29 : With my enemy

390 38 5
                                    

WITH MY ENEMY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WITH MY ENEMY

GREMA

Pinili kong sa backseat na lang umupo pero ipinilit pa rin ni Chelsea na sa passenger seat na ako kung saan makakatabi ko ang barumbado niyang kuya. Napagkasunduan kasi namin na isama na siya para may driver kami. At first, ayoko sanang pumayag dahil baka magpamalas lamang siya ng kasungitan habang namimili kami ngunit wala na akong nagawa nang siya na ang nagpumilit na gusto niya rin kaming samahan.

"I still can't believe na magpipinsan pala kayo." Sinubukan kong basagin ang katahimikan habang bumabyahe kami. Kung naiilang na ako noon kay Clint, mas doble ang nararamdaman kong ilang ngayon dahil sa mga nangyayari.

"I'm really sorry Grema for what we did. Trevor loves you so much to the point na gumawa siya ng plano para mapasakaniya ka. Unluckily, kuya messed up and turn the tables upside down," wika ni Chelsea. Napasulyap naman ako kay Clint at nakita kong nakangiti ito.

Siguro kung no'ng una pa lang ay nalaman ko na ang tungkol sa plano ni Trevor, posibleng mahulog din ako sa kaniya kung ipagpapatuloy namin ang ganoong samahan. And who would've thought that I'm gonna fall in love with this guy who used to be my enemy? I guess Gravity strikes really really bad.

"Hindi ko rin naman akalaing mapapalapit ako sa lampang 'yan, 'no? Atsaka, nakakainis kaya 'yong ginawa niya noong natamaan ako ng pinto ng fridge doon sa isang convenience store sa town. Dapat nga gagantihan ko siya kaya lang, napansin kong lampa pala kaya hinayaan ko na lang," sabat ni Clint na siyang nagpakulo na naman ng dugo ko.

"Ako? Lampa? Ang kapal talaga ng mukha mong barumbado ka. Ikaw nga diyan 'yong hindi tumitingin sa harapan mo, eh. And, bakit hindi ka na lang magmove-on?" sagot ko. Unti-unti na akong naiinis dahil tinawag na naman niya akong lampa pero ang barumbado? Ayun, nagpipigil pa ng tawa. Sarap niyang isubsob sa manibela kaya lang ayoko namang pati ako madamay rin.

"Hindi ako magmomove-on, do'n. 'Yon ang unang beses na nagkita tayo, eh," sabi pa niya ngunit umirap lamang ako't sumandal sa upuan.

Ilang sandali pa'y nakarating na rin kami sa mall at kaagad humanap ng lugar si Clint na pwedeng pagparkingan ng sasakyan. Nang makaparada na'y bumaba na rin kami kaagad at pumasok sa mall.

Magkasabay at magkatabi kaming naglalakad ni Chelsea habang nakasunod lamang sa likuran namin si Clint. Sandali akong napalinga nang may makita akong magandang dress na nakadisplay sa isang botique at nang lumingon ako upang ipakita kay Chelsea ay napansin kong si Clint na pala ang nasa tabi ko't nakaakbay pa sa akin.

"Anong?" Hinanap-hanap ng mata ko si Chelsea at nakita kong nasa gilid pala siya habang may kapit na camera. Nagulat na lamang ako nang magflash ito sa direksyon namin.

"Perfect. Grabe nilalanggam na yata kayo," natatawang sambit ni Chelsea ngunit sinamaan ko kaagad siya ng tingin. Nagpumiglas naman ako sa pagkakaakbay ni Clint subalit hindi niya ako binitawan bagkus mas lalo pang hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin.

Gravity Between Enemies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon