NAVI - 09

5.8K 148 0
                                    

Third Person POV

Bago imulat ni Ravi ang kanyang mga mata ay isiniksik niya muna ang kanyang ulo sa dibdib ni N subalit hindi iyon ang dibdib ng binata. Gumapang ang kanyang kamay at natanto niyang ang matigas na abs iyon ni N.

"Nakikiliti ako" sabi nito.

Bumangon si Ravi at sumandal din ito sa may headboard gaya niya.

"Kumusta ka na?" tanong ni N.

"Maayos na ako. Medyo masakit lang ang ulo ko. Anong ginagawa mo?"

"Naglalaro ng candy crush."

Isinandal ni Ravi ang ulo sa balikat ni N. Napatingin naman siya dito. "Maraming salamat."

"Nababaliw ka na ba?" Tinuktukan ito ni N ng mahina. "Bakit ininum mo pa rin iyong gamot kahit na expired na?"

"Wala eh, iyon ang meron tayo."

"Halika at dadalhin kita sa Ospital." Tumayo ito.

"Huwag na" hinila niya ito pabalik. Dahil doon ay bumagsak si N kay Ravi. Halos maghalikan na naman sila. Ilang inches lang ang pagitan ng mga labi nila.

Agad na tumayo si N at lumabas ng silid. Sinundan ito ni Ravi kahit na medyo nahihilo pa siya. Si N ay hindi mapakali kalalakad. Para bang may gusto itong sabihin na hindi niya masabi-sabi.

"Tumigil ka nga N, mas lalo akong nahihilo sa iyo" puna ni Ravi habang hawak-hawak ang sintido.

"Kasalanan mo!" nilapitan niya ito at itinuro. Ramdam ni Ravi sa boses ni N pamimintang.

Imbes na malito siya dito ay natawa na lamang siya. Actually, he knows what his talking. "Ang ano na naman?"

"Everything is your fault." Nagsalubong ang makapal nitong kilay.

"Okay! Pwede ipaliwanag mo?"

"Kasalanan mo kung bakit ako nagkakaganito." He crossed his arm infront of his chest pagkatapos ay sumandal siya sa pader. "Ano bang ginawa mo sa akin? Bakit.. bakit lagi kitang naiisip? Bakit lagi mo akong ginugulo?"

Napangiti siyang muli. "Wala akong ginagawa sa iyo.."

"Umamin ka na!" mahina niyang sigaw. "Ginayuma mo ba ako? Anong ginawa mo? Did you used black magic?"

"I did nothing N" deretsu niyang sagot habang nakatitig siya sa napakaitim nitong mga mata. Tumayo siya at lumapit dito. Inihawak ang kaliwang kamay sa pader na kinasasadlakan ni N habang magkatapat ang kanilang mukha. They already smell each others fragrance breath. "I did nothing."

"Then what's happening to me? Ngayon lang ako nagkakaganito. Lagi-lagi kitang naiisip. Hinahanap kita tapos.. tapos.."

Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng idampi ni Ravi ang kanyang hintuturo sa kanyang labi. "Sshh! As I said, I did nothing N. The answer is all because you're like me."

Muli niyang naamoy ang mabango nitong hininga. He really missed that smell.

Bahagya siyang napatigil pagkatapos maabsorb ng kanyang utak ang sinabi nito. Siya gaya niya? Anong ibig nitong sabihin?

"You're like me N" sabi niya habang pinapagapang ang kanyang hintuturo sa dibdib ni N pababa sa kanyang matigas na abs. "The first time I saw you, I know you're like me. I saw it the way you look at me."

Nakaramdam siya ng kiliti sa ginagawa nito kaya lumipat siya ng pwesto. Napangiti si Ravi.

"I don't get it. Am I gay? I admit attracted siguro ako sa iyo. It's all because gwapo ka, malakas ang appeal at sexy.." bahagyang napahina ang kanyang boses pagkatapos ang huling sinabi.

"Actually sexy tayong pareho." Muli niyang dinutdot ang abs nito.

"Ayy! Ano ba? Tumigil ka nga muna." Naiinis niyang sabi.

"Ang cute mo kapag naiinis."

Nagblush naman siya na parang isang babae.

"You're not gay N. Gaya kita, isang BI."

Isang BI.. Nag-echo iyon sa isipan niya. Pero imbes na magalit o di kaya ay mandiri sa sarili ay hindi niya magawa. He loves what he is.

"Kung ganoon ay BI ka din?"

"Yap! Hahalikan pa ba kita kung hindi?" Nilapitan niya ito. "I like you N. At alam kung gusto mo rin ako. Don't be shy, aminin mo na." He stares to him as he slowly getting near.

Parang hindi na naman siya makagalaw sa sinabi nito. Inaamin na niyang gusto niya si Ravi and Ravi likes him too. The feeling is mutual. Dapat ay magbunyi ang kalooban niya.

Hindi na siya umangal ng dumampi ang malambot at mapulang labi ni Ravi sa kanyang labi. He felt his lips moving slowly. Just a few minutes ay gumaganti na rin siya ng halik. Isang simpleng halik lang iyon subalit pakiramdam niya ay nag-aalab na ang paligid.

"You like it, right?" tanong ni Ravi. "You really liked it."

Napangiti na lang siya habang tumatango. Idinikit ni Ravi ang noo niya sa kanyang noo pagkatapos ay ngumiti.

"Teka lang N?"

"Hmm?"

"Nagsex ba tayo?"

Napamulagat siya sa sinabi nito. "What?"

"Kasi suot ko na ang damit mo. Diba ganito ang magsyota? Pagkatapos nilang magsex ay ginagamit ng babae ang damit ng lalake?"

Tumawa siya. "Sira! Hindi. Wala ka bang naaalala?"

Umiling siya.

"Well.." hinila niya ito at naupo sila sa sofa pagkatapos ay nagkwento ito.

End of chapter 9.

Thank You For Reading!

Vote and comments!

Forbidden Love - SPG [NAVI FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon