Kabanata 1 - Alone--- Casey's POV ---
Habang okupado ang aking isipan ng kung anu-anong salita para sa ilalagay ko sa aking proyekto at habang tumutugtog ang awitin ni Taylor Swift na Wildest Dreams ay may biglang kumatok sa pintuan ng aking kwarto.
Tumayo ang bawat balahibo sa lahat ng parte ng aking kutis dahil sa bigla na namang pag-ikot ng karumal-dumal na pangyayari sa aking ulo.
Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa aking paningin ang isang lalaki na duguan ang buong mukha. Hinawakan nito ang aking balikat at sabay sabing, "Tulungan mo ako. Hanapin natin ang nawawala kong mga paa."
Tinignan ko naman sa may babang parte ng katawan nito. Wala nga itong paa! Nakalutang ito sa may ere!
"Hell, please. Back off." Bulong ko sa aking sarili.
Tumayo ako at binuksan ng marahan ang pintuan.
"Mommy..." Sambit ko.
Agad ko siyang niyakap nang makita ko ang aking magulang na umiiyak.
Kumawala ako at tumingin sa kanyang mga mata.
"Bakit? Mommy, anong nangyari?"
"Si Lola Felly mo, binawian na siya ng buhay." Malungkot na saad nito.
Ako man ay nagulat. Parang kailan lang nang huling dalaw namin sa kanya sa Ilocos Sur noong nakaraang Disyembre. Kami ay masayang naglalakbay sa may karagatan. Si Lolo at Lola ay magkaakbay sa may upuan at nakangiting nakatunghay sa kulay asul na tubig. Si Mommy at Daddy naman ay naghahanda ng mga pagkain.
Kung iisipin, mag-iisang taon na pala iyon. Ngunit sa balitang iyon, bumalik sa aking isipan ang mga masasayang araw na nakalipas.
Nagbabalak kumawala ang mga luha sa aking mga mata ngunit pinigilan ko ito. Kailangan kong patatagin ang aking loob at para gumaan ang loob ni Mommy.
"Don't worry, Mommy. Lola Felly is with God, now. She will be okay." I told her.
"Thank you, Casey." Tumigil na siya sa kanyang pag-iyak. Inimbitahan ko siya sa aking kama para umupo muna.
"Mommy, kailan tayo pupunta?" Tanong ko agad.
Biglang napasimangot si Mommy. She shook her head sideways.
I stared at her questionably.
"Your exams, darling."
Natauhan ako. Oo nga pala, next week na ito.
Bakit ba ang saklap ng schedule ko?
"Pero..." Baka may paraan pang natitira. Hindi pwedeng hindi ako makakapunta kay Lola. I love her, forever and always.
"Casey, listen. Your dad and I will be going this one o'clock this afternoon. Inaayos na namin ang lahat." She gave me a group of keys on my hand.
"Since Yaya Sofia is having her days off, you'll be staying at Tita Dianne's house for the mean time. I already talked to her and she's so happy to have you pero nasa iyo pa rin ang desisyon, darling. You are a grownup girl, now. If you want to stay here, that will be good. I know you can handle yourself, Casey."
Tumango-tango na lang ako. Alam ko, nagmamadali sila ngayon upang hindi sila maabutan ng dilim sa daan. Dad hates driving at night.
"Take care, darling. I love you." Then she bid her goodbye and kissed my forehead.
Now, I'm all alone in this big house.
Tumayo ako at hinawi ang aking kurtina. Pagsilip ko sa may baba, sa may garahe ay nakita ko ang aming sasakyan palabas. Nagmamadali nga sila.
"I'm sorry po, Lola. Hindi ako makakapunta." I whispered.
May malamig na hangin ang biglang umihip sa aking likuran. Nanigas ang buo kong katawan.
Napatakbo ako sa aking kama at hinila ang aking kumot hanggang matakpan ang aking ulo. Nilalamig naman na ako. Gusto kong patayin muna ang aming air-condition, pero parang wala na akong lakas tumayo muli.
Tumutugtog pa rin ang 1989 album ni TS. Bakit parang lumakas ito? Kanina ay katamtaman lang ang volume nito, ngunit parang nabibingi na ang aking mga tainga.
Band-aids don't fix bullet holes
You say sorry just for show
If you live like that, you live with ghosts (ghosts)Band-aids don't fix bullet holes (hey)
You say sorry just for show (hey)
If you live like that, you live with ghosts (hey)
If you love like that blood runs cold"Bad. Blood. Ghosts. Bullets." I screamed silently.
Natatakot na talaga ako. Noon, ang kantang ito ay tungkol lang kay Katy Perry lang. Ngayon, parang horror theme song naman na.
Wtf. Pagmumura ng aking isipan.
Napaiyak ako.
-- Wakas ng Kabanata 1 ---

BINABASA MO ANG
Halloween Love Story
Dla nastolatkówHindi lang naman siguro ako ang takot sa hindi pangkaraniwang nilalang sa mundong ibabaw. Oo, isa na rito ang multo. Iyong pakiramdam na parang may sumusunod sa iyo sa paglalakad habang binabagtas mo ang masikip at madilim na daan. Kapag nakaharap...