SiLENT CiTY // [ESCAPE 9]

1.7K 36 0
                                    

SILENT CITY (A Sci-Fi/Horror Story)

BY : Lance_Chrysostome

***

[ESCAPE 9]


Harvey's POV


Marahil sa pagod at pagkakapos ng hininga ay napatigil na ako sa pagtakbo. Maging sila ay ganun din ang ginawa. Sh*t! Kung alam nyo lang ang nakita ko...


"Harvey, ano bang kalokohan mo't pinatakbo mo kami paalis ng resto na 'yun? Letse! We must have been eating their cuisine and such. We're starving, totally hungry!" Iritableng bulalas ni Trixie sa akin. Hingal na hingal namang nakahabol mula sa likuran sina Oxford at Princess.

"For Pete's sake, huwag mo nga kong inglesin ng ganyan. Di bagay sayo!" Ismid ko dito. Aba, paiksi na ata ng paiksi ang pasensya ko sa babaeng ito. "Kung nakita nyo lang 'yung nakita ko don. P*tang*na ba! Nakakadire!" Dagdag ko pa.


"Ano bang nakita mo don, pare?" Nakakunot-noong tanong sa akin ni Oxford. Bakas sa mukha at sa tono ng pananalita nya ang takot, marahil ay dahil alam nyang hindi ganun kaganda ang hatid kong kwento.


"Sa kusina....kitang-kita ko.. Kitang-kita ko kung paano hiwain at hatiin sa dalawa ang kaawa-awang waitress. Mula ulo hanggang paa gamit ang isang malaki at matabang kutsilyo. Malaking mama ang gumawa noon, siguro'y isang kusinero. Mataba, marumi at tiyak na mabaho. Hindi ko na masyadong naobserbahan ang iba pang features nya dahil pinangunahan na ako ng takot nung mga sandaling napatingin siya sa gawi ko. Nakakatakot lamang tingnan ang ngiting nakapinta sa mukha nya..." Buong kwento kong inilahad ang lahat.


"S-sigurado ka? Huwag m-mo kaming niloloko?" Mangatal-ngatal na tanong ni Trixie. "Edi kung hindi pala natin nalaman, edi sana'y kung ano na ang nakain natin. Eeeew!"


"Oo. Nagsasabi siya ng totoo. Napakiramdaman ko na agad 'yun pagpasok pa lang natin sa loob. Inobserbahan ko ang lugar, ang ayos at salansan ng mga gamit, at maging ang waitress. Isa lang ang pumasok sa isip ko, ang manghinala. Dahil sa paghihinala ko ay mas pinili kong tubig na lang ang orderin, kahit gutom na gutom na ako. At hindi nga nagkamali ang instinct ko..." Parang naliwanagan si Oxford sa sinabi niya.


"Kaya siguro pinatay 'yung waitress ay dahil masyado itong naging madaldal. Marahil palinga-linga ito sa gawing kusina ay para matiyak na hindi siya maririnig o makikita na nagbabahagi ng misteryo." Saglit akong napakamot sa ulo ko. "E ano nga bang misteryo ang nakakubli sa lugar na ito? Tsk!"


"Harvey, may sugat ka!" Hiyaw ni Princess sa akin sabay turo kung nasaan ang tinutukoy. "Sa may braso mo. Hindi nga lang ata sugat, hiwa na 'yan!"


Napatingin ako sa braso ko. Aba, oo nga. Siguro'y nakuha ko ito doon sa may pintuan ng kusina nung sandaling magmadali ako palayo doon. May nakausli yatang turnilyo o kung ano man na nagdulot ng sugat. Pero, bakit ganun? Dapat ay maliit na sugat lang ito. Bakit.....bakit ang haba naman nito? Isang dangkal siguro. Pero wala namang lumalabas na dugo pwera na lang sa namamagang balat. At saka, dapat ay kanina ko pa ito naramdaman. Ugh! Strange.......very strange.


"Dalhin ka na kaya namin sa malapit na pagamutan. Ipagamot na natin 'yan at baka kung ano pang impeksyon ang makuha mo. Besides, malapit na lang din naman dito 'yung Silent Grove Sanatorium." Saad ni Princess, habang may hawak na malaki pero lumang papel.


"At san mo naman dinekwat 'yan?" Intriga ni Trixie sa kaibigan.


"Kinuha ko nung sandaling mapadaan tayo sa isang bulletin board, kaya medyo nahuli ako sa pagtakbo. Makatutulong rin naman siguro sa atin ang mapang ito."

"Pero teka, hindi naman ako baliw para dalhin dyan sa sanatorium na yan! Wala bang ospital dito?" High-pitched kong tanong. Aba, bakit kasi dun pa ako dadalhin? Pwede namang sa ospital. At least dun, safe ako. Baka kung ano pang makuha kong sakit kapag dun pa ako sa sanitarium.

"Mayroon ngang ospital dito. Pero take a look. It's kilometers away from here. No choice tayo kundi dyan na lang sa sanatorium. Besides, may medical services din naman sila, hindi lang para sa mga mentally ill and retarded people." Tumango na lang ako sa sagot nya. Pero, iba kasi 'yung pakiramdam ko e. Parang....parang may kakaiba sa sanitarium na 'yon. Parang mas maganda kung sa mismong ospital kami. *sigh* Bahala na nga...

Mataman naming tinignan ang mapa at tinrace kung nasaan ang sanatorium na iyon. Bale nandito kami sa Tolluca Avenue, sa tabing kalsada nito. Nasa kabilang kanto lang ang sanatorium. Sinimulan na naming maglakad papunta roon. Hindi naman ito ganung kalayo kaya narating na agad namin ito.

***

Gabriella's POV


Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng sampal sa aking mukha. Aish! Ano bang nangyari?

Pagbangga ng aming van. Pagtakwil sa akin ni Kuya Ronan. Ang kirot sa aking dibdib habang tumatakbo palayo. Ang aking katangahan. Nakilala ko si Alice. Hanggang sa hinimatay ako.

Agad na naglaro sa isipan ko ang mga nangyari. Ugh! E nasan na ako ngayon?


Iminulat ko ang aking mata, only to find out na may mga hindi pamilyar na mukha na nagmamasid sa akin. Iginala ko ang aking paningin. Nakahiga ako sa isang mahabang silya, at ang lugar na ito'y isang.....simbahan? May mga nakaluhod na tao sa may bandang unahan. May mga nag-aayos at naglilinis. Paano nga pala ako napunta dito?


"Supremo, gising na po siya..." Naalerto ang aking pagmamasid ng magsalita ang nakabelong babae na mukhang kasingedad ko lang.


Mula sa kadiliman ng pasilyo sa kanang bahagi ay may biglang sumulpot na babae. Matured na ang itsura nya, idagdag pa ang mayumi at magandang mukha nito. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mainggit sa features nung tinawag nilang 'Supremo'. Supremo? Anong kalokohan naman 'yun?


Lumapit ito sa akin, hinawakan ang aking kamay at inangat ito. Nagulat na lang ako ng makitang dinilaan nya ang palad ko. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa kanya.


"A-anong ginagawa mo?" Histerikal kong tanong. Sino ba namang hindi magugulat kung sakaling gawin sa iyo 'yun?

"Tinitignan ko lang kung birhen ka pa. At hindi nga kami nagkamali......birhen ka pa." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nila. E ano naman kung birhen pa ako?

"E-eh, anong problema doon?" Nahihintakutan kong sagot.

Kinabahan ako sa biglaan niyang pagngiti. Maganda naman ang ngiti pero bakit ganon? Kilabot ang dating nito sa akin. May binigkas siyang kataga na nagdulot sa akin para mapairit. B-bakit ako? Bakit?


"Ikaw ang alay namin sa mga diablo. Hinihintay ka na nila. At muli na namang maliligtas ang sangkatauhan." Dahil sa labis na pagkahilo ay unti-unting lumalabo ang aking paningin. Rinig ko pa ang malakas nilang pagtawa, hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng ulirat.

*end of ESCAPE 9*


//

LATE LATE LATE UPDATE!
SORRY, IT IS LAME!
(Tune of "Row Row Row Your Boat" xD) Patawad at ngayon na lang ulit. Nye. Ang kurne na! HAHAHAHA! Pagbigyan! -.- Next update na talaga, pramis. 'Yung 10 Characters. Abangan! LOL! xD

Sanitarium & Sanatorium are synonymous words. Kaya kung sakaling makabasa kayo ng pareho nyan, basta pareho lang sila. Pffft! Share lang. xD

#Short #BastaMayUpdate XD
Lance_Chrysostome counting off to 1k YEHEY!

SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon