Play music at the Multimedia Section. Thank you :)Kabanata 8 - Darkness
--- Kendrick's POV ---
"Wow, ano yan?" Alas-nuwebe na ng gabi, bakit gising pa ito?
Casey is now wearing a loose shirt and a printed pajama. Her hair is tied up with some weird ponytail.
Umupo ito hindi kalayuan sa aking tabi. May dala itong isang basong tubig.
"The Walking Dead." Simpleng sagot ko. Nasa kalagitnaan ako ngayon ng panonood ng TWD sa aming sala.
"Ohhh. Sige, good night."
Akmang tatayo na ito ay nagdilim ang paligid. Kulay itim lang talaga ang paligid, in toto.
Blackout.Naramdam kong may kumapit sa aking braso pero bakit parang may basang tela?
"Flashlight, please." Pagmamakaawa ni Casey.
"Wait, anong nangyari sa damit mo?" Bulong ko rito.
"Natapunan ng tubig. Ang malas ko, diba?"
Hindi ko malaman kung kanino nanggagaling ang malakas na tibok ng puso. Kay Casey ba na natatakot sa dilim o sa akin, sa katotohanang ang babaeng nakahawak sa aking braso ngayon ay may kapangyarihang kayang pabilisin ang bugso ng aking damdamin?
I was in the state of confusion, when I heard her voice again.
"Nariyan iyong phone mo? Pailaw mo nga."
"M-meron." Hindi ko alam bakit nauutal ako. Natatakot na rin ba ako sa dilim?
"Huwag mong sabihing may phasmophobia ka rin? Lagot tayo. Wala pa naman si Tita."
Kinalma ko ang aking sarili. Inilabas ko ang aking cellphone at sa mga oras na ito, nagkagulu-gulo na ang aking mundo nang masilayan ko ang magandang mukha ni Casey kahit puno ito ng pag-aalala.
Once again, I calmed myself.
"Wanna do something fun?" I asked her playfully.
Hindi ito umimik ngunit isang suntok sa balikat ang natanggap ko.
"Mag-isa mo!" Pasigaw nito. Inilawan ko ang mukha nito. Sobrang namumula ang magkabilang pisngi ni Casey.
"Look, don't get me wrong." I defensed myself. But wait a minute, who wouldn't think of that thing especially it's dark in the middle of a wonderful night and it's just the two of us. I grinned but quickly erase the green thoughts running wild in my mind.
"Gusto lang naman kitang tulungang ma-overcome mo iyang fear mo." I continued
"Excuse me, that's not funny at all." She said sarcastically.
"What if, wala ako ngayon at mag-isa ka lang dito sa bahay. What if, gabi na at ang tanging paraan lang para makauwi ka ay ang maglakad sa gitna ng madilim na daan." Hindi ito isang paraan ng pananakot kundi tutulungan kong mabura ang takot sa dibdib nito. I'm no expert but I'll try my best.
I do not know why but as if someone's telling me to do something good to her before I left and face schooling again.
"Hindi ko naman siguro mararanasan ang mga iyon. What if pa lang naman. Kung dumating man ang mga pangyayring iyon ... Wait, saan tayo pupunta?"
Napatigil ito sa pagsasalita nang hinila ko ito patayo. Nakasabit pa rin ng kamay nito sa aking braso. Kung pwede sanang gabi na lang lagi at may blackout, sana nga maaari upang nariyan lang siya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Halloween Love Story
Dla nastolatkówHindi lang naman siguro ako ang takot sa hindi pangkaraniwang nilalang sa mundong ibabaw. Oo, isa na rito ang multo. Iyong pakiramdam na parang may sumusunod sa iyo sa paglalakad habang binabagtas mo ang masikip at madilim na daan. Kapag nakaharap...