Kabanata - Conversation--- Kendrick's POV ---
Through the glass wall, I can see Casey outside sitting on the grassy ground of our mini-garden.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nito sapagkat tanging likuran niya ang nakikita ko.
Dalawa lang kami ngayon dito sa bahay kaya siguro ay pareho kaming nakakaramdam ng inip.
Nasa ibang bayan si Mama, nakipagkita sa isa sa mga kaibigan.Tumayo ito. She's wearing a high-waisted black shorts and a white graphic shirt paired with flat sandals.
Hindi ito mapakali. She started walking, back and forth.
Kinuha nito ang mobile phone sa bulsa at may kinausap. Pagkalipas ng isang minuto, umupo ito ulit sa may damuhan, tila nadismaya sa katawag nito.
I took a short glance on my wrist watch. 10:12*
Bigla-bigla ay may pumasok na ideya sa aking isipan. Pati ang katawan ko ay nakikiayon sa tinatakbo ng aking utak.
Dinala ako ng aking mga paa sa kwarto ni Kuya Tristan. Hinahanap ko ang susi ng kanyang sasakyan at nakita ko ito sa may drawer niya.
Naglakad ako patungo kay Casey. I grabbed her wrist. She was absolutely shocked.
"B-bakit, Kuya?"
"Tara." Habang hawak pa rin ang kanyang kamay, sumunod naman ito sa akin hanggang sa garahe.
"Saan po ba tayo pupunta?" Naguguluhan ito.
"Mall. Samahan mo ako." I told her as I examined the car. Mukhang nagamit lang ito, recently. Mukhang bago pa rin.
"Hindi ka naman mawawala doon. Matanda ka na. At isa pa, wala akong pera." Nahihiya nitong sabi.
"Sino naman kayang tao ang mawawala sa sariling bahay? Matanda ka na pero nagpapasama ka pa." Pagbibiro ko.
Napasimangot ito sa sinabi ko.
Sa tingin ko ay gumagaan na ang paraan ng pakikipag-usap namin sa isa't-isa.
"Akong magpapasama kaya ako munang bahala sa iyo. Huwag mo ng problemahin ang pera."
"Talaga?" Lumiwanag ang buong mukha nito. "Ang dami ko ng utang sa iyo, huh."
"Tulad ng alin?" Panghahamon ko. Hindi naman ako humihingi ng anumang kapalit basta ang mahalaga ay hindi labag sa aking kalooban ang pagbibigay at pagtulong.
"Iyong pagsama-sama mo sa akin sa bahay namin tapos heto, ni piso wala akong pera, aasa na lang po ako sa iyo."
Ngayon ay nakasakay na kaming dalawa. I started the engine.
"Bakit nga ba umiiyak ka nang makita kita kahapon?" Natawa na lang ako dahil sa naalala ko.
"Secret. Hindi naman po siguro tama ang pagtawanan ang kahinaan ng iba. Matanda ka na, alam na iyan." Pagtatanggol nito sa sarili.
"So, bata ka pa nga kaya iyakin ka. Hindi naman tayo nagkakalayo ng edad. Hindi mo na kailangang ipagdiiinan na mas matanda ako. Well, in fact, isang taon lang naman." Sinulyapan ko ito sa passenger's seat at sa pagkahaba-haba ng sinabi ko, mukhang hindi naman ito nakikinig.
"Sorry na." Ang tanging nasambit lang nito.
Ipinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho.
"Saan tayo liliko?" Sa tanong kong iyon ay ibinulsa na nito ang phone kaya tutok na ang atensyon nito sa may kalsada.
"Right."
Katahimikan ay namayani.
Magsasalita na sana ako ay naunahan niya ako.
"Ano pa lang pangalan mo ulit? Frederick ba? O Patrick? O matchstick?" Tanong ni Casey. Sobrang lapad ng ngiti nito. Nagagalak sa kung anong pakulo nito.
Hindi ko alam kung saan ako maiinis, sa sarili ko ba o sa taong katabi ko. Samantalang ako, nakatatak sa isip ko ang pangalan niya. Casey.
Madali ko lamang matandaan ang mga bagay-bagay kaya minsan, nakakakuha ako ng perpektong iskor sa eksaminasyon. Pero heto siya, nagtatanong kung ano ang pangalan ko.
"Kendrick."
"Hmm, okay. Kendrick." Ulit nito sa pangalan ko. Parang prinoposeso nito iyon sa utak.
"So, anong plano? Anong unang gagawin natin sa mall?" Tanong nito.
"It is better to leave things unplanned." Sa gilid ng mata ko, nakita kong tumaas ang kilay nito dahil sa sinabi ko.
"Tulad ng panghihila mo sa akin bigla-biglaan at wala akong ni isang sentimong dala." She laughs hard. Dahil siguro sa sitwasyong kinanalagyan nito ngayon. She's penniless and she can't stop worrying about it.
Ibinigay ko sa kanya ang mobile phone ko. Kinuha naman niya ito.
"Bakit ito? Isasanla natin sa pawnshop para magkapera?" Biro nito.
"Of course, no. I-type mo diyan yung number mo."
"Para kapag nawala ka, may kakapitan ka."
"Para kapag nagkahiwalay tayo nang hindi sinasadya at wala kang pera, kawawa ka." Pagmamayabang ko naman.
Sabay kaming nagtawanan.
"Here." Inabot niya sa akin iyong phone ko tapos nilabas naman niya iyong sa kanya.
"Number?"
I dictate my number.
Then, we arrived at the mall, safe and sound.
Sana ay tumagal kahit konting oras pa ang biyahe namin.
Napakasarap pala sa pakiramdam ang may kausap. Noon, tanging kaharap ko lang ay laptop, libro o kaya'y papel at panulat. Marami rin akong kaibigan ngunit tulad ko, pag-aaral ang unang pinapahalagahan. Madalas lang kaming lumabas at mamasyal. Minsan, sa mahahalagang okasyon lamang tulad ng kaarawan, pasko, o kaya ay bagong taon.
We passed by the entrance door.
Nagkatitigan kami saglit. Nakita ko sa mga mata niya na siya ay labis na nasisiyahan.
Siguro, tulad ko, ngayon lang ulit ito makakalabas mula sa stressful days na hatid ng pag-aaral.
"Let's go." She said happily.
I'm really looking forward to this day.
--- Wakas ng Kabanata 5 ---
Share your thoughts about the story. Yay <3
![](https://img.wattpad.com/cover/52550418-288-k725414.jpg)
BINABASA MO ANG
Halloween Love Story
Genç KurguHindi lang naman siguro ako ang takot sa hindi pangkaraniwang nilalang sa mundong ibabaw. Oo, isa na rito ang multo. Iyong pakiramdam na parang may sumusunod sa iyo sa paglalakad habang binabagtas mo ang masikip at madilim na daan. Kapag nakaharap...