6) Meeting

4 0 0
                                    

Kabanata 6 - Meeting

--- Casey's POV ---

Ang bilis talaga ng ikot ng orasan kapag nakakaramdam ka ng kasiyahan. Parang kanina lang nang kumakain kami ng pang-umagahan at estranghero pa lang kami ni Kendrick sa isa't-isa.

Kendrick. Ang pangalan na hindi matanggal-tanggal sa kaibubuturan ng aking utak. Sa sa aking pagtataka, bigla na lamang akong nablangko sa sasakyan kanina. Hindi ko mahagilap sa ulap iyong isang salita. Kinkabahan kasi ako, sobra. Napakabilis ng pintig ng puso. Para kong nilakbay ang pitong bundok at sinuong ang Pacific Ocean.

That breakfast earlier is so unlike from what's been happening now.

This lunch with him is just so great. We've been talking about random things.

Bawat pagsubo niya sa kutsara ay tila napapansin ko lahat. Ang ngiti nito na nagagawang patigilin ang mundo kaya dila ay nauutal na lamang sa mga salitang binibitawan nito.

Pakiramdam ko tuloy ay kami lang ang tao sa paligid. Ang ingay ay hindi alintana sapagkat ang tanging pumapasok lang sa aking magkabilang tainga ay ang magandang boses nito. Ang hindi kaaya-ayang nasasagap naman ng aking ilong ay parang wala lang sapagkat naamoy ko naman ang mahalimuyak nitong pabango.

May bahagi sa aking puso ang nakaramdam ng kaginhawaan nang matapos namin ang mga pagkain dahil hindi ko na kayang titigan pa ang mga mata nito ng pang-matagalan. Ngunit, may bahagi rin ang nalulungkot dahl sana tumagal pa ang mga sandali na natutunghayan ko ang mukha niya ng malapitab. Super ironic, right?

Oo, si Kendrick ang nagbayad sa lahat kaya hindi ko kinalimutang nagpasalamat sa kanya.

"Thank you sa pagkain. Nabusog talaga itong mga alaga ko sa tiyan ko." Pagbibiro ko. Sabay kami ngayong naglalakad patungong restroom.

Tumango-tango ito habang hindi nabubura ang ngiti sa mga labi.

Kaya pala nagpasama ito ay unang pagkakataon nitong tumapak sa mall na ito.

"Huwag mong sabihing sasamahan mo pa ako hanggang sa loob ng banyo."

Nagising na lang ako sa katotohanang papasok na pala kami sa CR ng mga lalaki. Kaya pala lahat ng nakakasalubong namin ay mga tandang manok.

"Oops, haha." Nasambit ko na lang. Naramdaman kong uminit ang buoo kong mukha. Minsan, tatanga-tanga talaga ako.

Pumasok na ako sa banyo para sa mga babae. Inilibas ko lahat ng excess baggage sa katawan ko. Ang tinira ko lang ay ang mga pampa-good vibes.

Kumpleto at masaya ang ara kong ito kahit pa nga half-day pa lang. Ayokong may manira dito. Kumbaga sa isang party, iyong mga uninvited guests.

Sa hindi ko inaasahang pangyayri, pagkalabas na pagkalabas ko kasi sa female's restroom ay nahagilap ng mga mata ko si Trisha. Gusto ko sanang umatras ay huli na para gumalaw pa kasi nakita rin lang naman niya ako kaya haharapin ko na lang siya.

"Hello, Trisha. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Gusto ko sanang gamitin ang sarkastikong tono kaso kasama niya si Greg, at magkahawak-kamay pa!

Hindi ko alam pero parang pinagsakluban ako ngayon ng langit at lupa.

Kanina kasi ay tinawagan ko ito na samahan ako mismo rito sa mall para hanapin ang libro para sa aming proyekto at bilihin iyon para masimulan na ang paggawa ng research. Dahil wala akong pera, siya muna ang maybabayad at papalitan na lamang namin lahat ng nagastos niya.

Kaso, nilalagnat daw ito eh! Pero bakit ngayon, inuuna pa ang pakikipagkilitian sa lalaki kaysa sa final requirement na sa Thursday na ang deadliest deadline?

Halloween Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon