SiLENT CiTY // [ESCAPE 7.2]

2K 34 1
                                    

SILENT CITY (A Sci-Fi/Horror Story)

BY : Lance_Chrysostome

***

[ESCAPE 7.2]

Princess' POV

"ARRGH! I really hate walking. Why do we end up doing this? Kasi ba naman, if we haven't done this sh*t, hindi sa....Ugh! Whaaaat?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko't nabatukan ko na siya. Sino pa? Edi ang reklamador na si Trixie. Pasalamat pa nga siya't batok lang 'yun, at hindi sampal. Kanina pa kasi ang isang 'to, puro na lang reklamo.

"Could you please stop grumbling? Kung ayaw mong maglakad, fine! Maiwan ka dyan!" There. I could feel the raging blood on my head. Naku! Isa pa talagang reklamo, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Buti naman at tumahimik na rin siya. Hindi uubra ang katarayan nya sa akin.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Creepy. Haunted. Definitely Silent. Ano pa bang mga salita ang mailalarawan ko sa lugar na ito? It's so unusual to see fog. Sa panahon kasi ngayon, puro artificial na ang lahat. But this one looks authentic. Very natural...

"Look. An entrance to somewhere." Biglang nagsalita si Oxford, dahilan para maantala ang pagmamasid ko s paligid. He is pointing in a big opened gate, which turns to be a meter away from where we are standing. Sa kapal kasi ng hamog ay hindi na namin makita pa kung ano ang sasalubong sa amin kung papasok kami doon.

"Tara! Wala na tayong choice kundi to take risks. Besides, iyan na lang naman ang tanging lugar na mapapasukan natin. Wala ng iba." I said with a comfronting tone. Gusto ko kasi sa mga adventures. Bonus pa na kasama ko si Harvey.

"You have a point. Walang magagawa ang pagtunganga natin......at ang pagrereklamo. Kaya bilisan na nating maglakad." I flashed a smile dahil sa pag-sangayon nya sa suhestiyon ko. Saglit akong napatingin sa kanya and to my surprise, he winked at me. Buti na lang at napigilan kong mapairit sa kilig. Why is he acting strange? Di kaya namulat na siya sa katotohanang ako talaga? Tss. Asa ka pa, Princess.

On the other hand, napaismid naman si Trixie dahil sa patamang sinabi ni Harvey.

Hindi naman pala ganun kalayo iyon. Naging ilusyon lang ang makapal na hamog. Pagkapasok na pagkapasok namin doon ay nalula na agad kami sa mga nagtataasang mga gusali. Ang nakakapagtaka lamang ay kung bakit walang katao-tao dito? I thought this was a city..

Marahil sa haba at tagal ng aming nilakad ay naramdaman kong biglang kumalam ang aking sikmura. Sa di kalayuan ay may namataan akong isang restaurant....'Fine Dine in Silent City' ang nakalagay sa kahoy na karatula sa labas.

"Guys, I think we need to reenergize ourselves, by means of eating. Hindi ko na keri ang gutom na 'to." Nasabi ko na lang bigla. Hindi naman sila umangal, bagkus ay sumunod pa sila sa akin papunta dun sa restaurant na iyon.

*kliiiiiiiiiing klaaaaaang*

Tumunog ang chime na nasa may pintuan pagkapasok namin dito. Sumalubong agad sa amin ang hindi kaaya-ayang amoy. Yuck! This place sucks. Amoy spoiled meat or rotten vegetables. It should have been that clean and has a good effluvium. Ang gulo-gulo pa ng paligid. Nakataob na mga mesa. Improper arrangement of chairs. Mga table napkins, condiments at kung anu-ano pang mga bagay na nakakalat sa mesa pati na sa sahig. This is a total mess, literally. Is this a restaurant? Mas bagay na tawagin itong junk shop.

Paalis na sana kami dahil hindi na namin kaya ang aming naaamoy at nakikita nang biglang may nagsalita sa likod namin. Waitress siguro, dahil sa suot nitong vest at sa hawak nitong tray.

"A-ano pong k-kailangan niyo?" She asked in a trembling tone na para bang kakainin namin siya sa sobrang gutom. Pawis na pawis pa siya na parang may kinatatakutan.

Humarap ako sa kanya at nagsalita, "What's your menu here?"

May kinuha siyang isang book at ipinakita s amin. Umupo na din kami sa 2nd table katabi ng glass window dahil parang ito lang ang pinakamaayos sa lahat.

"Ahm....Chicken Curry, tapos Garlic Rice. Iced tea 'yung drinks." Mangatal-ngatal nyang sinulat sa listahan ang aking order.

"Ako e Grilled Salmon, Pork Barbeque, 2 Plain Rice saka tubig. 'Yun lang..." - Harvey

"Takaw..." Bulong ko pero narinig nya pala. Nginitian nya lang ako kaya bahagyang napatungo ako dahil sa hiya. Ang weird nya na talaga. Parang dati, iniignore nya pa ako.

"Orange Juice lang 'yung akin. Freshly squeezed ah? Dapat malasahan ko 'yung mga pulp." - Trixie

"Tubig lang ang akin." Oxford demanded. Napatingin kami sa kanya. "Busog pa ako."

Inulit nung waitress ang order namin. Paalis na sana siya ngunit pinigilan ko.

"Wait. Pwede bang magtanong?" She looked puzzled sa kung ano ang itatanong ko. "Bakit walang katao-tao sa labas? This place is a city, right? Where's the people?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko, bagkus ay pinagpawisan pa siya lalo at palingon-lingon dun sa may bintana ng counter.

"Please. Answer me. We're some sort of.....tourists. Yeah. Tourists. Kailangan naming ifamiliarize ang sarili namin dito." Pangungumbinsi ko, and at the same time pagsisinungaling na din.

"Ah...kase...." She heaved out a sigh at saka nagsalita. "Ang l-lugar na ito ay isang progresibo at mayamang siyudad noon. Maraming mga turistang tulad niyo ang bumibisita dito dahil sa magandang serbisyo, mataas na kalidad ng trabaho at magagarbong mga gusali na nakatirik dito. Ngunit dahil sa isang insidente, nagbago ang lahat." Huminto siya sa pagsasalita at muling sumulyap sa may counter. "'Yung mga tao? 'Yung mga tao dito ay nasa simbahan. Nakikipagsosyohan sa isang kulto na magliligtas daw sa sangkatauhan....Oh sige, i-ibibigay ko na ito sa kusinero at para makakain na din kayo."

"Teka. May itatanong pa ako." Ngunit hindi niya na ata narinig pa ang mga sinabi ko dahil kumaripas agad ito ng takbo papasok sa kusina.

"This place is really a nightmare. N-ngayon lang ako nakarating sa lugar na ganito, yet, of being a social-climber." Trixie blurted. Oo. Isa siyang social climber, hindi pa ba halata.

Ilang minuto na ang nakalilipas ay wala paring dumadating na pagkain. I checked my watch, and surprised dahil hindi na ito gumagana. Tumingin-tingin na lang ako sa labas, at may nakapukaw ng atensyon ko. Isang symbol. Hindi ko iyon nakita sa labas, hence, nakadikit ito sa may salamin ng bintana. Isang cross na may bilog sa mismong intersection nito. I can't describe it, but looking at it gives you an image of cruelty and violence.

*splaaaaaaash*

Napalingon ako sa may kusina ng makarinig ako ng malakas na pag-agos ng tubig o ng kung anuman. Dali-daling tumakbo si Harvey para icheck kung ano iyon. Wala pang ilang segundo ay bumalik din agad siya sa puwesto namin.

"W-we need to get the hell out of here..."

*end of ESCAPE 7.2*

//


AUTHOR'S NOTE :


Buti naman at nababalance ko ang oras ko sa pagsusulat ng dalawang stories. Hassle din palang maging writer no? xD Kakastress din pala.

Oh ayan, hinabaan ko na po. Sa mga nagtataka parin kung bakit may pagkahawig ito sa Silent Hill, inuulit ko, yeah, I get the setting and some ideas there, but I repeat, it's not 100% based there, okay? Sana makuha nyo ang point ko. Ü

#Pyramid-Head -- Lance_Chrysostome

SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon