EPILOGUE

5.6K 116 25
                                    

Kahit sa kabilang buhay ay tayo pa rin dahil ang tunay at wagas na pag-ibig ay kailanmay hindi maghihiwalay.

N

Mula sa pagkakasandal sa napakatabang katawan ng mayabong na puno ay uminat ako.

Walang araw dito subalit maliwanag. Hindi mo rin ramdam ang ihip ng hangin subalit malamig.

"Kuya! Kuya!" Tawag sa akin ng batang nakasuot ng puros puti gaya ko.

"Bakit?" Nakangiti kong turan.

"Para sa iyo!" sabi niya sabay abot ng pulang rosas.

"Saan mo ito kinuha?" Tanong ko dahil itong lugar ay napakalawak subalit walang laman maliban dito sa puno.

"May nagpapabigay.." sabi niya pagkatapos ay umalis na siya.

Napaisip na lang ako kung sino dahil wala pa naman akong kakilala dito sa lugar.

Naglakad-lakad ako sa lugar na puros kaputian. Para bang nasa iba akong dimension kung saan limitado ang nakakaalam.

Sa tingin ko ay ito ang tinatawag nilang langit. Kung papaano ako nakarating dito ay hindi ko alam. Wala akong naalala na kahit ano.

Lakad..

Lakad..

Lakad..

Patungo sa lugar na hindi ko naman alam dahil walang kasiguraduhan.

Naupo na lamang ako at tumingala.

"Saan ba ako papunta?" Pumikit ako at nag-isip. "Saan? Saan? Saan?"

"Hoy!"

Pagkarinig sa hoy ay nagmulat ako. Isang lalaki ang tumawag sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang.." sagot niya habang tumatabi sa akin.

Nang magdalaiti ang aming mga balat ay nakaramdam ako ng napakalakas na boltahe. Gumapang ang boltaheng iyon sa kabuuan ko.

"Nakuryente ka rin ba?"

Tumango ako. Parang pamilyar iyon. At pati siya parang pamilyar.

Gwapo siya at matangkad. Kaninang nakita ko siya ay agad na bumilis ang tibok ng aking puso bagay na ipinagtaka ko. Nakaramdam din ako ng excitement.

"Ako nga pala si Ravi. Ikaw anong pangalan mo?"

"Ako naman si N..."

Nagkamayan kami pagkatapos ay nagkwentuhan ng kung ano-anong bagay na maisip namin. Gaya ko ay wala rin siyang maalala. Maliban sa mga pangalan namin.

"Alam mo, sa tingin ko magiging masaya kapag magkasama tayo.." Inakbayan niya ako.

"I think so.." Sang-ayon ko habang napapangiti.

Tumayo kami at naglakad.

Kwentuhan ng kwentuhan hanggang sa tuluyan ng magkapalagayan ang aming loob.

Sa tingin ko ay maganda ang lugar na ito. Isang paraiso kung saan ay tanggap kami kahit na ano pa man kami.

At si Ravi? Sa tingin ko ay isa siyang biyaya. Biyayang aking aalagan ng napakatagal. Kahit saang lugar.

The End.

Forbidden Love - SPG [NAVI FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon