FALSITY
GREMA
As expected, nakatanga lamang ako sa dinaraanan namin sa kabuuan ng byahe. Ayokong magsimula ng usapan dahil baka isipin nilang ang feeling close ko na masyado pero sa totoo lang, kating-kati na ang dila kong magtanong ng kung ano-ano sa kanila at kung bakit parang ang sungit nila all the time nakasasalamuha ko sila.
Saka ko lamang narealize, how did I end up linking up with these people? Dati naman ay isang simpleng studyante lamang ako ng WSC pero ngayon, kung sino-sino nang popular na mag-aaral ang nakakasama ko, especially Trevor. But then again, hindi naman ako pwedeng magreklamo kung 'yon ang gusto ng tadhana.
"And here we are." Napasilip ako sa bintana at nakitang nagpapark kami sa parking lot ng isang mamahaling eating house. Actually, mas trip ko pang kumain sa fast food chain ngunit naalala kong dalawang bigatin nga pala ang kasama ko kaya shut up na lang ako. Besides, pagkain pa rin naman ang naririto at baka mas masarap pa nga, eh.
Nang makapasok kami sa loob ay agad na naghanap ng dining table. Gusto ko sanang itanong kung saan ang CR just in case abutin ako rito pero naisip kong parang masyadong nakakahiya naman kaya kung sakaling mangyari man 'yon, pipigilan ko na lang at titiisin.
Nakahanap na rin sila ng pwesto kaya't umupo na lamang kami at tumingin sa provided menu. Magkatabi silang magkapatid habang ako naman ang nasa harapan nila. Silang dalawa 'yung naunang namili ng kakainin at matapos ay iniabot ito sa akin. Gusto ko rin sanang damihan ang pagpili pero katulad kanina, pinangunahan ako ng hiya.
"Uhm, Grema? Thank you nga pala for being with me throughout the entire game. Alam mo naman siguro kung gaano kalungkot manood mag-isa," nakangiting pasasalamat ni Chelsea. Come to think of it, hindi naman pala siya masyadong suplada unlike sa first impression ko sa kaniya.
"No problem. 'Wag kang mag-alala, kapag may game pa ulit, sasamahan pa rin kita sa panunood," sagot ko naman sa kaniya. Hindi ko naman talaga ugaling manood ng sports pero dahil nga sa Oplan: maging jowa ni Trevor si Chelsea, kailangan kong sumugal.
"Tss. Sana sa susunod na game, hindi ka na ikapahamak ng kalampahan mo," sabat naman ni Clint dahilan para bigyan ko siya ng masamang tingin. Natatawa lamang si Chelsea sa inasal ko at para bang okay lang sa kaniya na awayin ko ang kuya niya kaya't unti-unti na rin akong naghahanda. Alam kong may susunod na banat pa ang barumbadong 'to.
"Hindi nga sabi ako lampa! Ano bang problema mo?" Medyo tumataas na ang boses ko bagay na mas lalong nakapagpatawa kay Chelse. Luh? Nababaliw na si ate.
But anyway, kailangan kong sulitin ang moment na 'to para makabawi. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang trip ng Clint na 'to at kung nauubusan ba siya ng banat pero hindi ako magpapatalo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Gravity Between Enemies (Completed)
HumorGravity, One word but it says it all. In Physics, we define Gravity as the force of attraction causes things to fall toward the center of the earth. But in fact, it also refers to something deeper such as falling-falling in love particularly. But in...