng iyong papa? Huwag mong hintayin na mapahamak kayo parehas.."

Napapikit ako sa sinabi niya dahil may punto siya. Kung magtatago man kami ay mahahanap din kami ni papa. He can hire many people as many as he wants. His powerful and evil. He can do whatever he wants.

"Bumalik ka at make a deal with your dad.." suhestiyon niya.

"Like what deal? Sa tingin mo ba ay papayag siya?" Sabi ko habang napapangising muli.

"Sabihin mong papakasal ka kay Claire at ang kapalit ay ang buhay ni Ravi.."

Napaisip ako. Like what?

"It's the best choice N. You can't save him if you disagree to your dad. You know what he can do more.."

"Pwedeng humingi ng pabor?" I asked.

"Hangga't kaya ko.."

"Convince dad, give me a week.." Sabi ko pagkatapos tumingin sa labas ng salaming pader. I need some time to think dahil alam kong napakahirap nitong gagawin ko

End Of Chapter 30.

Thank You For Reading!

Vote and Comments! <3

Forbidden Love - SPG [NAVI FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon