Gravity,
One word but it says it all. In Physics, we define Gravity as the force of attraction causes things to fall toward the center of the earth. But in fact, it also refers to something deeper such as falling-falling in love particularly.
But in...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
IN AN ALL-BLACK ATTIRE
GREMALYN's POV
Habang naglalakad ako sa hallway ng paaralan ay marami pa ring mga matang nakasunod sa akin. Feel na feel ko rin ang pagiging kontrabida dahil taas-noo at confident pa ako sa paglalakad. Mayayari talaga nang bonggang bongga sa akin 'yang Trevor na 'yan. Sino siya para ipagkalat ang napakagorgeous kong hitsura?
As soon as I entered the room, everyone's keep on throwing hurtful words against me. The situation makes me bothered to think if I can consider this as bullying but instead of turning larger the issue, I smiled. Instead of acting intimated, I endure the pain.
"Andiyan na pala si Chocolate tartar girl!" sigaw ng isa sa mga lalaking nakatambay sa left side ng room kaya't muling nanaig ang tawanan sa apat na silid ng kwadradong kwarto. Muli, imbis na magpaapekto sa pangungutya nila sa akin ay nakitawa na lamang din ako. Wala na rin naman sigurong magagawa ang paghihimutok ko dahil nakita na ng karamihan ang katawa-tawa kong litrato.
Ayoko namang mas magmukhang tanga lalo kaya't imbis na manatili sa pintuan ay nagsimula na akong maglakad papunta sa table ko. Ibinaba ko kaagad ang bag ko at nang lumingon ako sa kabilang table ay nakita ko ang papalapit sa kinaroroonan kong si Jamila.
"May dala ka bang foods diyan?" bulong niya sa akin. No'ng una ay hindi ko nagets kung pagkain ba talaga ang pakay niya ngunit mayamaya pa'y naramdaman ko na lamang na hinahagod niya ang likod ko habang ang isa naman niyang kamay ay naka-okay sign sa akin. Hindi ko alam kung gagaan ba ang pakiramdam ko o mas lalo akong maiiyak dahil 'yung pinakita niyang sign sa akin ay ang nireply ng crush ko dati nung chinat ko siya sa Facebook.
"Thanks for comforting me, Jam but I'm okay. 'Yong paglalagay ng picture ko doon sa bulletin board sa labas? Nako! Wala 'yon. I feel so famous nga, eh," sambit ko na lamang sa kaniya dahilan para panlisikan niya ako ng tingin.
"Edi 'wag! Ikaw na nga pinapagaan ang pakiramdam diyan, eh," wika na lamang niya't padabog na naglakad palayo sa akin.
This is how we treated each other. Pareho kaming may sayad although there are times na hindi talaga kami nagkakasundo. And even though we're not classmates anymore, madalas pa rin niya akong pinupuntahan sa classroom ko.
Balak ko na sanang umupo at magplug ng earphones subalit napansin ko sa peripheral vision ko ang hinayupak na si Trevor kung kaya't nakapamewang akong naglakad palapit sa kaniya. Saka ko lamang napagtanto na hindi nga pala kami pwedeng mag-usap kapag nasa loob ng classroom kaya naman agad akong sinalubong ng tingin ng mga kasamahan niyang lalaki na siyang nakapalibot sa isang table sa likod.
"Anything for you, Chocolate tartar girl?" bulalas ni Patrick na kanina pang nang-aasar sa akin kaya't agad ko siyang pinanlisikan ng mata. Actually, ngayon lang ako napalapit sa mga kaklase ko dahil hindi ko naman talaga ugaling makipagsocialize sa kanila ngunit sa kasamaang palad, naririto ako dahil sa kahihiyang dinulot sa akin ng kumag na si Trevor.