NAVI - 01

23.4K 245 6
                                    

Third Person POV

"Are you enjoying the party?" Claire asked N while smiling.

"Yes," sagot naman ng binata. "How about you?"

"Of course, yes.."

Lumapit siya dito pagkatapos ay ipinulupot ang kaliwang braso sa leeg ng binata habang ang kanang kamay niya ay nakahawak ng wine.

Claire kissed N. A very intimate kiss that is full of love.

She loves him very much. Sa katunayan ay siya ang unang kasintahan nito at sila ay ikakasal na sa susunod na taon.

"I love you N.." sinserong bigkas nito.

Ang mga mata nito ay kumikinang at doon makikita ang tunay na nadarama.

"I know" N answered.

Hindi pa niya kayang sabihin na mahal din niya ito dahil arrange marriage ang magaganap sa kanila. Ni hindi niya alam kung papaano naging sila, basta paggising na lang niya isang umaga na boyfriend na siya ni Claire ng biglaan.

Both of them are rich kid kaya napagdesisyonan ng kanya-kanya nilang pamilya na ipakasal sila para mas lumago pa ang kanilang negosyo. Oo, uso pa sa kanila ang bagay na iyon. Galing sila sa mayayamang pamilya. Mga tanyag at kilala sa mataas na lipunan. Mga pamilya ng negosyante.

"Hi Claire!" bati ni Eunji. Nakasuot ito ng cinderella type gown na kulay peach dahil ngayon ang araw ng kanyang kasal.

Katatapos lang iyon kanina at ngayon ay nasa Jeju Island sila para sa reception.

"Hello! Hello!" Lumapit si Claire at niyakap ito ng napakahigpit. "You are so pretty! I really love your gown. May I know who made it?" tanong niya.

Claire and Eunji were bestfriends since elementary days. Para na silang magkapatid.

"Sasabihin ko sa iyo mamaya." Kumindat ito. "Where is N?"

Claire sighs pagkatapos ay itinuro niya ito. Lumayo si N habang nakatayo malapit sa may bintana. Nakatitig ito sa labas.

"Is he okay?"

"Yah!" She drink the wine for the last time. "Naging tahimik lang siya kanina simula ng malaman niyang ikakasal na kami next year. Sinabi iyon ng kanyang papa."

"Really?" tila di makapaniwala si Eunji habang napapatakip ng kanyang labi. "I'm so happy for you!"

"Susunod na kami sa inyo ni Ken.."

"Baka nagulat lang siya sa balita.."

"You are right." Ngumiti siya. "Maging ako naman. Ilang buwan palang kaming magkasintahan subalit itong papa niya ay nagmamadali. And take note, nagrerequest agad siya ng maraming apo.."

"Wala namang masama kay N. Galing siya sa mabuting pamilya, mabait din siya sa pagkakakilala ko at higit sa lahat ay gwapo." Humagikgik ito na tila ba kinikilig sa huling sinabi.

"Absolutely right. Hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa dahil mahirap maghanap ng taong gaya niya. He's already perfect.."

"And hot just like Ken.." dugtong ni Eunji dahilan para matawa sila parehas.

"Congratulations ulit Eun. Sana ay maging masaya ka sa piling ni Ken. You two deserves to be happy.." Niyakap niya itong muli.

"Thank you!" Pinisil niya naman ang magkabilaang kamay nito habang napakalapad ang ngiti sa mga labi.

"Excuse me lang muna." Umalis si Claire at lumapit kay N. "Wanna dance?"

"Sure" N answered.

Hinawakan niya ang kamay nito at sila ay naglakad papunta sa gitna ng dance floor. Sila ay sumayaw sa saliw ng isang napakaganda at napakaromantikong musika.

"N?" Bulong ni Claire habang nakasandal ito sa matipunong dibdib ng binata.

"Hmm?" Tumitig siya dito.

"May problema ka ba?" Nag-angat ito ng tingin sa binata.

"Wala naman.." ngumiti siya ng pilit.

"Naging tahimik ka na kasi simula ng sinabi ng papa mong ikakasal na tayo.."

"Ah 'yun ba? Ayos lang sa akin.." Pagsisinungaling niya.

Kung tatanungin siya ay ayaw niya. Kahit nasa edad na bente otso ay wala pa sa plano niya ang pag-aasawa.

"Siyanga pala, napakaganda mo ngayong gabi.." puri niya dito dahilan para mag-blush ito.

"Thanks but I already knew that" biro naman nito.

Bumalik sila sa dati nilang pwesto ng magpasalamat ang bagong kasal na sina Eunji at Ken. Pinasalamatan nila ang lahat ng dumalo.

"May pupuntahan lang ako" N said.

"Saan?"

Itinuro niya ang hallway patungo sa Cr.

"Okay! Hihintayin kita dito.."

Habang naglalakad sa hallway si N ay busy ito sa pagdial ng numero kaya naman ay may nakabanggaan siyang tao. Dahil doon ay nalaglag ang kanyang telepono.

"Shit!"

"I'm sorry, hindi ko sinasadya.." wika ng isang mahinang boses. Halata dito ang pangamba.

Nag-angat siya ng tingin at nakita ni N ang isang lalakeng hindi niya kilala. Pinagmasdan niya ang mukha nito.

"Here!" Iniabot nito ang nalaglag niyang telepono. "I'm really sorry. Hindi ko po talaga sinasadya."

"It's okay.." ngumiti siya.

"Hindi ko talaga sinasadya. Abala kasi ako sa paglalagay ng butones nitong damit ko kaya hindi kita napansin. Nasira ba?" Kinakabahan nitong tanong.

"Nope. Maayos pa naman ito sa tingin ko." Ngumiti siyang muli.

"Sa tingin mo?" Napalakas kaunti ang kanyang boses.

Natawa na lang si N dahil sa naging reaksyon nito. "Maayos pa naman itong telepono. Kita mo umilaw?" Ipinakita pa niya ito. "Bakit parang takot na takot kang masira ito?"

Nakahinga ng maluwag ang lalake. "Akala ko nasira na. Baka kasi hindi ko kayang bayaran iyan. Mukha kasi siyang mamahalin.."

"Mura lang ito. Teka, imbitado ka ba dito sa party?"

"Sa totoo niyan sir isa akong waiter dito ngayong gabi. Nalate na nga po ako kaya nagmamadali ako. Katatapos lang kasi ng isang trabaho ko kanina." Sagot nito habang napapakamot ng ulo.

"Ahh! Good luck na lang sa iyo!" Ang tanging nasambit ni N.

"Sige ho sir. Magtratrabaho na po ako." Umalis ang lalake pagkatapos nitong magpaalam.

Habang papalayo ito ay nanatili pa ring nakatitig si N dito. He felt something new when he met and bumped the guy at ramdam na ramdam niya iyon sa sarili. Parang may kakaibang spark.

Tumalikod na lamang siya at kinontak ang taong gusto niyang kausapin.

End of chapter 1.

Thank You For Reading!

Vote and comments!

Forbidden Love - SPG [NAVI FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon