SiLENT CiTY // [ESCAPE 16.2]

1.2K 27 1
                                    

SILENT CITY (A Sci-Fi/Horror Story)

BY : Lance_Chrysostome

***

[ESCAPE 16.2]

KYLA'S POV



Maraming salamat sa mga signs and location boards, and right now, we're on our way to St. Pristina Montgromery. We're not missing tracks dahil nga sa mga signages. Ilang kanto at eskinita ang linikuan namin, and I can feel na ilang metro na lang at nandun na kami.



"So, Kyla. What happened to you when you're in the midst of being alone? Like, you know? Alam mo naman siguro 'yung mga nangyayaring kababalaghan dito sa Silent City right? At tiyak, naranasan mo din 'yun. Tama ba?" Ate Kylie asked out-of-the-blue. I looked at her, seeing a concern expression.



"Yeah. I've experienced, not one, but two different horrendous scenes. 'Yung una, nung sinundan ko si Gab, but it end up into nothing. Wala ring nangyari. Nagkandaligaw-ligaw ako nun. Hanggang sa magkaroon ng sudden change sa paligid. Bigla na lang lumangitngit ang sahig at unti-unting nawawalan ng liwanag, na sinabayan pa ng maingay na ugong. Then, the last thing I knew, nung sandaling magtago ako sa trash bin at makakita ng isang dambuhalang nilalang na may hawak na malaking kutsilyo, biglang nawalan ako ng malay.." Pagsasalaysay ko habang patuloy kami sa paglakad. Right then, I stopped on tracks ng maalala ko 'yung tungkol sa batang babae....kay Alice...



***


PRINCESS' POV



Okay? San na nga ba ang punta namin? Aba, malay ko. Hindi purkit matalino ako eh alam ko na ang susunod na pupuntahan. Honestly, first time ko lang marinig ang lugar na ito. Silent City? The heck! Masyadong literal ang pangalan. Very ordinary and classic. Tss.



"*sigh* I'm tired of walking. San na ba kasi tayo pupunta? Can someone tell us where to go next?!" I slumped my back to the bench and sat without poise. Gosh! Ngalay ako kaya don't bother me, pwede?



Harvey, then, sat beside me. He inched my overlapping knees for him to have a space. Medyo nawala ang irita ko nung saglit na magdikit ang palad nya sa hita ko. Bigla ko tuloy naalala 'yung mga saglit na moments na naiwan kaming dalawa sa lounge area.



*F L A S H B A C K*
@Silent Grove Sanitarium



"Shit! Ang hapdi. Woooo~" Pilit na kinukurot ni Harvey ang sugat para kahit papaano'y mawala ang sakit. Kasalukuyan kong ginagamot ang sugat niya, putting betadine on the side of his wounds. Naaawa nga ako sa kanya e. Looking at the pain expression in his face, feeling ko pati ako nakakadama ng sakit. I even blow his wound para maibsan kahit papaano ang kirot.



"Hey! Wag ka namang masyadong malikot.." Ayun na nga, pagkalagay ko ng agua oxynada eh napapitlag siya. Nagwala siya na para bang gusto nya ng tanggalin ang braso niya. I felt guilty dahil basta ko na lang pinahid ang disinfectant, though kailangan naman talaga 'yun or else mananatili ang germs sa sugat nya. I calm him down, and hold his hand tightly. "Tiisin mo na lang, Harvey. You could make through it.." Good! He smiled at me, weakly. Ayos na rin 'yun. At least napagaan ko ang loob nya.



Kinuha ko na ang sinulid at ang karayom na nasa aid box, at binigay ang benda kay Harvey para ito ang maging pangkagat nya para mapigilan ang sigaw, at para maiwasan ang pagkagat sa dila. Nakuha nya naman ang sinabi ko at binilot na ang benda. I need to knit his wounds up. Hindi lang kasi bastang sugat ang nakuha nya. Long laceration. Nahiwa kasi talaga ang braso nya na halos makita na ang laman. His platelets are not enough to regenerate the tissues, kaya kailangan talagang tahiin. Wala ring anesthesia, kaya ramdam nya ang sakit ng gagawin kong operasyon. Besides, may kaunting kaalaman din ako sa medical operations gawa naging assistant ako ng isang doctor...basta, mahabang kwento at hindi na iyon mahalaga. Hindi ko pa man naisasagawa ang dapat kong gawin ay kinakabahan na ako para sa kanya. "Okay, Harvey. Inhale~ Exhale~ Here it goes..."



SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon