SILENT CITY (A Sci-Fi/Horror Story)
BY : Lance_Chrysostome
***
[ESCAPE 6]
Harvey's POV
Umalingawngaw ang nakabibingi at nakakakilabot na tunog ng sirena. Unti-unti ring dumidilim ang paligid. Tahimik lang kami sa loob ng van at pilit pinapakalma ang aming sarili laban sa kabang kanina pa nangungulit..
"WTF!! Anong nangyayari?!" Nahihintakutang sabi ni Trixie.
"Wag nga kayong magpanic! Walang magagawa ang pagpapanic nyo!" -- Princess
"E sa nagpapanic ako e! Ang dilim-dilim kaya! Di mo ba alam na takot ako sa dilim?!" -- Trixie
"Manahimik nga kayo! Dadagdag pa kayo sa problema e!" -- Oxford
Patuloy lang sila sa pagsasagutan habang ako'y nakikinig lamang sa kanila. Nais kong gumawa ng aksyon. Kaya dali-dali kong kinapa ang ilalim ng upuan ng van, nagbabakasakaling makakuha ng gamit na makakatulong sa amin at nakapa ko ang isang flashlight. Agad ko itong binuksan at itinapat sa bintana.
Nagtutuklapan ang mga dingding ng gusali at naglalagasan ang mga dahon. Pati ang lupa, natutuklap din. At ang paligid, nagiging kulay kalawang.. F*ck! What's going on?
Tumigil na ang pagtunog ng nakakasakit sa tengang sirena. Nagkaroon ng kaunting liwanag, dulot ng pagkatuklap ng lupa. Ewan! Hindi ko maidescribe kung paano nagkaroon ng liwanag. Pero isa lang ang masasabi ko... IMPYERNO ata itong napasukan namin.
"Holy Sh*t! Ano iyon? Nakakatakot!" nagwawala na si Trixie habang nagsasalita sabay turo pa sa unahan. Shet nga! Medyo marami sila, and they look like zombies. Hindi pala, para silang mga goons na half-naked at ang balat nila ay itim. But they are more dangerous than it seems..
Napahawak ako sa manibela. Nais ko sanang bungguin ang mga ito para matapos na. Kinapa ko ang susi at pinihit, pero wala. Ayaw nang mag-start.
"P*ta! Bakit ngayon pa naman!" nanggagalaiti kong wika sabay hampas sa manibela, dahilan para tumunog ang busina at maalarma ang mga 'zombie/goon like' creatures sa unahan namin.
Nakatanggap ako ng malakas na batok mula sa likod.. si Trixie.
"Antanga mo talaga, Harvey. Tss!"
Tsk! Nagsalita ang matalino..
Dire-diretso pa rin sa paglalakad ang mga ito. Kakaiba silang maglakad, pagapang. Pigil ang aming hininga habang patuloy ito sa paglapit. Ewan ko ba kung bakit wala man lang kaming ginagawa't pinapanuod lang namin sila habang patuloy na lumalapit sa van. Hanggang sa marating na nga nila ang kotse namin, at pinaghahampas at pinagsisira ang ilang bahagi nito.
"AAAHHHHH! MOMMY!" irit ni Trixie.
"P*TA NAMAN! MANAHIMIK KA NGA MUNA SAGLIT, TRIXIE. HINDI KA NA NGA NAKAKATULONG E, DADAGDAG KA PA.." hindi na siguro napigilan ni Princess ang sarili nya. Serves her right!
Hanggang sa nabasag ang back window, at hinablot nung isa 'yung buhok ni Trixie.
"HELP! HINDI NYO BA AKO TUTULUNGAN! UGGGGH!!"
Hinawakan ni Princess ang paa niya para hindi siya tuluyang mahablot, ngunit sadyang malakas ang kalaban. Pataas ng pataas ang paghila kaya tumulong na kami ni Oxford sa paghaltak. Ngunit nabasag din ang salamin sa kanan, kung saan nandun si Oxford kaya nahablot din siya. P*ta! Nakikipaglaro ba ng thug of war ang mga letseng ito.
But all of a sudden, bigla na lamang naglaho at naging abo ang kanina'y nakakatakot na mga nilalang. Ang kaninang madilim na paligid ay unti-unti ng nagkakaliwanag. Phew! Akala ko, kukuhanin na sila.
Tiningnan ko ang rear mirror, at nakita ko ang dalawa na habol-habol ang kanilang hininga..
"So, san na tayo ngayon?" pambabasag sa katahimikan ni Princess.
Nagkatinginan kaming mga sakay ng van, at tanging buntong hininga lamang ang naitugon namin sa kanya.
***
Kyla's POV
Nasan na ba ako? Sh*t naman. Bakit pa kasi ako nag-inarte e. Ni hindi ko nga kayang mag-isa kahit sa paglabas lang ng bahay, e dito pa kaya sa lugar na hindi ko pa nararating. Tsk! Nasan na ba kasi si Gabbii..
"GAAAAB! GAAAB! NASAN KA BA?" Umeecho ang boses ko sa buong paligid. Speaking of paligid, nakakakilabot ang lugar na 'to. SILENT CITY? Tae! Silent nga! Beh sobra sa katahimikan. Parang wala ngang nakatira e.
*EEEEEEEEEEEEEENNG!*
Automatic na napatakip ang dalawa kong kamay sa tenga ko. Kakarindi ah? Anong kaguluhan ba?
Unti-unting dumidilim ang paligid. Gosh! San na ko pupunta?
May napansin akong isang malaking garbage bin sa gilid. Itinaas ko ang takip nito at pumasok sa loob. Sa pagbaba ko ng takip ay sya din namang pagdilim ng paligid.
Dalawang salita lang ang masasabi ko...antahimik at ambaho. Nakakarindi ang katahimikang bumabalot hindi lang sa loob ng garbage bin, kundi pati na rin sa buong paligid. Hindi naman sound-proof 'tong garbage bin ano!
At..napakabaho. Parang amoy patay na tao. Eeeeew! Nakakasulasok..
*eeeeeeeeeek*
Napangiwi ako sa narinig ko. Tunog iyon ng pagkaskas ng kutsilyo sa semento o sa kung anong solid na structure. Malakas ang tunog, edi siguro, malaki din 'yung bagay na pinangkakaskas nya? Palapit ng palapit ang tunog niyon. Ewan ko ba kung bakit ako kinikilabutan. Safe naman ako sa lugar na ito. P-pero kasi....papalapit talaga iyon ng palapit. Hanggang sa tumigil ang tunog na iyon.
Naintriga naman ako kaya sumilip ako. May mga butas kasi ang bin na sapat para makita ang labas. M-may nakatayo. Isang malaking tao na naka-apron? Hindi ako maaaring magkamali. Apron 'yun na puro pulang mantsa. Tapos, a-ang bagay na hawak nya. I-isang malaking k-kutsilyo? Ano nam---
*eeeeeeeeeeennnnk* (pagbukas ng makalawang na garbage bin)
Napatigil ang pag-iisip ko dahil sa bumukas ang garbage bin. Para akong napetrify sa pwesto kong iyon. Hindi ako gumagalaw. One wrong move, bisto!
May hinagis ang mamang nakabalot na bagay. Hmmmp! Ang baho. At 'yung bagay na iyon ay dumagan pa sa akin. Shet! Hindi naman mabigat no?
Narinig ko ang papaalis na yabag nung...kung sino man siya. Iniwan nyang bukas ang garbage bin.
B-bakit medyo manilaw-nilaw ang liwanag? Parang kanina puti ang paligid ah?
Agad kong inalis ang nakadagan sa akin, dahilan para mahubad ang nakabalot na mantel.
"WAAAA--" napasigaw ako sa nakita ko, ngunit napigilan ko naman. Labis akong nagimbal sa nakita ko. I-isang bangkay. Kakaiba ang itsura nya. Mukha syang undead nurse. Masuka-suka ako, hindi lang dahil sa amoy, kundi dahil na rin sa binaboy na hitsura ng monster na ito.
*footsteps*
Muli, napetrify na naman ako sa pwesto ko dahil sa papalapit na yabag. Shit talaga! Kahit kelan talaga Kyla, napakawreckless mo.
Pigil ang paghinga ko ng biglang tumigil ang yabag. Hindi ko naman magawang tumingala kasi if ginawa ko, I'll die in his dirty hands. Oh no, please. I don't wanna die.
*end of Escape 6*
//
AUTHOR'S NOTE:
Singit na naman. xD Whooo. Dalawang update para sa inyo. Ü HAPPY HALLOWEEN. >.<
BINABASA MO ANG
SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)
Misteri / Thriller| ONGOING & SLOW UPDATES -.- | (LANGUAGE : TAGLISH) The mysterious triangular pieces lead the group of friends to a mysterious city, and it's up to them if they will strive hard to survive. Can they survive this city? Can they run for their lives...