SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)
BY : Lance_Chrysostome
***
[ESCAPE 18.2]
THIRD PERSON'S POV
Napasinghap sa gulat sina Trixie sa nalaman nila mula sa matanda. Napakwento kasi ito, at hindi nila alam kung bakit nagkaroon sila ng interes para makinig.
"Paano nyo naman pong nalaman na mga madre ang dumakip kay Alice? Nakita nyo po ba?" Nakakunot-noong tanong ni Harvey.
Lahat sila ay nag-aabang sa isasagot ng matanda. Naghari ang saglit na katahimikan, hanggang sa makita nila ito na bigla na lamang humihikbi habang nakatakip ang mga kamay sa mukha. Nakaramdam sila ng awa dahil puno ng pighati at pagsisisi ang bawat hikbi ng matanda. Ang malapit sa kanya na si Oxford ay inalo siya, senyales na nakikiramay sila.
Hinayaan muna nila itong makarecover. At ilang saglit nga'y sumagot na ito. "Ipinusta ko ang anak ko. Boluntaryo ko siyang inalay sa mga kulto para lang sa pera."
***
Namulat si Alice sa isang hindi pamilyar na lugar. Bumangon siya at pilit na inaaninag ang madilim na paligid. Tinignan niya ang sarili kung nakatamo ba siya ng sugat o ng kung ano pero nasa mabuti namang kalagayan ang katawan niya. Paano niya nakita ang sarili gayong madilim naman ang paligid? May nakatapat na liwanag sa pwesto niya. At nang pilit tingalain ang pinagmulan ng liwanag ay nasilaw lamang siya. Saan nanggaling iyon? Pero ang mas makabuluhang tanong, nasaan nga ba siya?
Busy siya sa pag-iisip at sa pagproseso sa isip ng mga bagay-bagay nang biglang makarinig siya ng kaluskos. Sigurado siyang sa bandang unahan nanggaling ang mumunting ingay na iyon. Nagsitayuan ang mga balahibo nito dahil sa takot, idagdag pa na wala siyang makita sa paligid kundi purong itim. "Hello? May tao ba dyan?" Mahina nyang saad habang dahan-dahang tumatayo mula sa malamig na sahig.
Wala siyang natanggap na sagot mula rito. Palapit ng palapit ang yabag. Palakas ng palakas ang kalansing ng isang bagay na animo'y hinihila. Naaaninag niya na rin ang anino ng taong unti-unting lumalapit sa kanya. Wala siyang maisip na gawin. Nakatayo lamang siya doon at pinapanuod ang anino na naglalakad palapit sa kanya.
Hindi niya alam kung saan nanggaling, pero bigla na lang nagkaroon ng ray of light na sumakto sa lugar na kinatatayuan ng taong gustong lumapit sa kanya. Nagawa niya tuloy na makita ang pigura nito. Hindi man niya makita ng buo ang mukha nito, alam niyang babae ito dahil halata naman sa kanyang mahabang buhok. Natatakpan ng buhok nito ang kanyang mga mata, pero alam niyang nakatingin ito sa kanya. Nakangiti ito sa kanya, pero iba ang pakiramdam niya sa ngiting iyon. Maputi. Tanging kapa lang ang suot nito, dahilan para mabulgar ang hubo't hubad na katawan nito. May hawak siyang scepter sa kanang kamay nito. Hindi niya lang sigurado kung bungo ba ang nasa scepter dahil masyado iyong maliit at may kalayuan ang pwesto ng babae. Sa kaliwang bahagi naman ay may nakapulupot na kadena, maging sa ibang bahagi ng katawan nito. Matagal silang nagkatinginan, hanggang sa isang kisap mata, naglaho ang babae. Tanging ang kapa lamang nito ang naiwan sa lugar kung saan siya naglaho.
Nagulat siya sa nangyari. Paano nangyari 'yun? Isa ba iyong produkto ng mahika? Nasa loob ba siya ng isang magic show? Paano niya nagawa iyon?
Hindi pa man nakakarecover mula sa nangyari ay nakaramdaman siyang parang may tao sa likod niya. Paglingon niya ay bumungad agad sa kanya ang mukha ng babae. Kinilabutan siya. Hindi lang dahil sa takot, kundi dahil kahawig niya ito. Kamukhang-kamukha talaga, na para bang humarap lang siya sa salamin. Iba nga lang ang aura nito kumpara sa kanya. Ibang-iba. Unang tingin mo palang kay Alice ay masasabi mong napakabait nito at hindi makabasag-pinggan. Kabaliktaran ang mahihinuha mo sa isa. May pagka-delikado ang aura niya, na animo'y makakapatay anumang oras.
BINABASA MO ANG
SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)
Mystery / Thriller| ONGOING & SLOW UPDATES -.- | (LANGUAGE : TAGLISH) The mysterious triangular pieces lead the group of friends to a mysterious city, and it's up to them if they will strive hard to survive. Can they survive this city? Can they run for their lives...