Gravity,
One word but it says it all. In Physics, we define Gravity as the force of attraction causes things to fall toward the center of the earth. But in fact, it also refers to something deeper such as falling-falling in love particularly.
But in...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
FEW MORE STEPS
GREMA
"Salamat. Umuwi ka na at magpahinga." Isinara ko ang pinto ng sasakyan at bumaba. Paulit-ulit pang nagpasalamat sa akin si Clint dahil daw hindi niya malilimutan ang gabing ito lalo pa't napagaan ko raw ang pakiramdam niya.
Bago ko buksan itaas ang rolling gates ng convenience store ay sinundan ko muna ng tingin ang papaalis na kotse. Nang tila ba maglaho na ito sa paningin ko nang makalayo ay lumingon na ako patalikod at binuksan ang nakalock na padlock.
Mabilis kong nabuksan ang tindahan at dali-dali na ring pumasok upang magbalik sa trabaho. Tumingin ako sa relo ko at nalamang 2:30 na pala ng madaling araw kaya't napahikab ako't napailing-iling. Nararamdaman ko na naman ang antok.
Pumunta ako sa counter at tumungo upang subukang umidlip. Makaraan ang ilang minuto'y hindi pa rin ako dinadapuan ng antok kaya't napagpasyahan ko na lamang na buksan ang phone ko para icheck ang mga pictures na nakunan namin.
"Ang epic naman nito. Delete!" Natawa ako nang makita ang ilang mga epic pictures. Nang matapos tingnan ang mga litrato ay napainat ako't tumayo upang maglakad-lakad na lamang muna.
"Nakakaboring talaga dito. Hays," sabi ko sa sarili habang naglalakad palabas ng store.
Sumalubong naman kaagad sa akin ang malamig na simoy ng hangin nang tuluyang makalabas. Gusto ko sanang maglakad-lakad kaya lang, hindi naman ako pwedeng lumayo nang tuluyan dahil baka may dumating na customer. Ang malas ko lang talaga dahil wala akong kasama para may makatulong sa pagtatrabaho.
Sa pagmumuni-muni ko sa labas ng tindahan ay may namataan akong isang lalaki sa hindi kalayuan. Tingin ko'y nasa 30 plus na ang edad niya at pasuray-suray ito sa paglalakad. Tila ba nasa impluwensiya siya ng alak dahil animo'y may kinakausap pa ito sa kawalan.
Hindi nagtagal ay unti-unting nakalapit ito sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung bakit, pero natatawa ako sa reaksyon niya nang makita ako dahil para bang kinikilatis niya ang mukha ko.
"Yow, pare! Musta na bilyaran?" sambit ko sa kaniya gamit ang tonong tila ba tinamaan din ng kalasingan. "Apir naman diyan, oh?" wika ko pa at itinaas ang kanang palad ko. Imbis na tuginin ay nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin dahilan para unti-unti na akong balutin ng kaba.
"Hmm, maganda ah?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Dahil sa ginawa niya'y hindi na ako nakapagpigil pa't kaagad na naglanding sa mukha niya ang kanang palad ko. Napahawak naman ang manong sa pisngi niya subalit para bang hindi siya masyadong nasaktan. Gusto pa yata ng magkabilang sampal nitong lasenggong ito.
"Itulad mo pa ako sa 'yong mukhang turugso," giit ko at tinalikuran na siya upang pumasok sa loob. Hindi pa ako tuluyang nakahahakbang ay naramdaman kong hinigit niya ang balikat ko kaya naman nanlaki ang mga mata ko't napahiyaw sa gulat.