prologue

4.6K 115 16
                                    

Written by: simplestabBer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Written by: simplestabBer


"WHAT do we mean by Gravity?" Napakamot na lamang ako sa ulo ko habang naghihintay matapos ang discussion. As usual, 40 percent ng klase na naman ang hindi nakikinig at isa na ako doon. Gustohin ko mang humikab, hindi ko magawa dahil may penalty. Gan'yan kalala ang Science teacher namin.

Well, ano nga ba ang Gravity? As far as I know, Gravity is the force that makes us fall to the Earth. Physics 'yan. And unfortunately, my least favorite subject.

Napatingin kaming lahat ng dali-daling tumayo 'yong first honor namin. As usual, siya na naman 'yung bida rito kaya't tinitigan na lamang namin siya habang naghihintay ng sagot. Nobela alert.

"We all know that Gravity is a factor that makes us stand to where we are right now. I mean, let's put it in this way; imagine the world without Gravity, so lame right? Papaano tayo tatayo rito sa kinaroroonan natin? How could we build establishments? Gusto niyo bang makakita ng lumulutang na swimming pool? Papaano tayo makakapaglakad ng maayos kung walang gravity? See? There are a lot of things that could define the purpose of Gravity. But in a scientific manner, especially in Physics, I can define that Gravity is the force of attraction causes things to fall toward the center of the earth."

Literal na napanganga na naman kami sa explanation niya. Given na naman na magaling talaga siya pero iba pa rin talaga ang impact.

"Okay, that's good. Anyone who can give their own definition of Gravity?" tanong pa ni Sir. Kaloka. Hindi pa ba sapat 'yong binigay ng kaklase ko? Do we have to conclude our own definition of Gravity?

Habang kasalukuyan pa ring namamangha ang lahat dahil sa sinabi ng first honor namin, naramdaman kong may tumama sa batok ko kaya naman agad akong napalingon sa likod ko. Wala naman akong napansing kakaiba dahil busy rin silang lahat sa pakikipagdaldalan hanggang sa may nakita akong crumpled paper sa ilalim ng upuan ko. Napakamot naman ako sa ulo't umiiling itong pinulot.


'Gravity is falling in love.'


Seriously? Tss. Ang baduy naman ng definition niya. Well, to whom who threw this paper to me, he or she is so corny. Hindi naman sa bitter ako o ano, but we're discussing damn Physics here. At isa pa, wala sa bokubularyo ni Sir ang mga Hugot lines kaya't hindi na dapat siyang mag-attempt na isagot ito.

"Wala? How about, Acceleration? How can we define it? How can we differentiate it from Gravity?" Sunod-sunod pa niyang tanong. Isa na lang talaga, bebenggahin ko na 'tong si Sir. Naiinaman na yata siya.

Muli akong tumingin sa first honor namin ngunit mukhang wala na siyang balak sumagot. Tila ba may dumaang anghel nang manahimik bigla ang lahat kaya naman inilibot ko ang tingin ko't napagtantong nakatingin silang lahat kay Trevor—isa sa mga kaklase kong lalaki na never ko pang nakausap.

"Acceleration is different from Gravity. Why? Let's put it in this way..." Sandali siyang tumigil at tila ba nakipagtitigan sa bawat isa sa amin. Teka? Nanggagaya ba siya ng line?

"Acceleration is moving-on, gravity is falling in love. See? They're far different from each other," wika pa niya at agad ding umupo matapos sumagot. Hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako pero nang matapos siyang sumagot, nakita kong tumingin siya sa akin at nang mapansing nakatitig ako sa kaniya, bigla na lamang niya akong inirapan. Hindi 'yong maarteng irap pero 'yong parang naiinis nang sobra?

May problema ba sa akin ang lalaking 'yon?

Gravity Between Enemies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon