SiLENT CiTY // [ESCAPE 14]

1.7K 32 2
                                    

SILENT CITY (A Sci-Fi/Horror Story)

BY : Lance_Chrysostome

***

[ESCAPE 14]


Trixie's POV

"Mama?!" Bigla na lang akong napabulalas ng makita ko sa di kalayuan ang isang pamilyar na mukha. Hindi ako maaaring magkamali---pero....hindi ba't patay na siya? A-ano ito?

"Trixie, anak..." Unti-unti siyang nalapit sa akin---paika-ika. Hindi ko naman magawang igalaw ang aking katawan sa hindi malamang dahilan. Bigla na lang nagform ng ngiti ang aking mga labi at hinihintay ang kanyang paglapit. Miss na miss ko na siya. Miss ko na ang masasarap nyang luto, ang masaya naming biruan---kahit na sampung taon lang ako noon, and I can't let go of those memories we've treasured together. Kahit na sabihing past is past, mahirap pa ring kalimutan at ibabaon lang sa limot ang lahat, lalo na't napakahalaga sa iyo ng taong iyon. Unti-unting naglaro sa aking isipan ang isang pangyayari....masalimuot na pangyayari na siyang nagpabago sa takbo ng aking buhay. Ito rin ang naging rason kung bakit ako naging ganito. Kung bakit naging ganito ang ugali ko at ang pananaw ko sa buhay.

F L A S H B A C K
(12 years ago)

"Rain?! Halika nga dito!" Nagulat na lamang ako sa biglaang pagpasok ng aking ama sa may kaliitan naming bahay. Humahangos itong lumalapit kay ina, na kasalukuyang nagluluto ng aming pananghalian. Ako naman ay kanina pang naglalaro sa salas ng aking tagpi-tagping barbie na napulot lang ni Mama sa likod-bahay.

Mahirap lamang kami, pero hindi naman kami ganoong nagkukulang. Sapat naman ang aming kinakain, sapat sa pagmamahal...'yun nga lang, nagkukulang kami sa gamit, sa pera at ang aming tahana'y hindi ganoong kaaya-aya sa paningin. Ang aking ama'y isang construction worker, at ang aking ina'y isang labandera. Ngunit kahit na ganoo'y proud pa rin ako sa kanila. Kasi nagawa nilang buhayin ako, at maging attached kami sa isa't-isa. Pero mas close ako sa aking ina. Syempre, siya ang laging naiiwan sa bahay kapag may trabaho si tatay, kaya siya lang ang laging nandyan para sa akin. Masaya kaming naglalaro tuwing hapon. Kinikwentuhan nya ako tuwing gabi bago matulog Nirereview nya pa ako ng lessons tuwing may test ako sa school. Hay.. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala si ina sa tabi ko.


Naantala ang aking pagmumuni-muni ng muli na namang sumigaw ang ama. "Ano itong nababalitaan ko ha?! Na may lalaki ka raw!" Napapapikit ako sa tuwing tumataas ang boses ni tatay. Ha? May lalaki si Mama. I-imposible?

"Ano ba Diego! Mahiya ka naman sa anak mo. Dito ka pa nag-eskandalo." Narinig kong sabi ni Mama, kasabay ng lagaslas ng tubig.

"May hiya ka pa pala? Sa kapal ng mukha mong 'yan?!"

*pak* Isang malakas na sampal ang natanggap ni Tatay kay Mama. Hindi ko man sila makita ay alam kong iyon ang nangyari.

"T*ngina mo! Ikaw pa ang may ganang manampal, ha?! Kapal talaga ng mukha mo. Pokpok!" Tila ba'y nagpanting ang tenga ko sa aking narinig. Unti-unting nagtutubig ang aking nga mata. A-anong....Anong nangyayari sa kanila?

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sahig at sumilip sa kanila mula sa pader na siyang naghahati sa salas at kusina, "Uhmmm. Bitawan mo ko!" Nakahawak ang aking ama sa baba ni Mama, at buong lakas niyang inalis ang kamay nito. "Nagmamalinis ka pa, Diego! Akala mo namang wala kang babae! Bali-balita sa kanto ang chicks mo---"

Nanlaki ang mata ko ng makitang dumapo ang kamao ni Tatay kay Mama. Dumugo ang ibabang labi nito. Mangiyak-ngiyak na humarap si Mama sa kanya. "Ano ba, Diego! Bakit ka ba nagkakaganyan? Simpleng issue, pinapalaki mo! E ano naman kung nanlalalaki ako. E sa lagi kang wala e. Babae din ako, Diego..." Tuluyan ng tumulo ang luha ko sa narinig. H-hindi....hindi ito totoo.

SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon