SILENT CITY (A Sci-Fi/Horror Story)
BY : Lance_Chrysostome
***
PREVIOUSLY ON SILENT CITY....
"MAGNANAKAW!" Isang ale ang sumigaw habang hinahabol ang lalaking may hawak ng isang bag; bag na naglalaman ng mga misteryosong triangulo. Patuloy sa pagtakbo ang lalaki na walang alam kung ano ba ang sikretong dala ng mga triangulong iyon. Hindi nya alam na isang pagkakamali ang pagnakaw ng mga ito. Isa palang misteryo ang mapapasok nila sa kalokohan nilang iyon.
"Akala ko pa naman, ligtas na tayo! Nagsumbong pala 'yung matandang hukluban na 'yun!" Habang nakasakay sa van at patuloy na natakas ay nasundan sila ng mga pulis. Siyam ang lulan ng van, na nasa mga 20s ang edad. Isang maganda/di-magandang ideya ang pumasok sa isip ni Harvey na siyang driver ng mga oras na iyon. Iniliko nya sa kanan ang daan na hindi nila alam kung saan paroon. Nakatakas man sa mga pulis ay isang aksidente naman ang kanilang kinaharap. Bumangga sila sa isang pader makaraang pumreno ng malakas para makaiwas sa mababanggang bata.
Nagising sa kirot at sakit ng katawan si Ronan, gayundin ang iba pa nyang mga kaibigan. Tila ba'y namangha sa lugar: tahimik, disente, kakaiba, presko. Ngunit hindi maiaalis sa isipan ang takot dala narin ng pagiging kakaiba ng lugar. Fogs, Falling Ashes; bihira na iyan sa panahon ngayon.
Pero isang alitan ang nangyari sa pagitan nila. Dahil sa pagkakaroon ng hinanakit ni Ronan sa ampon nyang kapatid na si Gab, nasabihan nya ito ng masasakit na salita. Gayundin sa panig ng magkambal na sina Kylie at Kyla. Napatakbo palayo ang dalawa (Gab at Kyla) dala ng sakit na kanilang naramdaman. Huli ng naramdaman nina Ronan at Kylie ang pagsisisi sa kanilang ginawa.
Sa isang banda, nais ng tumakas nina Trixie sa lugar na iyon. Gamit ang van, tinahak nila ang daan pabalik. Ngunit huli na. Wala ng daan para makaalis. Bigo silang bumalik sa lugar na pinangyarihan ng aksidente. At doon na nangyari ang mala-bangungot na mga pangyayari sa buhay nila.
Lingid sa kanilang kaalaman, alalang-alala na si Yuuji sa kalagayan nila. Siya ang nag-iisang hindi nakasama sa gig nila. Humanap siya ng paraan para mahanap sila, hanggang sa humingi na siya ng tulong sa mga pulis. Natulungan naman siya ng mga ito at dinala siya sa kakahuyang may kalayuan sa kabisera. Doon nya nakita ang van na sinakyan ng kanyang mga kaibigan--wasak ang unahan, magulo. Napaisip siya, 'san kaya napunta ang mga kaibigan ko?' Dahil sa wala naman siyang iba pang magagawa ay umalis na sila sa lugar na iyon. Habang sakay ng scooter ay may napansin si Yuuji. Madilim, nababalot sa apoy at kakaibang lugar. Doon nya lang nalaman at narinig ang tungkol sa lugar na iyon nang sandaling itanong nya sa kasamang pulis ang tungkol doon--sa lugar na tinatawag na Silent City.
Maraming kinaharap na pagsubok ang magkakaibigan sa pagpasok nila sa lugar na iyon. Isa na dito ang 'Otherworld'. Kapag may narinig kang malakas na ugong, isa iyong senyales na magpapalit-anyo na ang paligid mo. Dito, maaari kang lumaban. Sa pagkakataong ito, lumabas ang nanay ni Trixie. Dito, parang bumalik ang masalimuot nilang alaala. Parang may hinahanap ito kay Trixie, dahilan para magtaka ang dalaga at labag sa loob na umalis doon. Sa 'Otherworld' din nakaharap nina Ronan ang nakakakilabot na butcher na nais sana silang patayin. Ngunit dahil sa wais at pagiging maparaan ni Ronan ay nagawa nilang magapi ang halimaw.
BINABASA MO ANG
SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)
Mystery / Thriller| ONGOING & SLOW UPDATES -.- | (LANGUAGE : TAGLISH) The mysterious triangular pieces lead the group of friends to a mysterious city, and it's up to them if they will strive hard to survive. Can they survive this city? Can they run for their lives...