Kabanata 3 - Second Home--- Casey's POV ---
Lumapit ang lalaki sa akin. Mukhang nag-alala ito.
Hinubad nito ang nakasuot na jacke.
Umihip nga ang malamig na hangin at nakaramdam ako ng kaunting lamig sa aking katawan. Agad namang napawi ito nang nilagay nito ang jacket sa aking balikat.
"Feeling better?" Tanong nito.
Tumango ako.
May nagawa atang mabuti ang pagsambit ko ng alien language kanina.
Naitama lang naman ang daliri ng aking paa sa hindi kaaya-ayang bagay sa may daan, masama na agad ang aking pakiramdam?
"Feeling better?" That question full of concern on his voice made me feel more than okay.
Ngayon ay sabay na kaming naglalakad patungo sa kanilang bahay.
Something hits my mind. Dinama ko ang noo koo. Mataas nga aking temperatura.
Sa oras lang na ito nagproseso sa aking utak na simula una, naging mabait sa akin ang tao.
Hinusgahan ko siya agad na ito ay suplado at walang pakiramdam.
Pagkakita nito sa akin sa napakamiserableng estado ko sa aking kama at may kasamang pag-iyak-iyak, hindi na ito nagtanong kung ano pa man. Hindi siya nagdalawang-isip na tignan kung may masama akong nararamdaman.
He checked my forehead and that's the time I felt safe and I found relief. As the back of his hand touches my skin, my heart palpitates in a peculiar manner.
"Thank you." Ibinulong ko ngunit sinigurado kong maririnig niya ang katagang iyon.
Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong ngumiti ito. Nasiyahan naman ako.
Ang masaklap lang, hindi ako nakakasigurado kung nagsisinungaling lang aking paningin.
Perhaps, I'm not really feeling well. Nagsimulang umikot ang mga bagay sa paligid.
Ang sumunod na nangyari ay nakita ko ang pigura ni Tita Dianne. Niyakap niya ako at inimbitahan na umupo sa may sofa. May nag-abot sa akin ng baso ng tubig at isang tableta. Sa pagkakaalam ko ay si Manang Helen iyon, ang mabuting kasambahay na matagal nang naninilbihan sa Sanchez family.
Nagdilim ang aking paningin.
------
Iminulat ko ang aking mata.
An unfamiliar room welcomes my presence.
Kinuha ko ang aking phone sa may bedside table.
6:22 AM;
November 02;
3 missed calls from my mother.Lumabas ako ng silid. Mabuti na lang at natatandaan ko pa ang pasikot-sikot sa bahay nito. Sa pagkakatanda ko, kay Kuya Tristan ang kwartong nagbigay sa akin ng mahimbing na tulog. He is Tita Dianne's son. I thought, he's the only child. But since I met a younger version like him yesterday, I'm so curious now. I will surely ask Tita about the unanswered questions circling in my mind.
Nakita ko si Tita sa may kusina, preparing the breakfast.
"Good morning Tita." I greeted her cheerfully.
"Oh, hello Casey."
"Saan po si Manang Helen? Namiss ko iyong mga luto niya." Tanong ko.
Biglang napasimangot si Tita. "How about my recipes? Hmm. Magtatampo ako sa iyo."
Natawa na lang ako.
"Ikaw ang pinakamasarap magluto Tita basta huwag lang po nating isali si Manang Helen."
Napangiti ito. I've known her for three years. Tita Dianne is a good person, very.
We are neighborhood. But not only our houses are near from each other, we do have the good relationship.
Tatlong taon na ang nakakalipas, sila lamang ay bago naming kapitbahay. The first time my mother and Tita met each other, they clicked together.
Nagkasundo agad sila sa kung anu-anong mga bagay.
Kuya Tristan, a 23 year-old good looking man is married to a half-Filipina and a half-Chinese named Kristen Lee. Lagi kong nakakasalamuha ang mag-asawa kapag nagbabakasyon ang mga ito dito sa bahay ni Tita. Napakabait ng mga ito.
Nakakalaro ko pa ang napakagandang anak nilang babae. She's too way cute. Singkit ang mga mata nito at nakakagigil ang mga pisngi. Kung pwede ko lang iuwi ang bata sa aming bahay, ginawa ko na ngunit hindi maaari.
Mr. Sanchez, Tita's ever loving and supportive husband is working abroad. Canada is his working place. May kaya ang pamilya at nakakaangat ang mga ito sa buhay. Minsan ko pa lang nakita at masasabi ko na mabait at mapagmahal ang lalaki.
Ang hindi ko lang alam ay kung sino ba iyong lalaki kahapon.
Habang naglalakad ako papuntang kusina kanina, nilibot ko ang aking paningin. Nagnanais na makita ulit ito at makausap kahit sandali.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo, Casey?"
"Opo." Nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis.
"Good."
Patuloy nitong inihanda ang mga pagkain sa mesa para sa umagang iyon. Natatakam na ako dahil napakasarap tignan ang lahat ng nasa harapan ko. Napakabango rin ng aking naaamoy.
"Wala po ba si Manang Helen?" Tanong ko.
"Nagpaalam siya kahapon, iha. Nagkasakit iyong anak niya. Pinayagan ko naman. Babalik siya sa Linggo. Tutal nariyan ka naman at si Kendrick ko."
Tatanungin ko pa lang sana kung sino si Kendrick ay may isang pamilyar na mukha ang papalapit sa amin.
Hindi ko malaman kung ano ang gagawin o kaya ay sasabihin.
Kinakabahan ako.
Kanina, kung may kapangyarihan lang ako, uutusan ko ang aking mga alagad na hanapin ito at ialay sa akin ng buhay.
Ngayong narito na siya sa harapan ko, gusto kong tumakbo at magpakalayo-layo muna. Kahit pa haunted house ay tatahakin basta maging malaki ang agwat ng distansya namin sa isa't-isa.
Shit.
--- Wakas ng Kabanata 3 ---
Yay, malalaman naman natin kung ano ang umiikot sa isipan ni Kendrick sa susunod na kabanata.
Kaya mo 'yan, Casey. Hihihi --ו×
![](https://img.wattpad.com/cover/52550418-288-k725414.jpg)
BINABASA MO ANG
Halloween Love Story
Novela JuvenilHindi lang naman siguro ako ang takot sa hindi pangkaraniwang nilalang sa mundong ibabaw. Oo, isa na rito ang multo. Iyong pakiramdam na parang may sumusunod sa iyo sa paglalakad habang binabagtas mo ang masikip at madilim na daan. Kapag nakaharap...