05 : Won't let you fall

1.6K 54 3
                                    

WON'T LET YOU FALL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WON'T LET YOU FALL

GREMALYN's POV

"Sasakay o sasakay?" Napangiwi ako sa tanong ng kumag. Nanatili pa rin akong nakatayo sa harap ng kotse niya habang siya nama'y nag-aabang sa akin na sumakay ng sasakyan.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako pumayag sa inalok sa akin ng lalaking 'to. I have a lot of tasks to do and instead of doing it first before anything else, heto't wala akong nagawa kung hindi pumayag sa pag-aya sa akin ni Trevor. He kept on reminding me about his plan doon sa Chelsea na 'yon at paulit-ulit ko ring sinasabi sa kaniya na ayoko.

Sumakay na lamang ako sa passenger seat sa tabi niya at padabog na isinara ang pinto. Hindi pa rin bumabalik ang mood ko. Ikaw ba naman tamaan ng bola sa ulo? Mabuti na nga lang talaga't walang nakakita. Kung hindi, naku, instant celebrity na naman ako nito sa social media.

"Ang sakit sa mata ng nails mo!" Nabigla ako sa sinambit ni Trevor. Patuloy pa rin siya sa pagmamaneho at diretsong nakatingin sa dinaraanan kaya't paano niya nalaman na masakit sa mata ang kuko ko? Unless, masakit talaga siya sa mata.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Super cute kaya ng pink nail polish na 'to. Gosh I'm so pretty," wika ko naman at inirapan siya. Papakitaan ko na sana siya ng hairflip ko kaso ang loko, biglang pumreno dahilan para masubsob ako sa harapan ko.

Napansin kong humahalakhak na ang may sira sa ulong katabi ko kaya naman dali-dali kong inayos ang sarili ko. Tinapangan ko ang mukha ko at pinanlisikan siya ng tingin. Mabuti na lamang at medyo magulo pa ang buhok ko kaya for sure, dagdag props na rin 'to para masindak siya pero tila ba hindi rin umepekto sa kaniya ang pananakot ko. What the heck!

"Excited ka rin kasi masyadong gumala. 'Yan tuloy, pinahamak ka ng hindi mo pagsusuot ng seat belt," natatawa pa niyang sambit. Napabuntong-hininga na lamang ako't sinuklay ang buhok gamit ang kamay ko. Bwisit na lalaki 'to. Dumagdag pa siya sa panirang araw na 'to.

"Panira ka rin ng araw 'no?" sarkastiko ko namang sambit sa kaniya. Imbis na sumagot, ngumuso siya sa direksyon ng bintana at napansin kong para bang kumukulimlim ang paligid. Teka? Hindi naman ako kumakanta, ah?

"Wala namang araw pinaglololoko mo ba ako?" sambit niya. Dahil sa inis ay napakamot na lamang ako ng ulo't napasandal.

Nagpatuloy lamang siya sa pagmamaneho. Unti-unti na ring pumapatak ang ulan at animo'y pinapagaan nito ang mood ko. I can't resist the silence kaya't nang mahagilap ng paningin ko ang radio ay walang pakundangan ko itong binuksan. Mukhang napansin naman ni Trevor ang ginawa ko pero hinayaan na lamang niya rin ito.

"We're dancing in the backseats, we don't need gravity here in the afterglow."

I heard The Summer Set's Lightning in a bottle playing in the radio. The music was so positive that it makes my mood slowly recovering. Hindi ko maintindihan pero bigla na lamang pumasok sa isip ko ang mga bagay na hindi ko dapat isipin lalo na sa sitwasyong kinaroroonan ko ngayon.

Gravity Between Enemies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon