NAVI - 20

3.5K 97 1
                                    

N

Tatlong araw..

Tatlong araw ang mabilis na dumaan simula ng paglayuin kami ni Ravi at heto ako nasa kwarto ko lang na para bang isang preso.

Sa mga nakalipas na araw ay wala akong ibang iniisip kundi siya, ang taong mahal ko, si Ravi kung kumusta na ba siya? Kung anong nangyari sa kanya simula ng iwan ko siya.

Hindi ko naman siya makontak dahil kinuha lahat nila sa akin. Cellphone, wallet at car keys. Walang-wala kaming koneksyon.

Mula sa pagtingin sa labas ng bintana ay inilipat ko ang tingin sa may pintuan dahil bumukas iyon.

"Hi N!" Nakangiting bati ni Claire.

"Why are you here again? Di ba sinabi ko ng ayaw kitang makita? Marunong ka naman sigurong umintindi.." paalala ko.

"Im just here to see you and to ask something.." Niyakap niya ako. Ang kapal ng pagmumukha niya di ba?

"Lumayo ka sakin" bahagya ko siyang itinulak.

Hinaplos niya ang mukha ko. "You look so stressed. Natutulog ka pa ba?"

Imbes na sagutin ko siya ay nagtanong na lang ako. Kung maaari ko lang siya sipain palabas ay ginawa ko na.

"Ano bang tatanungin mo?"

"Ganito kasi.." Inilabas niya ang tablet at may pinakitang larawan. "I want you to choose the venue after the wedding. I asked papa but he said na bahala na lang daw tayo.."

"Claire please..." pagsusumamo ko. "Iyan pa rin ang iniisip mo? I told you many times. I will not going to marry you. May mahal akong iba.."

Dumistansiya siya sa akin at nagyoko siya ng ulo.

"Im not the guy you used to know. I'm different Claire.."

"Pero mahal na mahal kita N. Tanggap kita kahit na ano ka pa!" Kita ko ang katotohanan sa kanyang mga mata. Her words are real but still, I don't care.

"Patawad kung hindi ko masusuklian ang pagmamahal na iyan. You can find a better person for you. Isang taong mapapasaya ka.."

"No N! Alam kong ikaw iyon. Nalilito ka lang ngayon at sigurado akong makakalimutan mo rin iyang taong sinasabi mong mahal mo.."

"It will never happen so please... Let me go.."

Umiling siya. "Gaya ng sabi ko dati ay hihintayin kita at sa takdang araw ay ikakasal tayo. Mark my words!" Mariin niyang bigkas pagkatapos ay lumabas ng kwarto. Naiwan na lamang akong napapabuntong-hininga.

----

"Kumain ka na N.." sabi ni Mamita pagpasok pa lang. Bitbit niya ang isang tray na naglalaman ng mga paborito kong pagkain. "Hindi pipwedeng nagmomokmok ka na lang diyan na para bang katapusan na ng mundo."

"Yes! Mamita katapusan na ng mundo ko.." Malungkot kong saad.

"Huwag ka ngang magdrama diyan! Sundin mo na lang ang gusto ng papa mo dahil para sa ikabubuti mo naman iyon."

Pati ba naman si mamita?

"Pero iba ang gusto kong makasama habang buhay.." sabi ko.

Bumuntong-hininga siya pagkatapos ay naupo sa tabi ko.

"Hindi sa lahat ng bagay ay nasusunod ang ating gusto anak.." Hinaplos niya ang buhok ko. "May mga pagkakataong hindi natin kayang labanan ang kapalaran. Ang tanging magagawa lang natin ay sumunod sa agos nito at magbakasakaling magbago ito dahil ang buhay ay weather-weather lang.." ginawa niyang magbiro subalit hindi ako natawa.

Katapusan na ba talaga ng lahat? Wala na ba talaga akong magagawa? Parang ang unfair! Sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit ako pa ang nakararanas ng ganito?

"Mamita ano iyon!??" Itinuro ko ang bintana.

"Ang alin? Ang alin?" Tumingin naman siya doon.

"Ah-eh, wala. Namalikmata lang ako siguro" sabi ko.

"Oh siya kumain ka na diyan dahil kung ano-ano ng nakikita mo. Lalabas na ako dahil may gagawin pa ako.."

Tumango na lang ako. Paglabas niya ay bumangon ako at napangiti dahil nakuha ko sa kanya ang kanyang telepono at susi ng likod ng mansion.

Naghintay ako ng oras kung saan ay shifting ng mga bantay ng kwarto ko. Inayos ko ang aking higaan. Pinagsama-sama ang mga unan at tiyaka kinumutan. Tadaahh! Parang ako na iyon na natutulog. Incase na tignan nila ako, safe ako.

Sinubukan kong tawagan si Ravi subalit hindi siya sumasagot. Nang magsawa ay tumigil na ako. Tatakas na ako.

Binuksan ko ang pintuan at sumilip. Walang bantay! Malamang ay oras na ng palitan. Pasado alas otso na ng gabi. Bago lumabas ay tinignan ko ang suot ko, nakapajama lang ako pero okay na ito. Mas komportable, mas mabilis tumakbo. Mas madali akong makakatakas.

Tagumpay ako sa paglabas ng silid. Walang nakakita sa akin subalit kahit na ganon ay nagdahan-dahan pa rin ako. Kailangan kong makalabas. Alang-alang kay Ravi. Para makita ko na siya at mayakap.

Nagawa kong makalabas ng mansion, pagkarating sa malaking gate ay agad ko iyong sinusian.

"Common!" Sabi ko habang sinusuksok ang susi. "Magbukas ka.."

Pinilit ko iyong buksan ngunit ayaw gumana.

"Shit!" Tinadyakan ko ang bakal.

"Sir N!?"

Napatingin ako kay butler Kim.

"Huwag na kayong magtangkang tumakas. Pinalitan namin iyan ng padlock" imporma niya.

Nilapitan ko naman siya. "Please, hayaan mo na ako. Hindi ako magsusumbong kay papa. Promise!" Itinaas ko pa ang palad ko para maniwala siya.

"Im sorry sir N.."

"Sige na!!"

"N.." Bulyaw ni papa.

Napakagat labi ako.

"Isa ka talagang suwail!" Akma niya akong hahampasin ng baston subalit humarang si mamita.

"Tama na po! Kasalanan ko! Kasalanan ko! Naiwan ko ang susi sa kwarto niya.."

"Mamita.." bigkas ko.

"Tama na N! Pumasok ka na sa loob, dali!" Utos niya.

Agad ko siyang sinunod dahil ayokong pati siya ay masaktan ng dahil sa akin.

End of chapter 20.

Thank You For Reading!

Vote and comments!

Forbidden Love - SPG [NAVI FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon