NAVI - 31

2.9K 83 0
                                    

N

"Sige ipasok mo! Ipasok mo! 'Yun!" masayang sigaw ni Ravi habang nanonood ng basketball sa TV. Kasalukuyan kasing naglalaro ang paborito niyang grupo.

"Huwag kang masyadong magalaw dahil baka dumugo iyang sugat mo" sita ko habang nagbabalat ng mansanas na kakainin niya.

"Excited lang, 'yun!!" Muli niyang sigaw pagkatapos silang makashoot. Napailing na lang ako. Ano bang meron sa larong ito?

Pagkatapos magbalat ay naupo ako sa kanyang tabi at sinubuan siya ng mansanas.

"Todo support ko matatalo lang din naman iyang team mo.." Sabi ko pagkatapos ngumuya at humarap sa telebisyon.

"Magtigil ka nga, mahaba pa ang oras no.." Napangiwi siya.

"Tambak na nga.." dugtong ko pa.

"Pustuhan tayo kung sinong talo siya ang bottom mamaya.." sabi niya sabay lamas sa dibdib ko.

"Magtigil ka nga nasa hospital tayo.." sabi ko sabay ganti ng paglamas sa kanya.

"Gusto mo din naman e.." Namutawi sa kanyang labi ang isang pilyong ngiti.

"Oo, pero huwag naman dito mahal.." sabi ko sabay pisil sa matangos niyang ilong.

"Maiba ako, kailan ba ako lalabas ng hospital? Napakaboring naman dito walang magawa.."

"Wala pang sinabi ang doktor" sagot ko pagkatapos ilapag ang plato. "Magpahinga at magpagaling ka lang muna.."

"Saan naman tayo kukuha ng pambayad? Tiyaka saan galing itong napakaraming prutas?"

"Binigay iyan ng mga kapitbahay natin at iyong pambayad sa bills pinahiram nila ako. Sabi nila mabilis ka naman daw magbayad.." pagsisinungaling ko pero sa totoo lang ay galing ang lahat kay butler Kim. Tinutulungan niya ako dahil kasama iyon sa usapan namin.

"Salamat naman sa kanila. Pero iyong may gawa nito sakin nahuli na ba?" Biglang tumigas ang kanyang pananalita. Halatang galit siya sa taong gumawa nito.

"Hindi e, wala kasi silang pagkakakilanlan. Mahirap dahil biglaan iyong nangyari" mahina kong sagot.

"Ano kayang dahilan nila?" He asked kaya I shrugged.

"Lalabas lang muna ako.." paalam ko.

Pagkalabas ay napahawak ako sa aking dibdib. Ito na ang huling araw na makakasama ko si Ravi. Masakit man ay kailangan ko na siyang iwan. Ito ang makakabuti sa kanya. Nakakalungkot lang isipin na hindi ko matutupad ang pangakong aalagaan ko siya at sasamahan habang buhay.

"Sir N.."

Tumingin ako kay butler Kim.

"Magpaalam ka na sa kanya dahil mamayang gabi ay aalis na tayo.." sabi niya dahilan para mas madoble ang kirot na nararamdaman ko sa aking dibdib.

---------

Tulog si Ravi ng pumasok ako sa silid. Nakapatay ang ilaw subalit kahit na ganoon ay kitang-kita ko pa rin ang kabuuan niya. Ang kabuuan niyang kabisado ko na.

Lumapit ako sa kanyang tabi ng hindi lumilikha ng ano mang ingay.

"I'm sorry.." napakahina kong bulong habang naiiyak. "Kinakailangan kong umalis para sa kaligtasan mo.."

Gusto ko sana siyang hagkan sa huling pagkakataon subalit natatakot akong magising siya. Nakuntento na lamang ako sa pagtingin sa kanya.

Kinuha ko ang papel sa aking bulsa at iniipit ko iyon sa baba ng vase.

"Paalam Ravi.. Mahal na mahal kita.." tuluyan na akong napaiyak at pagkasabi non ay tumalikod na ako at lumabas ng silid.

Pagkalabas ng hospital agad akong sinalubong ng mga alipores ni papa.

"Sir magbihis po muna kayo.." giit nung isa pagkatapos iabot ang pormal na mga damit.

Kinuha ko na lang iyon at ipinatong sa dati kong suot. Pinagbuksan nila ako ng sasakyan at agad na nilisan ang lugar. Dahil sarili namin ang sasakyan, mabilis lang kaming nakarating sa sadyang lugar.

Humantong kami sa isang hotel na pag-aari ng kaibigan ni papa. Nagtaka ako bigla.

"Bakit tayo naririto? Anong gagawin natin?" tanong ko. "Bakit hindi tayo sa mansion humantong?"

"Ito po ang utos ng inyong papa.." sagot ng driver.

Pagbaba ay agad akong sinalubong ni mama. Halata ang saya na mababakas sa kanyang mukha pagkakita sa akin.

"Hello son! Welcome back!" Napakasaya niyang turan pagkatapos niya akong yakapin at halikan sa may pisngi.

"Anak.." Bati rin ni papa pagkatapos akong yakapin at bulungan. "Umayos ka ngayong gabi..."

Tila ba nanigas ako. Ano bang gagawin namin dito?

Sabay kaming pumasok sa hotel at agad naman kaming binati ng napakaraming bisita.

"N! N!" agarang tawag ni Claire pagkakita sa akin. Pagkalapit ay agad niya akong niyakap. "I miss you!"

Kahit na nakatingin sa akin si papa at mama ay hindi ko magawang gantihan siya ng yakap. Ayaw gumalaw ng mga braso ko.

"Welcome back iho.." Nakipagkamay sa akin ang papa ni Claire. "Kumusta ang bakasyon sa England?"

Napatingin ako kay Claire at papa. So, they lied huh?

"Ayos lang naman po. Kayo po kumusta na?" Balik kong tanong.

"Okay lang iho.." ngumiti ito pagkatapos ay tumungo siya kay papa para makipag-usap.

"Ano bang meron!?" I asked Claire.

"Ngayon na iaanounce ng family natin na ikakasal tayo sa lalong madaling panahon.." sagot niya habang naglalakad kami at nakakapit sa may braso ko.

"What??" napalakas ang pagbigkas ko dahil sa gulat. Dahil doon ay napatingin samin ang ilang bisita.

"Lower your voice" sita niya sakin. "Bakit parang gulat na gulat ka? Ang sabi ni Tito I mean papa na pumayag ka na kaya ka nga naririto.."

Napailing ako. Nang tumingin ako kay papa ay nakatingin din siya sakin. Halatang minamatsagan niya ang bawat galaw ko ngayong gabi.

"Kailan daw ang kasal?" Tanong ko pagkatapos ay tumigil ako sa paglalakad.

"Five days from now.." napakasaya niyang sagot. "And after the wedding we will go to London for our honeymoon.."

Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sagot niya at tila ba hindi makahinga. So, my dad planned everything so perfect. I doubt kung makakabalik pa kami ng Pilipinas dahil tiyak kong ititira na nila ako doon. Sigurado ako.

Natapos ang buong okasiyon na tila ba ang utak ko ay wala sa akin at lumipad iyon kung saan.

End Of Chapter 31.

Thank You For Reading!

Vote and comments! <3

Forbidden Love - SPG [NAVI FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon