NAVI - 10

5.9K 142 5
                                    

Third Person POV

"Talaga bang kailangan mo ng umalis?" tanong ni Ravi. "Dito ka na lang matulog. Malalim na rin ang gabi. Baka mapahamak ka pa." Nag-alala niyang bigkas habang nakatitig sa mga mata ni N.

Kinurot niya ito sa may pisngi. "Salamat sa concern pero kailangan kong umuwi sa mansion ngayon dahil pinapatawag ako ni papa. Huwag kang mag-alala," ginagap niya ang isa nitong kamay. "Mag-iingat ako para sa iyo." Sinabayan niya iyon ng isang malapad na ngiti.

Talagang mag-iingat siya sa pag-uwi lalo na at nagkakamabutihan na sila ni Ravi. Well, hindi pa official na sila pero alam niyang doon din sila papunta.

"Bahala ka na nga!" ngumuso ito. "Wala rin naman akong magagawa."

"Asus! nagpabebe pa. Inumin mo iyon ha?" turo niya sa gamot na binili niya kanina. "Para tuluyan ka ng gumaling. Tsaka, magpahinga ka rin kasi. Bakit ba trabaho ka ng trabaho?"

"Gusto ko lang. Sige na!" binugaw niya ito gamit ang isang kamay. "Umuwi ka na at gabi na masyado."

"See you again" sabi niya pagkatapos ay tumalikod. Gusto rin naman niyang matulog na doon para lamang makasama si Ravi kahit na mainit ang lugar. But he received a text message from his dad's secretary saying it's urgent. Kaya kailangan niyang umalis.

Pagliko niya palabas ng eskinita ay nagulat siya ng may biglang humila sa kanya. Bago pa man siya makahuma ay nahanap na lamang niya ang sarili sa bisig ni Ravi. Yakap-yakap siya nito ng napakahigpit.

"Please don't go.." Ravi whispered.

Why is this guy so damn romantic? Pagkatapos nilang sabihin na gusto nila ang isa't-isa ay ayaw na siyang hiwalayan ito.

Both of them hears their own heartbeat. Para bang sinisigaw nila ang pangalan ng isa't-isa.

"Ravi.." pabulong niyang bigkas.

"N.."

"Kailangan ko talagang umalis." Kumalas siya sa pagkakayakap. "I promise! Bukas na bukas din pupuntahan kita."

Tumango ito habang nakayoko.

"Teka? Naiiyak ka ba?" natatawa niyang tanong.

"Hindi ah.." sabay iling.

"Napakadrama mo talaga." Hinawakan niya ang baba nito para maingat ang tingin niya sa kanya. Sa ilalim ng bilog na buwan ay nagtama ang kanilang mga mata. N kissed him. A very sweet kiss, as sweet like a melted chocolate. "Sige na."

Pinagmasdan niya ito pabalik sa kanyang bahay. Bago ito pumasok ay muli itong tumingin. Ngumiti na lang siya.

Pagdating sa kanilang mansion ay dumiretsu siya sa study room ng kanyang papa. Agad siyang kumatok.

"Tuloy" mahina subalit maotoridad na utos ng kanyang papa.

Hawak na ni N ang seradura ng pintuan ngunit hindi niya magawang pumasok. Something is wrong. Iyon ang sabi ng secretary ng kanyang papa ngunit hindi siya naniniwala. Dahil alam niyang walang problema ang business nila. It must be something. And that something bothers him.

Dahan-dahan niyang inikot ang seradura tiyaka siya pumasok. Nadatnan niyang nakaupo ang kanyang papa sa paborito nitong sofa. Beside him was her mother. Nakangiti sa kanya habang nakahawak ng champaigne. He was shocked. He thought that her mother was still in America.

"Iho, na miss kita!" tumayo ang kanyang mama pagkatapos ay hinagkan siya sa kaliwang pisngi.

"Hi mom!" tanging sambit niya. Tumitig siya sa kanyang papa. Itinuro niya ang upuan sa kanyang harapan at pinapaupo siya. "What's the problem?"

Tumawa ang kanyang papa. "Wala.. Gusto lang namin sabihin sa iyo ang isang bagay."

Nakadama siya ng kaba. What's the surprise? Is it good or bad?

Tumingin siya sa mata ng kanyang mama bilang pagtatanong.

"Napagdesisyonan namin ng papa mo na mas agahan ang kasal niyo ni Claire." nakangiting pahayag ng kanyang mama.

"What?" Napalakas ang boses niya pagkatapos ay napatayo. "But why?"

"Alam naming magugulat ka pero hindi ko inaasahang ganyan ang magiging reaksyon mo N" Tukoy ng mama niya sa biglaang paglakas ng kanyang boses.

"I'm sorry" nagyoko siya ng ulo. "But you told me that it will happen next year."

"Doon din naman kayo pupunta" sabat ng kanyang papa. "What's wrong kung magaganap ito after 2 months?"

What's wrong?

'Dahil hindi ko mahal si Claire. Ayoko sa kanya. Hindi ko siya gusto at higit sa lahat ay may nagugustuhan akong iba sa ngayon.'

Gusto niyang ipagsigawan ang mga salitang iyon subalit hindi niya magawa. Wala siyang lakas ng loob dahil natatakot siya sa kanyang papa.

"N, you need to understand it. Para rin ito sa iyo." Paalala ng kanyang mama. "For your future."

"I don't know mom" umiling siya habang nakayukom ang dalawang kamay. "Ito ba talaga ay para sa akin o para sa inyo? Para mas lumago pa ang ating negosyo? Hindi pa ba kayo kontento kung anong meron tayo? Stable naman ang kompanya. Wala namang problema. Ginagawa ko naman ang lahat para sa inyo. Bakit kailangang..." hindi na niya naituloy ang sasabihin ng bigla na lamang dumapo ang palad ng kanyang papa sa kanyang kanang pisngi.

"Wala kang karapatan na sumbatan kami sa mga ginawa mo dahil anak ka lamang namin. Tandaan mo iyan N." Galit na galit na bigkas ng kanyang papa. "Mga magulang mo kami kaya dapat ay sundin mo kami."

"Tama na Ricardo, ang puso mo" awat ng kanyang mama. "Tama ang papa mo N, kailangang makinig ka sa amin."

Napangiti siya ng mapait. Tama? Kailan pa naging tama ang pagpapakasal sa anak sa taong hindi niya naman gusto? Kailan pa naging tama ang pagtulak sa bagay na ayaw gawin ng isang tao?

"I'm sorry.." Tangi niyang nasabi pagkatapos ay lumabas siya ng study room at agad na tumungo sa kanyang silid. Pagdating doon ay pabalibag niyang isinara ang pintuan.

"AAHHHHH!!" Malakas niyang sigaw habang ramdam ang pag-agos ng kanyang luha sa kanyang magkabilaang pisngi.

Napakasama ng loob niya dahil sa sinabi ng kanyang mga magulang. Kailan ba nila makikita na mali sila?

Ansakit-sakit ng nararamdaman niya dahil kailanma'y hindi siya nabigyan ng pagkakataong magdesisyon ng para sa kanyang sarili.

Kinuha niya ang lampshade pagkatapos ay pinaghahampas niya iyon sa lamesa dahil sa labis na galit. Nanggagalaiti siya ng labis-labis hanggang sa maramdaman niyang may yumakap mula sa kanyang likuran.

"Tama na iho! Tama na!" Umiiyak na turan ng kanilang mayordoma. Ang tanging taong nakakaalam ng paghihirap niya. Ang tanging taong nakakaintindi sa kanya.

"Mamita.." Umiiyak niyang bigkas habang yumayakap siya dito. "Ayokong pakasalan si Claire." Wala siyang pakialam kahit na magmukha siyang isip bata dahil sa ginagawa niyang pag-iyak. Ang gusto lang niya ay mailabas ang sama ng loob na kanyang nararamdaman.

End of chapter 10.

AN: Yes! N sounds so gay but who cares? Ganyan ang taong nagmamahal.

Thank You For Reading!

Vote ang comments!

Forbidden Love - SPG [NAVI FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon