2) Stranger

23 1 0
                                    


Kabanata 2 - Stranger

--- Casey's POV ---

Nakaidlip ako saglit. Sa maikling pagtulog ko ay nabura ang lahat ng takot sa aking dibdib. Nakahinga na ako ng maluwang.

Naiinis at natatakot ako sa kung sino man ang taong kumakatok ngayon sa aking pintuan.

Hindi kaya ito ay isang magnanakaw?

Mamatay-tao?

Rapist?

Or worst, multo?

White lady?

Pugot-ulo?

Kapre?

Itinakip ko na lang ulit ang kumot ko sa buong katawan. Pinanghihinaan na ako ng katawaan at loob. Mahal ko pa ang aking buhay ngunit dito na ata magtatapos. Sasama na ako sa aking pinakamamahal na lola.

Taylor Swift's song is still playing. I wish I could kill the music player on my table right now.

Arg. What have I done?

Bakit ako pinaparusahan ng ganito?

Narinig kong pinihit na ng kung anumang nilalang ang door knob ng aking pintuan.

Lord.

Ipinikit ko na lang aking mga mata.

Kung si Yaya man iyon, sinisigaw na niya sana ang aking pangalan. Ngunit hindi, napaka-passive ng estranghero. Siguro, may hidden agenda nga ito sa aming bahay kaya nag-iingat ito sa bawat galaw nito.

"Hello?" A masculine voice echoed through the room.

It's really frightening.

Kung pwede lang maglaho na parang bula ay kanina pa sana. Masyado na akong nahihirapan sa kondisyon ko ngayon.

Huminga ako nang malalim at unti-unting iminulat ang aking mga mata. Nararamdam ko na ang paglapit ng kung sino kaya nais ko itong makita kahit sa huling sandali.

Biglang lumiwanag ang paligid sa pagkakaalis ng aking kumot.

I was dumbfounded.

Then, tears start streaming down my eyes. Literally, yes it is. Crying in front of a complete stranger is not my style. As if I'm like a lost puppy and finally, she found her owner.

Hindi ko alam kung anghel ba ang lalaking kaharap o demonyo. Nakikipagtitigan lang ito sa luhaan kong mga mata. Nakatingin lang din naman ako sa kanya.

He suddenly put the back of his hand on my forehead.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Pinapasundo ka sa akin ni Mama." Nagsimula na itong maglakad palabas ng aking pintuan.

"Tita Dianne?"

"Opo." Pagkalamig-lamig ng boses nito.

Ngayon ko lang ito nakita. May anak pa pala si Tita Dianne na pagkakisig-kisig ngunit may pagkasuplado ata.

Sa tingin ko ay naistorbo ko pa ito sa kung anong napakaimportanteng bagay ang ginagawa nito sa bahay nila. Labag ang kalooban nito sa pagpunta sa kanya. Hindi ko ito masisi. Dalaga na ako kaya dapat alam ko na ang ginagawa ko.

Sa pagkakaalam ko kasi ay masyadong maalalahanin si Tita Dianne kaya ipinapasundo pa ako sa binata nito.

"Saglit, hintayin mo ako. Maawa ka." Sabi ko.

Lumingon ito. Pagtataka ang makikita sa pagmumukha nito.

Sumandal ito sa may pintuan habang pinapanood akong nagmamadaling inaayos ang kama. I turned off the music player.

Sobrang tahimik na ng paligid. Tanging tibok na lang ng puso ko ang naririnig.

Hindi ko mahagilap sa ere kung bakit nakakaramdam ako ng kaginhawaan sa puso.

Sa kanyang presensya, para akong nasa isang magandang lugar na parang walang mangangahas na multo ang magpapakita sa akin. Lahat sila ay nakikiaayon, para bang kaibigan ko lang sila.

Oo, parang may karera ng mga kabayo kung tumibok ang puso ko. Milyu-milyong boltahe ng kuryente ang pumapasok sa bawat ugat ng aking katawan. Hindi na dahil sa mga imahinasyon ko patungkol sa mga unidentified objects kundi sa katotohanang may isang nakakahulog laway na nilalang na kasama ko ngayon.

Kinuha ko ang mga susi at mobile phone ko sa bedside table. Naglakad ako palapit sa kanya.

"Tara." Nginitian ko siya. Wala itong reaksyon. Tumalikod na ito at naglakad pababa sa aming hagdanan.

Walang imik sa pagitan naming dalawa. Napatingin ako sa may itaas at napansin ko ang chandelier sa gitna. Nakailaw ito.

Tinawag ko ang lalaki nang malapit na kami sa may main door.

"Kuya? Ngayon lang kita nakita pero pwedeng pakipatay iyong main switch ng kuryente namin?"

Naglakad ito papalapit sa akin habang nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng jacket nito.

Cool.

"Saan banda?"

Nginuso ko ang direksyon ng main switch malapit sa may kusina namin para iwasan ang titig nito.

Agad naman nitong pinuntahan at ginawa ang sinabi ko.

"Wala na?" Sarkastikong saad nito. Blanko ang ekspresyon sa mga mata nito. Para bang may malamig na bloke ng yelo ang naroroon.

"Wala na po. Salamat, ha." Pang-aasar ko dahil mukhang naiinip na ito sa sitwasyon nito ngayon.

Naisara ko na ang lahat-lahat at nasa mabuting kalagayan na ang aming bahay kahit iwanan ko na ito ay hindi ko pa rin makausap nang maayos si Mister-Anonymous-Forever.

"Kuya, anong pangalan mo?"

"Ilang taon ka na? Tatawagin ba kitang kuya o hindi?"

"May pagkain ba sa bahay niyo? Gutom na gutom na kasi ako."

"Ngayon lang kita nakita. Saan ka sulok ng mundo galing?"

"May sakit ka ba?Bakit ang tahimik mo?"

"Taray mo, ate. May period ka ata?"

Maraming tanong ang umiikot sa aking isipan ngunit hindi ko ito mabitawan.

"Shit." Napamura ako nang hindi ko namamalayan na may batong nakaharang sa daanan. Naitama iyong hinliliit ko rito at napakasakit, sobra.

Napalingon ito at dito ko natunghayan ang malambot na ekspresyon sa mukha nito.

--- Wakas ng Kabanata 2 ---

Maraming salamat sa iyo :)

Ano kayang maaaring pangalan na bagay kay Mister-Poreber-Sungit?
Nagdadalawang isip ako sa kung anong ilalagay ko. Hihihi -- ו×

Halloween Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon