BLEEDING
GREMA
The seats on the bleachers were already occupied. Few more minutes before the game subalit inaya na kaagad ako ni Trevor na pumunta sa field upang humanap ng upuan. Unfortunately, mukhang mahihirapan na kaming sumiksik dahil sa dami ng nanonood. Championship game na rin kasi between WSC and our rival school.
"Greta!" Halos mapatalon naman ako sa gulat nang marinig ang napakalakas na boses ni Topher. Lumingon-lingon ako't natanaw siya sa bandang itaas ng bleachers.
"Tinatawag ka ng bestfriend mo," natatawang sambit ni Trevor. Kumaway-kaway pa siya sa nakatingin sa aming si Topher.
Tinuro niya ang bakanteng upuan sa gilid nila ni Sherwin at sumenyas na pumunta kami doon. Hindi pa man ako tuluyang pumapayag ay bigla na lamang akong hinigit ni Trevor kaya naman wala na akong nagawa pa kung hindi sumunod na lamang sa kaniya.
Sa paglalakad paakyat ay namataan ko si Chelsea. She's with a guy from the rival school. Pero ang mas nakakaloka? Siya 'yong lalaking nakita ko noon sa may plaza na kasama niya. That means, tama nga ang hinala ko. Now it's confirmed why Trevor has been rejected.
"Hayaan mo na siya." Narinig kong bumulong si Trevor. Siguro'y napansin niyang nakatingin ako sa kanilang dalawa kaya't nakita niya rin ang mga ito.
Tinitigan ko siya. It's like, he's starting to accept the truth about his rejection but along the way, hindi pa rin maiiwasan syempre ang disappointment. It's like he's pretending to be okay when he's not.
Nagpatuloy na lamang kami sa paglakad paakyat. Pinilit kong 'wag tabihan si Topher dahil magulo siya at ayoko ng masyadong malikot habang nanonood kaya naman si Trevor ang tumabi sa kaniya. Mabuti na lang talaga at pumayag kaagad ang loko dahil kung hindi, baka hampas-hampasin pa ako ng abnormal na 'yon kung ako ang katabi niya.
Few moments passed hanggang sa iannounce nang magsisimula na ang game. Kaagad pumasok ang eleven players from both teams including their goal keepers. Napukaw naman kaagad ng atensyon ko si Clint. He seems so serious as if he's going to kick his opponents butts off.
"You're just staring at the team's captain ball once again," biglang sambit ni Trevor dahilan upang mapalingon ako sa kaniya't makita ang nakangising mukha niya.
"Ano?" pagtataka ko.
"Wala. Sabi ko tutok na tutok ka masyado sa game. Hindi pa nga nagsisimula, eh," sabi pa niya. Tumango-tango na lamang ako't muling ibinaling ang tingin sa field.
Sa una'y kalmado lamang ang atmosphere lalo pa nang nagsisimula pa lamang ang laro. May mga kaunting nagchicheer sa magkabilang panig samantalang kami'y tahimik lang. Pinagmasdan ko naman ang dalawang impakto na sina Topher at Sherwin na imbis manood ay abala sa paglalaro sa kanilang phones.
BINABASA MO ANG
Gravity Between Enemies (Completed)
HumorGravity, One word but it says it all. In Physics, we define Gravity as the force of attraction causes things to fall toward the center of the earth. But in fact, it also refers to something deeper such as falling-falling in love particularly. But in...