She's my wife. Wae?. Part 1

2K 63 10
                                    

Anesthesia's Narration

"ba't ba ang hilig mo mang-akbay, alis nga" iritado kong sabi kay Agony.

Pabalik na kami ng room dahil tapos na ang recess. kakabell palang

Nasa kanan ko si Zane, nasa kaliwa ko naman si Agony

"oh basta girlfriend na kita kapag nandito tayo sa loob"

"mukha mo, mag-isa ka"

"Kakasabi mo palang kanina ah, may amnesia ka ba?"

"alam ko, paulit ulit ka kasi :3 . Basta wag ka mag-feeling na magboyfriend at girlfriend talaga tayo.Sasabihin mo lang na girlfriend mo ako para layuan ka ng mga babae. At wag ka mag-feeling na gusto ko to, pumayag lang ako dahil kay Zane" inis kong sabi sakanya

Nakonsiyensiya lang talaga ako sa mga sinabi ni Zane, wala naman sa isip ko maging girlfriend ng agonyong to at AYOKO TALAGA -____- pero dahil kasalanan ko rin naman kung bakit kailangan mag-transfer ni Zane ay dapat lang na pagbigyan ko siya, nahiya naman daw ako.

"Okay, di naman kita type. Ang pangit mo" kibit balikat na sabi ni Agony

"Bro.di mo dapat sinasabihan si Miss. Anes ng ganyan" -Zane

Di ko nalang pinatulan dahil baka makakuha nanaman kami ng atensyon kapag nag-away kami

Maghapon kaming magkakasamang tatlo, meaning sabay kami nag-lunch at kapag lumilipat ng room. Medjo okay rin naman kasama si Agony dahil wala ring makalapit saaming mga estudyante dahil ang sama ng tingin niya sa kung sino man ang nagbabalak lumapit saamin. Hindi na nga niya ako kailangan e.

Late na kami dinismissed ni madam dahil pinag-usapan pa namin yung out-reach na gagawin ng section namin. At pagkalabas naman ni madam ay mabilis na umalis si Agony.Palabas na kami ni Zane ng harangan kami ng dalawang malanding babae, namely Mae and Ann

Yeah. kilala ko sila, kaklase ko sila dati remember? Sila lang talaga nakalimot saakin kahit 2 weeks palang naman akong nawala. -_____-

"Ah Zane, sweeper ka ngayon" medjo pa-cute na sabi ni Mae

"ahh. ganun ba?" napakamot si Zane na parang may iniisip

"pwede bang bukas nalang?, may oras kasi kami ng pag-uwi kelangan ko pang sabihin kay Boss ang tungkol dito" 

"Nagtatrabaho ka na?! *O*" parang nag-glow ang mukha ng mga kaklase namin sa sinabi ni Zane, lumapit din yung dalawang babae na sa tingin ko mga sweepers din, may hawak silang mga walis tambo e.

"hulaan ko, model ka kno?!" sabi naman ni Ann sabay tabig saakin papunta sa gilid -___-

"oo nga! pati yung si Agony!, di ba magkakilala kayo?! mayaman ba yung si Agony? magka-ano ano kayo? Anong lahi nyo?"

"San kayo nagmomodel?"

"Oo nga, anong company? nagpose ka na ba ng sexy photo? o kaya kahit shirtless lang" 

"wow! siguro ang yaman nyo kno?"

pinagilid pa ako nung isa kong kaklase habang halatang gulong gulo naman si Zane sa kung alin ang uunahing sagutin kahit di naman talaga niya kailangang sagutin mga tanong nila.

"halika na, Zane" sabi ko, tsaka na ako naglakad papunta sa kabilang pinto.

"ah. eh. sige sige, nextime nalang ah. bukas nalang" sabi ni Zane habang pilit na dumadaan dahil nakaharang ito sa harapan niya, nakapalibot kasi sakanya yung apat

"ah teka Zane, sagutin mo muna tanong namin, sige na" hinawakan ni Anne at Mae ang magkabilaang kamay ni Zane. Ang kapal ng mukha! feeling close agad!

His Conditions Before I SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon