NAVI - 23

3.3K 94 0
                                    

N

Kinagabihan ay si Ravi ang naghanda ng pagkain. Adobong kankong at de lata ang pagkain.

"Halika na.." yaya niya. Hinilaan pa niya ako ng upuan.

"Ikaw nagluto?" Tanong ko habang ang dalawa kong palad ay sinasalo ang mukha ko at nakatingin sa pagkain.

"Yap!" Proud niyang sagot.

Masarap naman ang pagkain subalit ng kumain ako ay hindi ko nagustuhan. Pero kahit na ganoon ay kumain pa rin ako. Nag-effort si Ravi kaya dapat effort din sa pagkain.

"Wala ka bang kasama dito?" Tanong ko.

Nakapagtataka lang kasi. Halata namang family house nila ito pero wala manlang siyang kasama.

"Ako lang" sagot niya sa pagitan ng kanyang pagsubo. "Si tatay patay na tapos si nanay malalaman mo din kung nasan siya. Ipapakilala kita sa susunod na araw.."

"Bakit nasaan ba siya?" Kunot-noo kong tanong.

"Basta.."

Nagkibit-balikat na lamang ako. Sa totoo lang ay kinakabahan akong mameet ang nanay niya. Ano kayang sasabihin niya sa amin kapag nalamang niyang may relasyon kami? Gaya kaya sila ni daddy na paghihiwalayan kami? Parang nakakatakot isipin na mangyari ulit iyon.

Pagkatapos kumain ay nanonood kami ng telebisyon. Si Ravi ang nakaupo habang ako ay nakaunan sa kandungan niya.

"Parang tanga iyong bida.." natatawa niyang turan.

"Oo nga e," sang-ayon ko.

Nakakatawa itong pinapanood namin. Old movie ni Dolfy.

Maya-maya ay inilipat ko ang pwesto ng ulo ko at tumingin sa kanya. Inlove na inlove na talaga ako sa taong ito. Siya lang wala ng iba.

"Wag ka ngang galaw ng galaw tinitigasan ako sa iyo" turan niya pagkatapos niyang ikuskos ang sariling puwet sa inuupuan.

At gaya nga ng sabi niya ay ramdam ko nga iyon dahil sa ulo ko ay may matigas at mahabang bagay na mas lalo pang lumalaki.

"Gusto mo naman eh.." sabi ko habang inaabot ang matigas niyang dibdib. Sarap hawakan.

"Huwag mo akong simulan.." sabi niya pagkatapos niya akong dakmain.

Bumangon na lang ako. Sa totoo lang ay masakit pa nga itong puwet ko tapos fight na naman? Huwag muna.

Lumabas kami ng bahay at nagpahangin dahil hindi pa kami makatulog. Tapos na rin iyong pinapanood namin. Magkahawak ang aming kamay habang naglalakad. Madilim ang paligid subalit hindi naman kadiliman dahil nagbigay ang buwan ng sapat na liwanag.

"Thank you.." maya-maya ay sabi ko.

"For what?" He asked. At kahit na ganoon ay alam kong nangonot ang makinis niyang noo.

"For saving me. Iniligtas mo ako sa impyernong bahay.."

Tumawa siya ng mahina pagkatapos ay hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.

"I did it because I really love you N. Noong pinaglayo tayo ay sakit-sakit ng naramdaman ko. Ayoko kong mawala ka sa akin dahil para kang hangin kung wala ka hindi ako mabubuhay.. Mahihirapan akong huminga.."

Ramdam kong sinsero siya sa sinabi niya at sa bawat katagang iyon ay tila ba mga musika sa aking pandinig. Kaysarap pakinggan.

Tumigil kami sa paglalakad ng marating namin ang mabatong ilog. Naupo kami at tumingin sa may kalangitan.

"I have something for you.." sabi niya pagkatapos bumitiw sa aking kamay at kapain ang sariling bulsa.

Inilabas niya ang singsing naming dalawa. Sa ilalim ng buwan ay kuminang iyon ng bahagya.

"Pano napunta ito sa iyo?" Nawala ko ito noong sapilitan nila akong kinuha sa kanya. Gusto ko sanang sabihin iyon sa kanya subalit dahil na rin sa mga nangyari ay nakalimutan ko na.

"You dropped it."

Kinuha niya ang kamay ko at muli niya iyong isinuot sa daliri ko. Gaya ng dati ay fit na fit pa rin iyon.

"Mula ngayon ay hinding-hindi na talaga tayo maghihiwalay pa" bigkas niya habang nakatingin sa daliri ko. "Itinataga ko sa batong kinauupuan natin.." biro pa niya.

"I promised" saad ko naman.

"You're mine.."

"And I'am your's.." pagpapatuloy ko.

"Forever.."

"Yes, forever.." sang-ayon.

Inihilig ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at muli ay pinagmasdan ko ang napakalawak na kalangitan.

End of chapter 23.

Thank You For Reading!

Vote and Comments!

Forbidden Love - SPG [NAVI FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon