NAVI - 32

2.9K 89 0
                                    

N

"Let's go!" Yaya ni Claire pagkatapos niyang lumabas ng church. Ito ang huling araw ng ensayo namin at bukas ay ikakasal na kami.

Mula sa pagtingin sa mga puno at inilipat ko ang tingin sa kanya.

"Are you excited?" She asked while hugging me.

"Yap!" I lied, because that's what dad wanted.

Ang sabi niya ay hindi alam ni Claire na ayaw ko pa ring magpakasal sa kanya. Dapat daw ay paligayahin ko siya dahil nga ay magiging asawa ko na siya. Isa pa ay siya ang susi na sasalba sa negosyo namin na wala akong kaalam-alam kung papaano nalugi.

"I will be the most beautiful woman tomorrow.." She said.

"I know.." I simply said too.

Nilisan namin ang simbahan at inihatid siya sa kanilang bahay.

"Hindi ako makapaniwalang naniniwala silang dapat tayong hindi magkita bago ang kasal natin.." natatawa niyang turan.

"Baka daw kasi hindi matuloy ang kasal natin.." tumawa ako ng peke kahit na deep inside sana nga ay hindi. Dahil balang araw ay alam kong magsisisi ako ng labis-labis.

"So, papaano? Bababa na ako.."

Bago siya bumaba ay hinagkan niya ako sa may labi. Ang tamis na nararamdaman ko kay Ravi ay hindi ko maramdaman sa kanya. Siguro ay ganon kapag hindi mo mahal ang isang tao. Walang lasang kakaiba.

"Finally pag-aari na natin ang isa't-isa bukas.." sabi niya ng maghiwalay kami.

Tumango lang ako dahil wala naman akong ibang maisip sabihin.

Pagkababa niya ay bumalik na rin ako sa impyerno. Ang mansion namin.

"Maganda ang naging desisyon mo iho.." Bungad ni papa pagpasok ko pa lang.

"Sana ay tumapad ka sa usapan.." Mariin kong bigkas dahilan para tumawa siya ng malakas.

"Oo naman anak basta behave ka lang. Ikaw din naman ang gumagawa ng mga bagay-bagay.." kanya namang sagot. "Sumunod ka lang sa mga gusto ko maililigtas mo siya.."

Hindi na ako sumagot pa dahil wala naman akong ibang sasabihin. Malaman ko lang na hindi niya gagalawin si Ravi ay maayos na ako. Di baleng ako ang magdusa 'wag lamang siya.

Pagkapasok sa kwarto ay tumungo ako sa tokador. Binuksan ang panggitnang kabinet at tinitigan ang aking cellphone. Binili iyon ni Ravi nung nasa probinsiya kami. Simula ng iwan ko siya at nagpaalam gamit ang sulat ay hindi ko iyon binuksan pa. Siguro ay napakarami na niyang mensahe doon.

Naupo ako sa kama at tumingin sa salamin. Mahirap man ay kailangan kong tanggapin sa sarili na hindi talaga kami ang nakatadhana para sa isa't-isa.

May mga taong dumadaan lang talaga sa ating buhay at isa si Ravi sa akin. Kailangan kong tanggapin ang realidad.

Nahiga ako at pumikit. Gusto kong matulog para kahit na papaano ay makalimot ako. Makapagpahinga at makaalis sa lugar kung saan nasasakal ako.

-----

Rinig na rinig ko na ang tugtog pangkasal habang nakatayo sa labas ng simbahan. Nagsidatingan na din ang mga bisita na karamihan ay kaibigan ng bawat pamilya pagdating sa negosyo.

"Congratulations cousin.." niyakap ako ni Leo.

"Salamat" sabi ko lamang.

"Ang swerte mo naman kay Claire. Maganda na seksi pa!"

Tumawa lang ako at sumang-ayon. "Kaya ikaw maghanap ka na din ng mamahalin mo. Di ka na bata gaya ko.."

"Darating din tayo diyan.." tawang sagot niya.

Iniwan ko si Leo ng maramdaman ko ang tawag ng kalikasan.

"Saan ka papunta?" agad na salubong ni papa. Sa tabi niya ay si mama. Parehas silang nakasuot ng mamahaling damit. Halatang pinaghandaan nila.

"Sa banyo.." sagot ko.

"Siguraduhin mo lang.." sabi ni Mama.

"Yes! Hindi ako tatakas.."

Kahit na sinabi ko iyon ay pinasundan pa rin nila ako sa isang sa mga alipores niya.

"Huwag mong sabihing sasama ka pa sa loob?" Sita ko.

"I'm sorry Sir.." sabi niya pagkatapos ay humakbang siya paatras.

Umihi lang naman ako ng biglang mayroon akong marinig sa labas ng bintana.

"Oo, patayin niyo na iyan bago pa siya makapunta dito" bulong nung lalaki at isa ito sa alipores ni papa. "Utos iyon ni amo.."

Agad akong kinutuban ng masama dahilan para matigil ako sa pag-ihi. Dahan-dahan akong lumapit dito.

"Oo, patayin niyo na nga! Itapon niyo kung saan. Sa may ilog o kung saan pa man iyan basta bahala na kayo.." Naiinis niyang turan.

Dali-dali akong lumabas ng banyo at nagtungo sa kinalalagyan ng lalaki.

"Basta kayo na ang bahala diyan sa syotang lalaki ni sir N.."

Pagkarinig doon ay agad na nagpuyos ang galit na nararamdaman ko dahil alam kong hindi tinupad ni papa ang kanyang pangako.

End of chapter 32.

Thank You For Reading!

Vote and comments! <3

Forbidden Love - SPG [NAVI FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon