SiLENT CiTY // [ESCAPE 13]

1.5K 35 3
                                    

SILENT CITY (A Sci-Fi/Horror Story)

BY : Lance_Chrysostome

***

[ESCAPE 13]


Kyla's POV

"AAAAAAAAHHHHH!" Napasigaw ako makaraang lingunin ko ang kaliwang bahagi ko at tapatan ito ng flashlight mula sa aking cellphone. Shit! Halos mag-face-to-face kami dahil sa lapit ng distansya niya. Nakakatakot ang hitsura't pangangatawan niya. Para siyang 'slenderman' pero hindi ito ganung kahaba. Pero taliwas sa kawalan ng hitsura ng slenderman, ang isang ito ay may malapad at malademonyong ngiti, at may mapupungay na mga mata. Sa dilim ay nagiging pula ang mga mata---na nakadadagdag ng takot. Ang katawan nya ay kulay 'pink', na hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa kulay nito, o kaya naman ay mas matatakot dahil muscles nya na ata ang nakikita ko. Tuklap na siguro ang balat nya. Tumayo na ako sa kinauupuan kong bench at patakbo na sana pero bigla akong sinunggaban ng isang ito.

"Shit! Huwag mo kong kapitan...Ugh!" Patuloy ako sa pagpiglas ngunit sadyang makapit ang isang ito. Hindi naman ako brutal na tao, pero dahil sa inis ko, siniko ko ng malakas ang ulo nya dahilan para lumuwag ang pagkakayakap nya sa akin. Mabilis kong tinanggal ang braso nya, at mabilis din akong tumakbo palayo. Itinabi ko muna sa aking bulsa ang aking cellphone dahil may kaunting liwanag naman mula sa ilaw na galing sa kisame.


Dahil isa itong ospital, hindi na ako magugulat kong maraming pasikot-sikot ang aking tatahakin. Lintik! Nakakapagod---nakakahilo din! Napatigil ako sa pagtakbo ng mapatapat ako sa dalawang malaking pinto. Isa sa unahan ko at isa sa kaliwa. Nilingon ko ang likurang bahagi ko at nakitang humahabol na naman ang halimaw na iyon. Ibinalik ko ang tingin sa mga pintuan---panicking! Letse! Kailangan ko ng pumili ng pintong papasukan, kung hindi....

Pinili ko ang kaliwang pintuan at mabilis itong binuksan dahil---ewan! Hindi ko alam kung bakit ito ang pinasukan ko. Dahil na rin siguro sa sobrang kaba na baka maabutan at masunggaban na naman ako. 'Di hamak na mas madilim dito kesa sa pintuang isa, pero malay mo, kabaligtaran ang mangyari. Itatak nyo na sa isipan nyo na isa akong 'negative-thinker'. At least kapag mali man at kabaligtaran ang nangyari, hindi ganoong kasakit sa ego kumpara sa humiling ka at nag-asam, ngunit hindi naman iyon ang nangyari.

Patuloy pa rin ako sa pagtakbo kahit na kinakapos na ako ng hininga. Ang ilaw sa kisame ay kumukurap-kurap kaya hirap akong maaninag ang daan. Minsan nga'y napapatama ang paa ko sa mga nakakalat sa daan pero iniinda ko na lang ang sakit.


"Hindi diyan ang daan..." Nang marinig ko ang boses na iyon, na para bang nanggaling sa ilalim o sa kung saan man, bigla akong napahinto. Tae! Sino 'yun? Mali itong daan ko? Pero kung sakaling bumalik ako, edi malilintikan na!

Mula sa dulong bahagi ng hallway ay may naaninag akong nagalaw. Medyo may kalayuan kasi ito sa pwesto ko kaya hindi ko ito napansin noong una. Pagewang-gewang ito kung maglakad. Dahil pakurap-kurap ang ilaw ay hindi ko masyadong makilatis ang hitsura nya. Nagulat na lang ako nang sa pagbalik ng ilaw ay ilang metro na lang ang layo nito sa akin. Parang nakaplastic na kulay dilaw ang buo nyang katawan. Napilitan tuloy akong pumasok sa isang kwarto. Hindi ko alam kung ano itong pinasukan ko, pero pabayaan na. Kesa naman sa lapain ako ng mga iyon. Letse! Dalawa na itong nahabol sa akin. May dadagdag pa? Tsk!

Inilock ko ang pinto, at inilabas ang cellphone sa aking bulsa at pinindot ang unlock button para magkaroon ng backlight na siyang magbibigay liwanag sa madilim na kwartong ito.


*toot toot toot* "Lintik talaga! Ngayon pa naman, kung kailan kailangan?!" Bwisit! Kung kailan kailangan, saka naman nalowbat. Halos maibato ko ang cellphone ko dahil sa inis, pero naisip kong lilikha ito ng ingay kaya napigilan ko ang sarili ko. Kumapa-kapa ako sa paligid at pilit na naghahanap ng mapagtataguan o kahit mga bagay na maaaring pang-self defence. May nakapa akong mesa, mga iba't-ibang aparato na nakapatong dito (mga gunting, syringes atbp.), inclined chair, may mahaba pang lamp na nakatapat dito. At nang may makapa akong isang hawakan, agad ko itong hinila at bumukas naman ito. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong cabinet o drawer. Kinapa ko ang loob nito at napagtantong may kaliitan ito kaya napilitan akong tumungo para maisiksik at ipagkasya ang sarili ko. Hindi ko gaanong isinara ang pinto para mapapakiramdaman ko pa ang paligid.

SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon