MIX THE UNMIXABLE
GREMA
I feel so traumatized after the incident last night. It's still 10 in the evening subalit wala na masyadong dumarating na customer dito sa store unlike these past few nights na hanggang 12 yata ng umaga, eh may nakatambay pa.
Nagkaramdam ako ng pagkainip kaya't naisipan kong magtungo sa stereo sa loob kung saan nakapwesto ang sound system nitong convenience store. Mabilis kong ipinlug ang phone ko sa amplifier at namili ng music. Nang masatisfy na'y bumalik na ako sa counter upang maghintay na muli ng customers.
Few minutes have passed at gano'n pa rin ang atmosphere sa loob ng tindahan. Akmang tutungo na sana ako upang umidlip nang marinig kong tumunog ang chimes sa may pintuan. Ibinaling ko ang tingin sa lalaking pumasok hanggang sa namalayan ko na lamang na nasa harapan ko na pala ito't nakangising nakatingin sa akin.
"'Wag mo 'kong masyadong titigan. Baka matunaw pa ako nang wala sa oras." Para bang bigla akong nabuhusan ng malamig na tubig nang magsalita si Clint. I don't know why he keeps on visiting me here. In fact, this was the third night na pumunta siya rito. Or baka nag-aassume lang ako at sadyang pumupunta lang siya rito para may bilhin?
"Kapal mo, ha! Mahiya ka nga sa balat mo," sambit ko. Ngumisi pa rin ang loko na para bang tuwang-tuwa pa sa naging reaksyon ko sa kaniya. Gusto ko sanang kumuha ng hot coffee at ibuhos sa kaniya kaya lang, ayoko namang mag-exert pa ng effort para lang sa barumbadong 'to.
"Kapal ng kagwapuhan ko," pagmamayabang niya.
Wow. Biglang lumakas ang hangin. Alam kong kashungaan kung sasabihin ko sa kaniyang malakas ang hangin dahil nasa loob kami ng convenience store at kulong kami ng air-conditioner kaya't mananahimik na lamang ako. Ayoko rin namang sang-ayunan ang kakapalan ng mukha niya.
I admit, kahit papaano'y naibsan ang boredom na nararamdaman ko nang dumating 'tong barumbadong 'to. But still, ayokong ginugulo niya ang tahimik kong mundo. Hayy ewan.
"Ano na naman bang pakay mo rito?" Tumayo ako't naglakad sa mga magazines section upang maghanap ng pwedeng basahin. Napansin ko namang naglakad siya papunta sa beverages ngunit hindi ko na lamang pa pinansin 'yon at bagkus tiningnan ang ilang pocket books na nakadisplay.
"Sarap siguro ng buhay mo rito, 'no? Tambay-tambay lang, soundtrip, kain-kain tapos sumusweldo." Natigilan ako nang magsalita siya. Para namang sobrang naeenjoy ko ang pananatili rito?
"Nasasabi mo lang 'yan kasi wala ka sa posisyon ko. Pero kung ikaw ang nagtatrabaho rito, baka unang gabi pa lang, umatras ka na," sambit ko sa kaniya't bumalik na lamang sa counter.
Ilang saglit pa'y lumapit na siya sa akin dala-dala ang isang bottled lemon juice at isang pirasong yakult. Halos mapatayo ako sa gulat nang makita ang hawak niya dahil hindi naman pwedeng kumuha ng isang piraso lang ng yakult unless sa retail store ka bumili. So definitely, binuksan niya ang isang balot ng yakult at kumuha ng isang piraso lang.
BINABASA MO ANG
Gravity Between Enemies (Completed)
HumorGravity, One word but it says it all. In Physics, we define Gravity as the force of attraction causes things to fall toward the center of the earth. But in fact, it also refers to something deeper such as falling-falling in love particularly. But in...