7) Scared

3 0 0
                                    


Kabanata 7 - Scared

--- Casey's POV ---

Malamig.

Madilim.

Tahimik.

Ito ang klase ng lugar na nagpapatayo sa aking mga balahibo. Kung maaari lang ay ayokong magtungo rito.

Ngunit dahil si Kendrick ang nagyaya na manood ng sine, pumayag ako.

Pumayag ako kahit alam ko pang isang horror movie ang pinili nito.

Nahihiya akong tumanggi dahil ito ang magbabayad ng tickets. Isa pa, nakita ko sa mga mata niya na may malaking interes ito sa mga ganoong klase ng panood.

We are extremely opposite to the genre of movie we have interest of. But knowing that Kendrick is beside me, I feel good and safe.

Hindi ko na kailangan pang alamin ang pamagat ng panood dahil alam kong tatatak na naman iyon sa akin isipan at baka mapanaginipan ko pa ito gabi-gabi.

I sit properly. Magsisimula na ang panood.

Inhale and exhale.

Heto na siguro ang sinasabi nilang 'face your fear'. Nakakakaba, sobra, to the highest point. Para bang sa fear of heights, nasa ika-sandaan kang palapag ng isang building, at tatalunin mo iyon. Tanging kasama mo lang ay parachute. Tulad sa estado ko ngayon, pwede na akong mamatay.

Tahimik ang mga viewers, tutok na tutok ang mga mata sa malaking screen. Samantalang ako, hindi ako mapakali. Hindi ko na lamang ipinahalata sa katabi.

Sa unang parte ng panood, nag-uusap-usap pa lang ang mga tauhan sa istorya. Medyo humihina ang pintig ng puso ko dahil sa natutunghayan ko.

And boom, rising action na. Inilabas ko ang phone ko para maibalin ang atensyon ko sa ibng bagay kaso napakalakas ng naririnig ko. It's useless.

Sinulyapan ko si Kendrick. Tulad ng kapwa manonood sa sinehan, they are all anticipating to what will happen next.

Hindi ko na kinaya. Kinalabit ko siya. "Sa CR lang ako saglit."

"Sige, balik ka rin, ha. Malapit na ang climax. Don't miss it." Ngumiti ito.

Naglakad na ako palabas. Ni ata pag-ihi ko ay natatakot na rin. Kaya umupo na lang ako sa may popcorn stand. Napakabango ng naaamoy ko. Bibili na sana ako ay nahiya pa akong naupo roon, wala pala nga akong pera.

Buhay nga naman.

Pagkalipas ng limang minuto, pinadalhan ko siya ng mensahe.

Hi, hintayin na lang kita dito sa labas. Dito sa may popcorn stand. Enjoy watchin'

Mahigit isang oras siguro bago matapos ang movie kaya naisipan ko munang tumayo at maglakad-lakad na hindi lumalayo sa may nagtitinda ng popcorn.

Nasa ika-tatlong palapag kami ng mall kaya natatanaw ko ang mga tao sa may baba. May mga pamilyang nagkakasiyahan, grupo ng kaibigan, magkasintahan, at may solo rin na kagaya ko.

Paglingon ko sa may side ko, nakita ko si Kendrick, nakatanaw rin sa malayo. Napakabilis ng tibok ng puso ko sa nasilayan.

Multo ba itong nakikita ko? Doppelganger?

Nang mapansin nito sigurong nakatitig ako, lumingon na ito sabay abot ng bucket of popcorn.

Tumanggi ako kaso pilit niya itong inabot kaya kinuha ko na lang sa huli.

"Ang dami ko na talaga utang sa iyo."

Nagkibit-balikat lang ito.

"Paano naman iyong pinapanood mo? Sayang ticket." Tanong ko.

"Paano naman ikaw? Hindi ka mapakali. Paano ako mag-eenjoy kapag iyong kasama ko, hindi." Sagot nito. Hind ko alam kung nagagalit ito, nagtatampo ba o ayos lang lahat.

Napayuko na lang ako. "Sorry. Babayaran ko na lang lahat-lahat kapag nagkaroon na ako ng pera."

Lumapit ito, akala ko ay kukuha ng popcorn pero bigla na lamang nito akong inakbayan.

The fvck. I'm electrified.

"Takot ka ba talaga sa mga multo?" Sa boses nito ay parang pinaglalaruan ako.

Akala ko, isa itong scene sa mga romantic movies na kinahihiligan ko. Na kapag inakbayan ka ng isang lalaki, lalapitan ka nito hanggang hindi na mahulugan ng karayom ang pagitan ninyong dalawa. Na kapag wala ng distansya sa isa't-isa, unti-unting lalapit naman ang mga labi niyo at my first time kiss will lock us in.

Ngunit hindi pala, mali na naman ako sa mga pangitain ko sa buhay. He, instead just cornered me to ask that silly question.

Kumawala ako na parang ibon mula sa pagdidikit ng aming katawan. Kung pwede sanang patagalin ang eksenang iyon, dahil napakasarap ito sa pakiramdam ay hindi na maaari.
Ayokong malaman nito ang isa mga kahinaan ko. Baka ito pa ang gamitin nito laban sa akin kapag halimbawa, hindi ko nabayaran ang mga utang ko at kapag hindi ko sinunod ang mga bagay na gusto nito. Baka gawin nito akong alipin kapag nagkataon.

Nagsimula akong maglakad para iwasan ang titig nito at hindi ko masagot ang tanong kanina.

Nakisabay naman itong naglakad.

"May nakakatakot ba sa multo? Hindi naman sila totoo, diba? Mga kathang isip lang ito. Unless, nakakita ka na, maswerete ka sa buhay." Patuloy pa nito.

"Swerte kamo? Huwag mo nga akong biruin. Hindi pa nga ako nakakakita, minamalas na ako lagi." Napakabilis kong naglalakad pero naaabutan pa rin niya ako. Mahahaba ang biyas nito, unlike me, average lang.

"Confirmed." He declared. Natatawa ito kaso pinipigilan lang dahil may pahawak-hawak-sa-tiyan-effect pa ang loko.

Doon ako tumigil dahil nakaramdam na ako ng pagod. Isa pang step, baka hindi ko na kayanin.

"Na ano?"

"Phasmophobia."

"Hindi ko alam iyang pinagsasabi mo." Oo, hindi ko talaga alam kung anong salita iyang pinagbibitaw ng dila niya.

"Fear of ghosts." Naglakad ito na parang isang zombie.

Nakakatawa ito kaya ako naman ngayon ang may pahawak-hawak-sa-tiyan-effect.

Pero, nagsink-in sa utak ang sinabi niyang 'fear of ghosts'.
Oo, takot ako sa mga multo pero may phobia pa lang ganoon. Normal lang naman ang matakot ka sa mga hindi pangkaraniwang nilalalang sa mundo, diba?

Siguro nga, I blinded myself with ignorance. Hindi ko man lang inalam kung bakit ako natatakot ng ganito, at hindi ko man lang tinulungan ang sarili ko na maging matapang. Ngayon, para bang ang hina-hina kong tao.

"Hey." That voice wakes me up from the random things I'm pondering.

I gave him a weak smile , the same smile I gave to Greg earlier.

"Uwi na tayo?" Anyaya ko. Tila nadismaya ito sa sinabi ko kaso tumango na lang ito.

Feeling ko, lahat ng tao sa mall ay mga zombie at nakalaban ko ito isa-isa. Pagod ang nadarama ko sa mga oras na ito. Kailangan ko munang magpahinga.

Babawi na lang ako kay Kendrick sa susunod.

Very soon.

--- Wakas ng Kabanata 7 ---


Halloween Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon