SiLENT CiTY // [ESCAPE 2]

3.5K 76 0
                                    

SILENT CITY (A Sci-Fi/Horror Story)

 
BY : Lance_Chrysostome

***

[ESCAPE 2]

Ronan's POV

"MAGNANAKAW!"

Kumaripas agad ako ng takbo. Napakahina naman ng seguridad sa museong 'yun. Andaling nakawan. Kunsabagay, eksperto na ako sa pagnanakaw. Ganun talaga, kinalakihan ko na eh.

At wala pang pagkakataon na nahuli ako. Na nakulong ako. Kakasabi ko nga lang, eskperto ako sa pagnanakaw.

Ako nga pala si Ronan James. Ayokong idikit sa pangalan ko ang apilido kong Delgado dahil malas ang pamilyang 'yun. Ipinagkait nila ako. Bilang ganti, ipagkakait ko din sila. Isa akong tunay na anak, pero nung dumating ang bwisit na ampon na yun ay ipinagkait na sa akin ang pagmamahal na matagal na akong uhaw. Diba dapat mas mahal nila ang tunay nilang anak? Diba dapat mas pinagtutuunan nila ng pansin ang tunay na anak kaysa sa ampon? Dapat di na lang nila inampon 'yun! At dahil sa pagkukulang nila ay nagawa kong magnakaw, mag-inom. Lahat-lahat na ng masasamang gawain pwera lang sa pumatay. Eh sila naman ang may kasalanan eh. Sila ang dahilan kung bakit ako naging ganito.

Tinawagan ko na ang mga katropa ko't magpapasundo na. Nakuha na namin ang bagay na trip lang naming kunin.

***

Princess' POV

Tumigil na ang van at sumakay na si Ronan. Hindi talaga siya pumapalpak pagdating sa nakawan. Siya talaga ang aasahan namin sa ganyan.

Kung ano ang role ko sa tropang ito, ako ang kanilang information seeker. Ako si Princess Arca. Ako ang pinakamatalino sa tropa. Ako ang pinagtatanungan nila ng mga bagay-bagay na hindi nila alam. But I'm not using my brains for myself. I'm using it to impress him, Harvey. Matagal na akong may gusto sa kanya but he keeps on ignoring me. Hindi naman literally na ignore like iniiwasan. Ignore like wala siyang pakialam kahit mukha na akong tanga, maiexpress ko lang ang feelings ko. But I would not stop until maramdaman niya ang pagtingin ko sa kanya.

***

Harvey's POV

Pinagkakaguluhan na nila ang mga misteryosong bagay na nanakaw nila sa museo. Hindi naman ako maaaring makiusyoso dahil ako ang nagdadrive. Edi nabunggo kami kung nagkataon. Kaya heto na lamang ako, focus na focus sa daan.

About me? I'm Harvey Kyle Gullispie. 23 taon na ako, pero fresh pa rin ako. Biro lang. Lovelife? Wala eh. Kahit na good-looking ako and kahit maraming babae ang nagpaparamdam, I'm still waiting for her. Kung sino siya, secret muna! Basta, kasama siya dito sa van.

***

Trixie's POV

Hay naku! Ano bang klase 'tong mga 'to? Ba't nga ba ako napasama sa tropang ito. Mga walang kwenta!

SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon